Mahigit sa limang minuto ng nakababa sina Dane at Nitch sa train. Matapos ang ilang oras ay narating na rin nila ang third city ng Slovokandia. Katulad ng kanilang inaasahan ay wala gaanong mga pampublikong sasakyan sa lugar. Kung mayroon man ay panaka-naka lamang iyon at minsan ay puno pa. May naamoy din siyang mga nilalang sa paligid ngunit wala namang masama sa mga ito. Mistula naging ghosts town ang maliit na terminal ng lugar. Kahit naman ay sa likod sila ng syudad dumaan ay hindi pa rin niya inaasahan na magiging ganito ka patay ang lugar. “Dane, ano ba ang nangyari sa train kanina? Parang . . . Uhm. Parang narinig ko ang boses ni Zen. Naroon ba siya?” Halos mabulunan siya sa sarili niyang laway sa tanong nito. Hindi niya inaasahang may natatandaan ito no’ng naalimpungatan ito nang

