Namumula ang kanyang pisngi habang nakatingin kay Nitch. Panay din ang tingin niya sa pinto ng kanilang cabin, dahil baka may makapasok doon, o kaya ay sumilip. “Love, relax, okay? Nothing bad will happen. I am here. Always remember that.” “Bakit ba kasi dito mo pa ’yan naisipan gawin? Alam mo namang nasa public transport tayo. Nariyan pa ang kaibigan ko sa tabi natin,” reklamo niya rito. “We’ll be quiet. No one will hear us.” Pakiramdam ni Dane ay mababatukan na niya ito at kaunti na lang. “’Yan ang sinasabi mo, we'll be quite. Ipasak ko kaya sa ’to kung magiging quite ka pa ba.” Agad namang sumilay ang nakalulukong mga ngiti sa maganda nitong labi. “Am I that big?” painosente nitong sabi. “Ewan ko sa ’yo!” Dane could feel her cheeks were burning. Para siyang bata na nahuli ng magul

