Pag Guho

609 Words
Ang mundo pala ay sad'yang mahirap unawain at intindihin dahil sa mga pangyayaring nagaganap na minsan akala nating ito na talaga. Ito ang kwento ko. Ako si Dustine 29 na ako ngayon. Lumaki ako sa probinsya ng Leyte at nagtapos naman sa kursong management. Simpleng buhay pero masaya ang meron ako noon. Noong kasama ko pa ang aking buong pamilya. Hindi man marangya ang aking kinalakihang buhay subalit masasabi kong napaka buti ng Diyos dahil sa kanyang ibinigay na pamilya sa akin. Kung may problema man ay hindi namin pinapalampas ang buong maghapon na hindi ito naaayos. Ako ang panganay sa apat na magkakapatid. Subalit isang pangyayari ang nagpabago ng lahat maging sa pagtingin ko sa kabutihan ng Dios.nasa manila ako noon at nagaaral wala akong pasok dahil sa isang bagyo na tumama sa Pilipinas habang nakikinig ng balita sa radyo at ayon sa balita ay tinombok nito ang aming lugar ang leyte. Sa balita palang na ito ay lubhang kaba at takot ang bumalot sa aking buong pagkatao. Habang nakikinig ng balita ay tinatawagan ko naman ang aking pamilya subalit hindi kona sila macontact at walang signal. Ayon sa balita marami na ang apektado hininto narin ang lahat ng mga byahe papunta at paalis ng lugar.maraming kabahayan narin ang sira at halos mabura na sa mapa ang lugar ng leyte nagdisisyon akong pumunta sa aming lugar pag hupa ng bagyo. Subalit natagalan pa ito 3 araw pa bago binuksan ang lahat ng mga daan papuntang leyte. Pagdating ko sa aming lugar ay agad akong nagtungo sa aming tahanan subalit wala ni isa man akong nakitang nakatayong bahay maging mga poste ng mga kuryete ay sira. Umiiyak na ako sa mga oras na iyon subalit hindi parin ako nawawalan ng pagasang buhay ang aking pamilya. Hanggang sa isang bagay ang pumukaw ng aking atensyon. Isang kamay ng tao mula sa nadadaganan ng gumuhong malaking tipak ng pader ng aming bahay. Doon na ako lubhang natakot at unti unting nanlambot at nawalan ng lakas ang aking mga tuhod dahilan ng aking pag bagsak paluhod sa lupa satapat ng aming bahay. Sumigaw ako ng sumigaw habang humihingi ng tulong sa mga tao upang maiangat ang malaking pader pagkaangat nito ay tumambad sa akin ang katawan ng aking ama na wala ng buhay. Matapos noon ay isa isa ng inalis ang lahat ng mga guho sa aming bahay at sa bandang kusina natag puan ang bangkay ng aking ina. Tanging pagtangis at hagulgol sa pagiyak na lamang ang aking nagawa. Hinanap ko ang bangkay ng tatlo kong nakababatang kapatid pero wala naman sila doon sa lugar nayon. Dahil doon ay nagkalakas akong hanapin sila sa lahat ng mga taong nakaligtas hindi ko alam kung saan magsisimula sa mga bangkay ba o sa mga buhay pero inuna ko ang lahat ng mga nakaligtas ang sabi ng lahat ng naka usap ko baka napad pad sila sa ibang lugar. Tanging pagiyak at halos walang patid na pagluha ang aking nagawa ng mga panahon na iyon. Kaya napag disisyunan kong hanapin nalamang sila sa hanay ng mga bangkay na nagkalat sa daan inisa isa ko ang lahat ng napakaraming bangkay pero wala hanggang sa kahulihulihan na akong lugar ay kaba at panlulumo saking sarili saking pamilya kung nasaan naba ang mga kapatid ko bakit wala parin sila. Isang pamilyar na bagay isang manika alam ko kahit marumi iyon ay tanda ko kung kanino yon. Ito ang paboritong laruan ng aming bunso na si arnie. Agad kong tinungo ang bangkay at ang labi ngang iyon ay kay arnie sumonod kong nakita ang bangkay ng dalawa ko pang kapatid na sina unice at alvin. End of 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD