Pagluluksa

1246 Words
Hinagpis nalang ang aking naramdaman at galit sa Dios. Dahil sa lahat ng bagay na binigay nya sakin ay bigla nyang kinuha. Naging masama ba akong tao bakit wala ka manlang itinira sabi sa sarili na parang kausap ko ang Dios. Matapos mailibing ang aking buong pamilya ay tanging pagluluksa na lamang ang aking nagawa umuwi narin ako ng maynila ng wala sa aking sarili. Pagdating sa tapat ng pinto ay kumatok ako at agad naman akong pinag buksan ni tita wala pa akong tulog kain at pahinga. Mugtong mugto narin ang aking mga mata dala narin marahil ng kakaiyak ng ilang araw. Tita tessie: anak ano ang balita? Nakita mo ba sila ate? Ligatas ba sila? Akala ko noon ay ubos na ang luha ko pero muli nanaman itong umagos saking mga mata Ako: tita masama ba akong tao kaya galit sakin ang Dios kya nya ito ginawa sakin? Tita tessie: ano bang sinasabi mo? Ano bang nangyari? Ako: tita wala napo akong pamilya! Wala napo silang lahat! Patay na po sila. Ang sabi ko kay tita na lumakas na ang aking pagjyak na kanina lamang ay hikbi at tahimik na pagluha. Mula noon ay nagkaroon ako ng galit saking sarili at sa mundo. Sinasabi korin sa Dios na sana isinama na ako sa aking pamilya na sana binawi narin nya ang buhay ko. Ang sakit sakit ng nararandaman ko yung tipo na gusto ko narin mawala nalang ng bigla sa mundo. Hindi kona alam ang gagawin wala na akong lakas para bumangon pa. Noon na ang bawat umaga na dumarating saking buhay na nagagawa kong ngumiti araw araw ngayon ay tila ang araw sa akin ay nilamon narin ng gabi. Dahil sa pakiramdam kong iyon ay pati na ang mumunting pangarap ko ay nawala na. Isang umaga pag gising ko tila isang panaginip subalit isa lamang palang alala na sakin ay nagbigay ng ngiti sa una. Dahil sa alalang kasama ko si nanay. Aking ina: anak lagi kang magiingat saan kaman makarating wag na wag mong papabayaan ang sarili mo. Ano man ang mangyari tandaan mo lagi lang akong naririto para sayo. Ako:inay bakit nyoko iniwan? Bakit hindi nyo pa ako isinama bakit bakit? Tanong ko na tila ba may kausap na habang ako ay muli na namang lumuha at niyakap ko ang aking ina sa parteng iyon duon lang ako natauhan na wala naman akong kasama at kausap. Matapos ang senaryo na iyon ay muling bumalong ang mga luha sa aking mga mata na tila ba walang patid sa pag agos. Habang inaalala ang lahat ng mga masasayang ala ala ay biglang naalala ko si alvin ang sumunod sa akin. Ang nagiisa kong kapatid na lalaki. Alvin: alam mo kuya idol kita at pinag mamalaki kita sa lahat. Ako: bakit naman eh simple lang naman ang kuya mo? Alvin:kasi kuya matapang ka matalino at higit sa lahat gwapo ka tulad ko cute. Hahahahha... saka kuya bukod dun gusto ko paglaki ko maging tulad mo. Aabutin ko rin ang mga pangarap ko at tutulong ako kila nanay at tatay. Nangiti nalang ako habang patuloy sa pag agos ang luha ko. Sumagi din sa ala ala ko ang dalawang kapatid kong babae na makukulit. Sina unice at arnie. Unice:kuya mukang matagal pa bago tayo magkita pwede bang makipaglaro ka muna sa amin ni arnie? Arnie:oo nga kuya saka pwede ba kuya pag uwi mo bilihan moko ng bagong laruan luma na kasi ang manika ko eh. Ako:oo ba ikaw pa. Pero maglaro muna tayo ah. Ano bang lalaruin natin? Ang cute cute nyo talagang dalawa. Pinisil ko ang kanilang mga pisngi na may panggigigil. Arnie:kuya naman eh ang skit kaya. Unice oo nga kuya tama na Binitawan konarin ang kanilang pisngi dahil maupala na ito. Tawa ako ng tawa noon ng bigla akong pag tulungan ng dalawang makukulit kong kapatid. Si alvin ay 14 years old na at nagsisimula ng magbinata Si unice naman ay nasa 8taon na noon at si arnie naman ay 5taon. Ako naman ay nasa labing pito na noon pero sa ala ala nayon ay tila ngayon lang kahit 2taon na ang nakaraan. Sayang kasi sana ngayon 16 na si alvin baka kasama kona din sya sa maynila si arnie naman ay baka nagaaral na noon.si unice naman baka nasa grade four na. Pero wala na sila ano pang dahilan para mabuhay ako? Ano pang dahilan para ngumiti at magpatuloy ako. Dahil sa nangyari ay huminto ako ng pagaaral wala nakong balak na tapusin ang pagaaral ko. Nang dahil din sa pagkawala ng aking pamilya ay hindi narin ako nakiki halubilo sa ibang tao kahit pa kila tita tesie. Nakakatuwang mag balik tanaw sa mga panahon na kasama kopa ang pamilya ko subalit tuwing maiisip ko iyon naiiyak nalang ako. Kaya madalas ay naka kulong ako sa kwarto lalabas nalang kapag wala ng tao sa bahay. Isang gabi lumabas ako ng bahay at doon ko nakilala ang taong magiging kaibigan ko pala. Siya si raffy anak ng isang mayaman. Raffy: psssst... Hindi ako lumilingon at hindi ko sya pinansin. Raffy: suplado naman neto oh. Hoy... teka nga sandali. San kaba pupunta pare ha? Ako:Bakit moko tinatanong kilala ba kita? Raffy:oh maiinit ba gabi naman ah? Ang init naman ng ulo mo. Ako:ano bang pakialam mo di naman kita kilala ah bakit tanong ka ng tanong? Raffy: ok sige yun lang pala eh. Di mag papakilala ako. Ako nga pala si raffy. lkaw sino ka? Ako: ang kulit morin eh no? Raffy: kung may problema ka shot nalang tayo naghahanap lang din naman ako ng kasama saka para makalimot karin sa problema mo. Pumayag naman ako halos hating gabi na ng maka uwi kami ni raffy. Ako:pare nga pala kanina pa tayo magkasama eh saka salamat ah ako nga pala si Dustine. Pag uwi ko ng bahay inabutan ko si tita tessie mukang galit sya at hinihintay pala ang pag uwi ko. Tita tessie: hoy bata ka sino ang nagsabi sayong maginom ka at magpakalasing? Kelan kapa natutong mag inom? Ganyan nalang ba talaga ang plano mo sa buhay mo? Ang sunod sunod na tanong sa akin ni tita sa halip na mag sorry at matakot dahil noon lang nagkaganon si tita tessie. Ako: tita alam mo ang dahilan bakit ako nag kaka ganito. Dahil gusto ko makalimot. Gusto kong kalimutan na magisa nalang ako. Hindi kona napigil ang umiyak sa harap ni tita Ako: alam mo tita kahit anong gawin ko dipa rin mawala ang sakit dipa rin ako makalimot diko parin matanggap na wala na akong pamilya. Tita tessie: alam mo naiintindihan kita alam ko rin na hanggang ngayon nasasaktan kapa. Pero hindi totoong mag isa ka nalang. Dahil nandito pako kami ng tito mo.buhay kapa at hindi pa tapos ang lahat. Ako: tita sabihin monga sa akin kung paano ako mag papatuloy gayong wala na ang pamilya na syang dahilan ng mga pangarap ko? Tita tessie: alam mo dustine may dahilan ang lahat at kung bakit sila nawala may malalim na rason kung bakit ito nangyari sa iyo. Ako:naging napakasama ko ba para magalit sakin ang Dios kung bakit kinuha nya agad ang pamilya ko ang lahat lahat sa akin? Sana pati ako kinuha narin nya! Tita tessie: sige nga sabihin mo sakin kung sa palagay mo ba ay matutuwa ang nanay at tatay mo kapag nakita ka nilang nagkakaganyan? Magisip kang mabuti! Tumalikod nalang ako at tinungo ko ang kwarto ko at natulog subalit. End of part 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD