Dumating na ang babaeng makaka tabi ko.
Ako: hayyyyy.... nako naman. Dumating din sa wakas..
Mag sasalita pa sana ako pero natigilan ako ng marinig
ko syang nag salita.
Lorein: sir sorry ha? Pasensya kana marami kasing
aberya buti nga at naka abot pa ako. Sorry talaga.
Pag angat ko ng aking mukha upang bulyawan ang
babae ay natulala ako at hindi maka paniwala. Ang
babaeng hinanap ko ng kay tagal ngayon ay nasa
harap kona. Hindi rin ako makapag salita ng mga oras
na iyon.
Lorein: sir ok kalang ba?
Subalit napa hinto sya sa pag sasalita na tila ako ay
kinikilala.
Ng ako ay kanyang ma mukhaan ay nag salita syang
muli.
Lorein: dustine ikaw ba yan? lkaw nga!
Anong ginagawa mo dito bakit ka nandito?
Gusto kona syang yakapin pero nag pigil ako. Halos
tumulo na ang luha ko na nag babadya ng umagos
dahil hindi ako maka paniwalang nasa harap kona si
lorein.
Ako: ahhmmmm nandito ako kasi hinanap kita.
Matagal na kitang pinupuntahan sa tinutuluyan mo
pero di kita matyempohan.matagal na kitang gustong
makita pero parang ayaw ng pag kakataon na pag
tagpuin tayo.
Lorein:ano bang sinasabi mo ha? Di kita maintindihan.
Bakit mo naman ako hinahanap? Anong ayaw pag
tagpuin?
Ako:matagal na kitang hinahanap at sumunod talaga
ako dito para makita ka. Para sabihin ko sayo na mahal
kita matagal na. Na pinalaya kona si candice na ok
nako nakapag move on nako. Pati ang sarili ko
napalaya konarin. Pero mukang huli na ang lahat dahil
may mahal kana dahil tahimik na ang buhay mo.
Ayoko maka gulo siguro di lang talaga tayo para sa isat
isa. Ayoko rin na maka gulo pa. Pasensya kana ha ang
|lakas ng loob ko mag salita ng gaya nito kahit pa
ipinag tabuyan kita palayo sa akin. Kaya ngayon
nakahanap kana ng lalaking para sayo. Masaya ako
para sa inyong dalawa at tanggap ko narin na hindi na
pwedeng maging tayo.
Lorein: dustine ano kaba? Ano bang mga pinag
sasasabi mo? Naguguluhan ako sayo hah!
Gusto kong ipaalam sayo na wala akong boyfriend ha
wala kang magugulong buhay. Matagal na kitang
hinihintay
Kaso pinalayo mo ako sayo. Kaya lumayo ako baka
kasi iyon ang maka buti sayo para maiayos mo ang
buhay mo. Matagal kanang pinalaya ni candice. Sya rin
ang nagsabing ikaw nalang ang mahalin ko. Na
alagaan kita kung dumating ang oras na mawala na
sya at iwanan kanya.
Ako: ibig bang sabihin nito kaya mo ako hinihintay
dahil kay candice? Kaya concern ka sakin dahil sa
kaibigan mo?
At wala ka naman talagang nararamdaman para sa
akin?
Lorein: alam mo dustine noon oo wala akong
pagtingin sa iyo kahit kaunti. Pero nung makita ko
kung gaano mo minahal si lorein pinangarap ko na
sana makatagpo ako ng gaya mo. Pero hindi ako naka
kita ng tulad mo sa loob ng dalawang taon. Sinubukan
kong kalimutan ka pero diko nagawang alisin ka kahit
saglit lang sa isip ko. Diko namalayan na minahal na
pala kita kahit sa sandaling oras lang na nakasama
kita. Nagbaka sakali akong hanapin ka pero diko na
ginawa dahil gusto kong maging malinaw muna sa isip
mo ang lahat at ayaw kong samantalahin ang
pagkakataon na nag durusa kapa sa pagkawala ni
candice.
Sa haba ng aming paguusap diko namalayan na nasa
pilipinas na pala ako. Pag lapag ng eroplano ay inaya
ko si lorein na kumain muna at ng mag kausap pa kami
kahit na sandali pa. Kung kaya dumiretso na kami sa
isang resto. Noon kolang napansin na napalaki ng
ipinag bago ni lorein dahil lalo syang gunmanda. Hindi
na sya yung dating mukang taga bukid na simple lang
at parang inusente. Habang hinihintay namin ang
aming order ay nag patuloy kami sa aming kwentuhan.
Ng mag salita muli si lorein.
Lorein:dustine maalala ko may iniwan na sulat si
candice para sayo matagal na to saakin ipina abot lang
ng mama nya kapag daw magkita tayo. Nakita lang
daw nila ito sa ibabaw ng kama ni candice. Ibigay ko
raw sayo ito kapag malinaw na sayo ang lahat kapag
tanggap mona ang pagka wala ni candice at kapag
nakapag move on kana.
Ako: lorein maraming salamat sa lahat. Salamat sa pag
iingat mo sa sulat na ito at sa hindi mo pag limot sa
akin sa kabila ng nagawa ko sayo.
Lorein: ano kaba wala yon ang mahalaga ayos kana. At
lagi mong tandaan nandito ako para sayo. Sige na
malapit ng gumabi hinihintay narin ako ng pamilya ko.
Dina ako nag pasundo ayoko na kasi silang abalahin
pa wala naman akong maraming dala.
Ibibigay kona rin ang number ko para kapag buo na
ang disisyon mo at matapos mo basahin ang sulat na
ni candice i txt mo ako o tawagan para alam ko kung
maghihintay paba ako o hindi na.
Ako: lorein sa ngayon palang sugurado na ako sa
nararamdaman ko para sayo. Pero sige babasahin ko
parin ang sulat ni candice para malaman ko ng
malinaw ang lahat. Salamat ulit at mag iingat ka.
At hinatid kona sya sa terminal pauwi ng bulacan. At
ako may umuwi narin kila tita pag dating ko palang ay
sinalubong na ako ng nqpakaraming tanong ni tita.
Dahil ng umalis ako ng bansa ay hindi ako nag paalam
sa kanila at maging ang pag uwi ko ay hindi rin nila
inaasahan.napansin korin ang biglang pag taba at
paglobo ng tiyan.ng tita kaya naman binati ko ito at
maging si tito.
Ako: tito tita congrats ah naka buo narin kayo sa tagal
ng panahon.
Tita tessie: iho kumain ka muna saka ka mag pahinga
mejo gabi narin kaya bukas nalang tayo mag
kwentuhan ha?
Ako: tita wag na po kumain na po ako sa labas kanina
bago ako umuwi dito sa bahay.
Kina bukasan palang ay napansin na nila tito at tita
ang malaking pag babago sa akin.
Mula ng lisanin ko ang pinas isang taon narin pala ang
lumipas. Ang gaan ng aking pakiramdam ang dating
bigat sa loob ko ay nawala narin maging ang mga
mapapait na alala ay hindi kona rin iniisip.
Nakapag move on nanga ako. Dahil nahanap kona rin
ang babaeng muling nagbigay ng buhay sa puso ko.
Summer ng umuwi ako ng pinas kayat napaka init ng
panahon na iyon. Kayat nag paalam ako kay tito at tita
na pupunta muna ako sa pwerto galera para mag
palamig mag relaxe at para naman maka langhap ng
sariwang hangin.
Ng makarating saaking distinasyon ay lumabas ako ng
kwarto na aking tinutuluyan at nag punta sa baybayin
ng dagat. Dala ko ang isang back bag na pinag
lalagyan ng aking mga gamit. Tinungo ko ang isang
cottage at duon muna nag pahinga dahil medyo
tahimik ay muli akong nag balik tanaw sa mga
nakaraan ng buhay ko habang inaalala ko ang lahat ng
nakaraan namin ni candice ay hindi ko naiwasan ang
mapaluha dahil hanggang ngayon ramdam ko parin
kung gaano namin kamahal ang isat isa. Siguro nga
ganun talaga dahil sya ang unang pag ibig ko ay hindi
ko sya magagawang kalimutan. Habang inaalala ko
ang lahat ay naisipan kung kuhanin na sa bulsa ng
aking bag ang sulat na ibinigay sa akin ni lorei. At
duon ay aking binasa ang nilalaman ng sulat ni
candice.