Lumipas pa ang 2 taon at nag pasya akong buksan ang isang box kung saan
naroon ang lahat ng mga alala ni candice. Ang dalawang taon na aming
pinagsamahan. Ang mga picture kung saan napaka sweet naming dalawa
habang mag kahawak kamay meron panga yung time na hinalikan ko sa
pisngi. Mga sulat na ipinadala nya sa akin. Isang puting sobre naman ang
pumukaw ng aking atensyon dahil hindi pa ito bukas ay alam kong ito ang
huling sulat ni candice para sa akin. Agad ko maman itong binuksan at
binasa. Ito ang naka lagay sa sulat ni candice.
Para sayo mahal ko,
Dustine mahal ko salamat sayo mula noon hanggang ngayon ay hindi mo
ako iniwan. Salamat kasi nakilala kita. Salamat dahil ako ang napili mong
mahalin. Ikaw ang taong pinili ko noon pa hindi paman tayong dalawa
lubusang mag kakilala. Ang daya ko noh kasi iiwan kita pero ganon talaga
baka hindi lang ako yung taong tinadhana na makasama mo sa habang
panahon. Alam mo kahit 2years lang na naging tayo masaya na ako don kasi
para sa akin kaya kong dalhin yon hanggang sa hulingg sandali ng buhay ko.
At pang habang buhay konang kaligayahan ang minsang nakilala kita at
naranasan ko ang pagmamahal ng tulad mo. Siguro pag nabasa mo ito wala
na ako. Gusto ko narin kasing mag pahinga dahil pagod na akong lumaban
tanggap kona rin naman na hanggang dito nalang ako. Wag kang mag alala
lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. Sana kung iwan man kita maging
matatag ka. Napaka raming tao sa mundo ang gustong maranasan ang
pagmamahal na naibigay mo sa akin. Wag kang matakot muling sumubok
na mag mahal. Wag na wsg mo ring isasarado ang puso mo para sa iba para
makita mong may higit pa sa akin. Maging matatag ka ha at maging lakas ng
mga taong nakapaligid sayo. Ikaw na ang bahala kay lorein. Alam kong
malapit na kayo mag kita. Kilala kana nya dahil madalas kita i kwento
sakanya. Ininggit konga yun kasi wala pa syang boy friend. At ang sabi ko
sakanya na maari kana nyang hiramin. Hahaha. sana magustuhan mo sya.
Mabait yun at magada. Bagay kayo. Mahal ko ramdam komang hindi na ako
mag tatagal pa at ayaw kong iwan kang mag isa sana lang mag kasundo kayo
ni lorein
Ps
Wag mo sana pabayaan ang sarili mo. Wag kang masyado mag alala
pakiramdam ko naman maganda sa lugar na pupuntahan ko. Muli maraming
salamat sa iyo. Pinalalaya na kita. Sana ako din magawa mong palayain.
Maraming salamat,
Candice
Matapos kong basahin ang sulat ay hindi kona napigilan pa ang mapa luha.
Ako:bakit ngayon ko lang ito naisipang basahin bakit hindi pa noon! Hangad
nyang lumigaya ako samantalang ako naman ay nagpabilanggo sa kahapon.
Matagal na akong pinalaya ni candice at yun din ang gusto nya na gawin ko.
Matagal na panahon narin ang lumipas na kinalimutan ko ang ngumiti.
Maging ang sarili ko ay nilunod kona sa trabaho at sa problemang dala ko sa
loob ng 2 taon. Ngayon alam kona matagal kona pinipigil ang sarili kong mag
mahal ng iba. Noon dipa ako sigurado dahil nabubuhay pa ako sa nakaraan.
Pero ngayon ay gusto konang mag paalam sa kahapon. Upang mapalaya
kona si candice at ang aking saili. Matapos noon ay nakaramdam na ako ng
luwag sa aking dib dib. Subalit nasaan nanga ba sya? Ang babaeng nagbigay
sa akin ng pag asa ng halaga at pag aalaga? Nasaan naba sya ang babaeng
pinag tabuyan ko palayo? Mga tanong ko sa aking sarili na gusto kong mag
karoon sagot. Makalipas ang isang araw ay nag pa sya akong mag punta sa
bulacan kung saan nakatira si lorein. Pag dating ko ng bulacan ay ang
kanyang pamilya ang aking naabutan sa kanilang bahay at sila na lamang
ang nag sabi kung nasaan si lorein. Nag abroad daw ito. Pumunta daw ito ng
america halos mag dadalawang taon na raw ito.
Ang huling kita namin ni lorein ay nung inalagaan nya ako nung libing ni
candice. Dahil ipinag tabuyan ko sya. Mula noon ay hindi ko na sya
naiwasang isipin hanggang sa unti unti na syang lumikha ng puwang sa puso
ko. Hiningi ko nalang ang kanyang eksaktong address sa america.
Gusto ko kasing mag tapat na ng nilalaman ng puso ko na mahal kona sya
noon pa. Buwan ng march ng matanggap ako sa trabahong aking inapplyan.
Nakapasok na nga ako sa isang kumpanya doon kapag may bakanteng araw
o kaya naman ay oras ay nag pupunta ako sakanyang tinutuluyan pero wala
at madalas na hindi ko sya inaabutan. Hindi ko nga ba talaga sya inaabutan o
ayaw na talaga kaming pag tagpuin ng tadhanlnawawalan na ako ng pag asa
sapagkat tila ang lahat ng hirap ko ay mauuwi nalang sa wala. Tumigil na ako
sa pag hahanap at pag habol sakanya ayoko na sabi ko sa aking sarili. Wala
akong pasok noon kaya naman namasyal muna ako sa isang sikat na
pasyalan sa newyork. Habang nag papalipas ng oras ay hindi ko inaasahan
ang aking nakita. Parang si lorein ang babaeng iyon. Bakit kung kelan handa
kona syang kalimutan saka sya ngayon mag papakita? Medyo may kalayuan
ang kanyang kina tatayuan na tila may hinihintay. Nag pasya akong lapitan
sya at nagsimula nanga akong humakbang. Habang patuloy ako sa pag
hakbang ay walang tigil sa pagkabog ang aking puso. Na tila puno ng kaba at
pagkasabik sa taong matagal konang hinihintay at hinahanap.
Subalit ng ako ay malapit na ay may dumating na isang gwapong lalake at ng
makalapit na ito sakanya ay hinagkan si lorein sa pisngi.
Hindi na ako tumuloy pa at tumalikod na lamang ako at humakbang palayo
sa kinaroroona ni lorein. Ang sakit pala sobra habang humahakbang ako
palayo ay walang humpay sa pag agos ang aking mga luha. Naisip ko kasing
wala ng pupuntahan pa ang lahat. Nabigho ko si candice sa hiling nya sa
akin. Tinapos kona lang ang aking kontrata upang maka uwi na ng bansa.
Para makapag move on. Tapos na ang aking kontrata kaya naman bumili na
ako ng ticket pauwi na bansa. Nag pa book na ako sa susunod na flight araw
noon ng huwebes. Naka sakay na ako ng eroplano matagal na nag hihintay
para sa isang pasahero.inis na inis na ako nung time nayon. Pero mga 30
minuto pa ang lumipas at dumating na ang babae