kinabukasan ng umaga handa na ang lahat dumaan nalang ako sa flower
shop para bumili ng rose.
Ako: ate yung kulay puting rose nga isa lang.
Pagkatapos ko bumili ay dumiretso na ako sa iskwelahan. Napaka saya ko
non habang papasok palang ng school. Nakita ko agad si candice at ini abot
ko sakanya ang rose.
Ako: candice para sayo.
Candice: talaga thanks ah. Ano meron? Saka paborito ko tong white roses eh.
Thanks ah.
Ako: wala yun salamat naman at nagustuhan mo. Dun naman sa tanong
mong ano meron. Manliligaw sana ako. Pwede ba?
Candice: o0 naman wala naman magagalit dahil wala naman akong boy
friend.
Ako: ikaw talaga masyado kang pala biro sa ganda moba naman na'yan
walang nanligaw sayo?
Candice: ayoko sa kanila.
Ako: bakit naman?
Candice: kasi may mahal nakong iba at may gusto na akong iba.
Ako: ganon ba ang sakit naman. Pero itutuloy ko parin na ligawan ka baka
mabago na ang nararamdaman mo.
Nagpatuloy ako sa panliligaw hanggang umabot ng 2months.
Kinagabihan handa na ako sa todong panliligaw ko bumili ako ng isang
dosenang pula at puting roses para ibigay kay candice at pumunta nanga ako
sa bahay nila candice. Pagdating namin sa tapat ng gate nila candice
Ay bumusina na si raffy. Agad namang binuksan ng guard ang gate dahil
naibilin na ito ni candice kanina pang hapon na may darating syang bisita.
Pag dating sa tapat ng pinto ay pinag buksan kami ni candice ay agad nya
akong sinalubong ng tanong.
Candice: akala koba bibisita lang kayo? bakit ang dami mo namang dalang
bulaklak?
Ako-para maligaw sayo at maipaalam sa mama at papa mo na tapat ang
hangarin ko sayo. Ayaw mo ba?
Candice: may sinabi ba ako na ayaw ko?tara na nga sa loob ng makakain na
tayo kanina pa naghihintay sila mama.
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila candice nag mano ako sa mama at
papa nya ok naman ang naging pagtanggap nila sa akin. Kwentuhan at
kamustahan lang pagkatapos ay nagpaalam na kami ni raffy para makuwi
narin.pagdating ko sa amin at tinanong ako ni tita tessie.
Tita tessie: oh anak kamusta ang panliligaw mo? Ayos naman ba ang
pagtanggap nila sayo?
Ako: tita ok na ok po mababait naman po ang mga magulang ni candice.
Tita tessie:mabuti naman kung ganoon at wala tayo magiging problema.
Sana anak maging masaya kayo ni candice. Anak ano man ang maging
problema mo nandito ako para sayo kami ng tito mo.
Ako:tita salamat po sige po at matutulog na ako.
Kinabukasan ng umaga araw ng sabado at wala kaming pasok kaya niyaya ko
si candice na lumabas kami sinundo ko sya sa kanila at pumunta kami sa
isang fast food chain at duon kumain at nag usap. May dala na akong kwintas
saking bulsa at kinuha ko iyon matapos kumain.
Ako:candice medyo matagal na akong nanliligaw sayo. Hindi naman sa
nagmamadali ako pero per....
Candice: pero ano? Sus naman wag kana nga mahiya ok lang gusto mo
malaman kung may pag asa ka. Kung may pag asa bang maging tayo yun
yung gusto mo itanong diba?
Ako: o0 sana kaso nahihiya talaga ako.
Candice: ano kaba naman. oo naman pwedeng pwede.
Ako: talaga ba? Ibig bang sabihin nyan tayo na? Sinasagot mona ako????
Candice: o0 nga tayo na nga. Ayaw mo ata wag nalang babawiin kona!
Ako: gusto syempre. Hindi lang ako makapaniwala. Alam mo candice
sobrang saya ko gagawin ko ang lahat at sinisigurado kong hindi ka
magsisisi. Papasayahin kita araw araw.
Candice: alam ko naman yun kaya nga ikaw ang napili ko. At alam kong hindi
ka gaya ng iba. Mahala na mahal din kita.
Umuwi na kami ni candice at hinatid ko sya sa kanila. Sobrang saya ko non.
Halos mag muka akong tanga dahil hindi nawala ang ngiti ko hanggang
makauwi sa amin.pagdating ng bahay.
Ako: tita magandang gabi po.
Tita tessie: ano bang nangyayari sayo ha? Grabe ang ngiti mo parang alam
kona yan. Sinagot kanaba kaya ganyan ka kasaya?
Ako: opo tita kami na ni candice ang saya saya ko po pero parang hindi parin
ako maka paniwala.
Apat na buwan na ang lumipas december 24 dapat magkasama kami pero
wala sya hindi sya dumating hindi narin nya sinasagot ang tawag ko. Nawala
nalang syang parang bula
Naisipan kong mag online at mag baka sakaling naka online din sya. Tyempo
naman na online nga sya. Nag pm ako sakanya ng ganito.
Ako: mahal ko ayos kalang ba? Kamusta kana? May sakit kaba? Wag kang
matakot di naman ako galit sayo ayos lang naiintindihan kita.
Candice: ok lang ako wag kang mag alala wala akong sakit.
Ako:bakit hindi kana pumapasok?
Candice: busy kasi ako.
saka wala ako sa pinas nandito ako sa america kasama sila mama at papa.
Ako: ganon ba? Kelan kayo uuwi? Saka ano ginagawa nyo riyan?
Candice: bakasyon lang pasensya kana kung hindi na ako nakapag paalam
sayo. Mahal ko mahal na mahal kita.
Ako: mahal na mahal din kita magii ngat ka dyan ah saka nga pala sana sa
birthday ko nandito kana gusto ko kasing makasama ka sa lahatng
importanteng araw sa buhay ko.
Candice: o0 naman dadating ako at pag hahandaan ko yan. Mas
magpapaganda ako para dika maagaw ng iba. Hahaaa..
Ako: ikaw talaga di naman ako maaagaw ng iba sayung sayo lang ako wag
kang mag alala
Itinali kona ang puso ko sayo.
Candice: sige na mahal ko pagod na ako eh pahinga na ako. Nxt time nalang.
Isang buwan na ang lumipas mula nung huling paguusap namin ni candice.
Nabalitaan ko nalang kay raffy na nakauwi na sila candice galing ng america.
Tamang tama lang dahil nxt week birthday kona.
Tumawag ako sa kanila at nakausap ko si candice.
Ako: hello po goodevening po pwede po ba kay candice?
Candice: hi sayo ako nga pala si candice.
Ako: hahhaa... kamusta bagong dating? Nga pala mahal ko sa sabado ng
gabi punta ka ha hihintayin kita.
Candice:diko pa alam may lakad yata kami ng family ko. Kunin konga
number mo para maitxt nalang kita naki tawag lang ako kila raffy.
Ok anak sige na.
Nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa bahay. May lumabas naman na
tao mula sa kusina na may dalang cake na may naka sinding kandila.
Kinausap na pala ni candice ang lahat kaya parang wala silang alam ang
totoo naman pala kasabwat silang lahat
Binuhay na ang lahat ng ilaw at patakbo kong niyakap si candice sa sobrang
saya ko ay hindi kona napigilan na hagkan ang kayang mga labi.
Ako: akala koba hindi ka dadating?
Candice: ako pabal Alam mo lahat gagawin ko para lang mapasaya
kita.magtatagal din ako para makabawi ako sayo.
Ako: salamat sa pag punta mo ha sobrang napasaya mo ako.
Bigla naman sumingit si raffy sa pag uusap namin ni candice.
Raffy: oh pare kanina lang muka kang pinagbagsakan ng langit at lupa
ngayon naman para kang baliw sa pagkakangiti mo dyan.
Saka baka naman langgamin na kayo dyan sa sobrang tamis
nyo.hahahhahhaha..
Ako: ahhahahhahha... loko ka talaga pare oh. Nga pala bakit kasama mo si
cassy?
Cassy: bakit naman dustine dimo paba alam na kami na nitong kaibigan mo?
Ako: ganoon ba akala ko kasi iba pinopormahan nitong si pareng
raffy eh. Saka wala rin naman yang binabanggit sakin5 months na yata mula
nung huling beses na magkausap kami busy lagi. Akala ko naman kung ano
pinagkaka abalahan yun naman pala busy sa panliligaw sayo. Congrats pare.
Raffy: alam mo pare hindi pwedeng ikaw lang ang may love life dapat ako rin
ano kaba naman.
At lumipat na sila sa pwesto nila tita sina raffy. Pati sila tito at tita dinya
pinalampas.
Ako: hoy raffy tigilan mo sila tito at tita baka mapikon mo mga yan ah?
Parang close na close kayo ah!
Tita tessie: ok lang anak ano kaba.
Tito rafael:okey nga itong si raffy parang barkada lang kami saka parang
bumabata ako pag ganito kausap ko.
Matapos ang ilang oras nagpaalam na isa isa sina raffy cassy at pati narin si
candice.
Raffy: tito,tita uwi na po kami salamat po.
Tita tessie: sige magingat kayo.
Candice: ako din po uuwi na. Sasabay narin po ako kila raffy medyo pagod
narin po kasi ako. Dustine mahal ko uuwi nako ha tandaan mo mahal na
mahal kita at hinding hindi kita makakalimutan. Masaya ako na ikaw ang
naging boy friend ko.
Ako:Bakit ba naman ganyan ka makipag usap sakin? FParang iiwan mo
nanaman ako. Pero ganon din ako sayo mahal na mahal din kita. Sabay
sabay nanga tayo at cassy ihahatid kita sa inyo.
Palabas palang kami ng pinto ng biglang mag past out si candice...
End of 6