Yakap ako ng nagpakilala sa akin na totoo ko raw na ina at tiyahin pala ni Megan at Kuya Miguel at iyak ito ng iyak habang yakap rin kami ng lalake na totoo ko raw na ama. "I'm so sorry Charlotte my baby." Iyak niya kaya hindi ako makapaniwala mula pa kanina dahil sa mga rebelasyon na narinig ko mula sa kanila. "Megan anong ibig sabihin nito?" Nagtataka ko na tanong kay Megan na umiiyak rin. Dito niya pinaliwanag sa akin ang lahat kaya hindi ako makapaniwala sa panibagong rebelasyon na ito. Napaupo na lang ako at napatulala sa mga nalaman ko at napahawak sa dibdib ko at napatingin sa kanila. “I am so sorry Hyacinth, this all my fault hija.“ Bulong ni daddy na napaluhod sa harap ko kaya napaiyak ako at hindi makapagsalita dahil sa sinabi nito. Pinagpalit ako ni daddy sa totoo niya na

