Nagising ako na may nakayakap sa akin mula sa likod at nang humarap ako dito ay si Megan pala kaya napangiti ako. Umaga na naman at mukhang malamig pa rin sa labas kaya dahan-dahan akong bumangon at napatingin sa bintana at sa orasan alas-syete na pala. May snow pa rin dahil snow season dito kaya napayakap ako sa sarili ko at kahit nakabukas ang heater ay ramdam ko pa rin ang lamig. Kinuha ko ang panali ko sa buhok at nagpusod saka umunat napahawak ako sa kwintas ko at huminga ng maluwag. Mag-dadalawang buwan na pala ang nakalipas mula nang sumama ako kay Megan dito sa France kasama namin si Kuya Miguel. Tumakas ako sa katotohanan at sa lahat ng mga tao na nagpasakit sa akin at ngayon ay kinaya ko ang ilang linggo na puro kalungkutan at iyak lang. Nagpapagaling pa rin ako ng sugat ko

