Nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako bumangon para maipahinga ko pa ang sarili ko. Napapikit ulit ako pero tila may nag-aaway sa labas kaya napilitan ako na bumangon. Hindi ko na inabala na mag-ayos ng sarili ko at nang lumabas ako ng kwarto ay nakita ko si Kuya Red, Megan at si Silver na nakatingin sa akin. “Hya bakit ka lumabas!“ Malakas na sabi ni Megan na agad akong nilapitan. “Megan give me back my Angelique.“ Malumanay na turan ni Silver kaya kinabahan ako at humawak ng mahigpit sa kamay ni Megan. “Ayoko hindi ko ibibigay sayo ang kapatid ko!“ Madiin na turan ni Megan kaya napahinga ako ng malalim dahil sa mga nangyayaring ito. “Kuya please tama na hayaan mo na muna akong mapag-isa.“ Bulong ko na bahagya itong tinignan pero agad rin akong napayuko. “To

