Ilang araw matapos ang nangyari sa pagitan namin ni kuya ay hindi ko na siya nakita pa, nakahinga ako ng maluwag pero mabigat pa rin sa dibdib. Hindi ko rin ito nakikita sa bahay bagay na hindi ako mapakali, madalas rin na abala ang iba ko pang mga kapatid at ang mga magulang namin. Halos ang madalas ko lang makita ay ang mga kasama namin sa bahay. Hanggang ngayon ay may tampo pa rin ako kay Kuya Silver dahil sa ginawa niya sa akin ng araw na iyon. Pero hindi naman ako natahimik at laging wala sa sarili, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng guilt dahil sa nasabi ko na galit na galit ako dito. Naalala ko ang lungkot sa mukha nito nong araw na iyon at alam ko na mas nahihirapan ito marahil sa sitawasyon. Hindi ko pala naisip na kung hirap ako na iproseso ang lahat ay paano naman kaya

