Kinakabahan ako habang naliligo ako at sinalat ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay namamaga ito. Baka may makahalata sa labi ko kaya napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa dibdib ko at tinapat ang mukha ko sa shower. Hinawakan ko bigla ang ibabang parte ng katawan ko dahil kanina ay basa ang panty ko, nawindang ako dahil hindi ako makapaniwala na mararamdaman ko iyon. Buti na lang ay napigilan ko ang sarili ko dahil nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kilabot ng subukan nitong hawakan ang dibdib ko. Nanginig ako bigla at napaupo na lang dito sa loob ng banyo ko at parang gusto kong maiyak na hindi ko maintindihan. Napasandal na lang ako dito pader ng banyo ko at napapikit na lang. Pagkabanlaw ko ay kinuha ko na ang roba ko at napahinga ng malalim, lumabas ako pero nati

