Kinabukasan ay maaga akong gumising para magluto para kina mommy at daddy. Nine am pa naman ang pasok ko kaya magagawa ko pa ito, gusto ko kasi na sulitin ang araw na narito sila. At gusto ko na rin magpa-impress sa mga kapatid ko lalo na kay Kuya Silver kaya napahinga na lang ako ng malalim. Lagi kasing abala si daddy sa trabaho at dahil ayaw niyang mawalay sa kanya si mommy ay kasama niya ito lagi kahit saan siya pumunta. Bumaba na ako at diretso na ako sa kusina naabutan ko na si manang na kagigising rin pala at nagkakape. "Good morning manang." Bati ko sa kanya kaya napangiti siya at tinimplahan ako ng gatas. "Ako na po muna ang magluluto for mom and dad and my brothers." Nakangiti ko na turan sa kanya kaya tumango lang siya pero hindi naman ako hinayaan na mag-isa lang. Nagluto

