Maaga akong nagising kinabukasan dahil kailangan kong pumasok ng maaga, may practice kami ngayon kaya dapat bago mag-alas sinko ng umaga dapat nandoon ako.
Pagkabihis ko ay dumiretso na ako hapag-kainan para kunin ang baon ko dahil nagbilin ako kagabi kay manang na lutuan na lang ako ng agahan dahil sa school na ako kakain.
"Magandang umaga hija ito na ang baon mo." Sabi ni manang ng makita ako kaya napangiti ako at agad ko na itong kinuha at inayos sa bag ko.
Nagpaalam na ako dito at dumiretso na ako sa labas at nagpahatid na kay manong sa driver ko.
Nag-text na lang ako kina kuya na pumasok ako ng maaga ngayon para hindi nila ako hanapin mamaya.
Nakarsting ako ng maaga sa school at dumeretso na ako sa auditorium namin dahil doon kami magpa-practice dahil wala pa naman na estudyante.
"Hyacinth magandang umaga." Bati ng kaklase ko na kumaway sa akin kaya napangiti ako at binati siya ng magandang umaga at nilapag ko ang ceilo ko sa sahig.
"Kumain ka na ba?" Tanong kaya umiling lang ako at nilabas ang thumbler ko na may warm milk at dahan-dahan akong uminom.
"Guys nandito na ba ang lahat?" Tawag pansin sa amin ng teacher namin kaya lahat kami ay napatayo at nag-line up na.
Lahat naman kami ay nandito kaya nagsimula na kaming mag-pratice at kinuha ko na ang cielo ko saka ako umupo sa upuan ko.
Nagpa-practice kami dahil may competition kami na sasalihan dalawang buwan mula ngayon at sa Singapore iyon gaganapin kaye excited na ako.
Nakapagpaalam naman na ako kina mommy at daddy at pumayag naman sila basta kasama ko ang isa sa mga kuya ko.
Dalawang oras rin yata kaming nag-pratice dahil marami kaming makakalaban na galing pa ng iba't ibang bansa.
At kailangan ko rin ng solo practice dahil isa ako sa may solo performance sa event kaya kailangan kong pagbutihan sa pagpa-practice.
Nang matapos kami ay saka lang ako nakahinga ng maluwag, tamang-tama ay magsisimula na ang unang klase ko sa pang-umaga.
Napatingin ako sa mga schoolmates ko na masaya silang nagtatawanan habang ako ay gumagawa na ng assignment para bukas, hindi ako maka-relate sa kanila kaya nasa isang bench lang ako at nag-aaral.
It's already four pm kaya uwian na rin naghihintay lang ako ng sundo ko at sa dalawa kong bestfriend.
"Hyacinth dumating na raw ang mga kuya mo? kailan pa? Hindi na ba sila babalik sa New York?" Nairita ako sa mga tanong ni Cheska na bigla na lang umupo sa harap ko nakapagitan lang sa amin ang lamesa kaya iniangat ko ang tingin sa kanya at tango lang ang sinagot ko kaya medyo nainis siya at tumayo.
"Ano ba problema mo ha nagtatanong lang naman ako tapos iyan lang isasagot mo tango!" Pasigaw niya na turan kaya lalo akong nainis.
"Alam mo naman ayaw ko sa lahat iniistorbo ako sa pag-aaral ko kaya hindi kita masasagot sa mga tanong mo, see i'm studying here." Minuwestra ko pa ang mga notes ko sa kanya, ayaw ko kasi sa lahat ay may umiistorbo sa akin habang nag-aaral ako kaya naiirita ako ng sobra.
"Nagtatanong lang naman ako ang damot mo sa impormasyon!" Galit niyang turan kaya napahinga ako ng malalim.
Kinalma ko lang ang sarili ko dahil hindi ito ang tamang oras para makipagtalo pa sa kanya.
Ayoko rin kasi na masira ang araw ko dahil sa babaeng ito pero hindi pa rin ito umalis sa harap ko at marami na naman sinabi kaya napuno na ako.
"Bakit hindi mo tanungin yong iba diyan mukha naman na mas marami silang alam kaysa sa akin." Inis ko na sabi sa kanya. "Dumating sila so what! Ano big deal at saka lumayas ka sa harap ko bago ko ibalibag sa pagmumukha mo itong ceilo ko naiintindihan mo!" Kalmado ngunit may diin kong turan sa kanya medyo umatras siya at saka tumalikod at nagmamadaling umalis.
Napahiya ko yata ito dahil rinig ko ang tawanan ng ibang estudyanteng nakiosyoso na sa amin.
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Magdadalawang linggo na rin ng makauwi sina Kuya Silver at Kuya Grey pero sa Manila muna sila naglagi after ng surprise nila sa akin.
Kailangan kasi agad nila na tutukan ang buseness namin kaya yon nakakalungkot man ay atlist nasa malapit na sila, kahit anong oras ay pwede na silang umuwi kahit anong oras nilang gustuhin.
"Ibang klase ka rin bessy pinahiya mo na naman si Cheska, rinig ko ang impit niyang hiyaw kanina dahil sa inis." Natatawa na bungad sa akin ng kaibigan ko sabay akbay sa akin, si Caroline ang bestfriend ko na umupo sa tabi ko, at saka umupo naman sa harap namin si Martina pareho ko silang bestfriend simula nong elementary days pa namin.
"Inistorbo niya ako buti na lang patapos na ako kundi nako hindi lang yon ang aabutin niya." Natawa sila pareho sa kamalditahan ko, well kilala na nila ugali ko at ganun rin ako sa kanila.
"I heard Ate Almira is here daw nandito na kasi si Kuya Silver." Napakuyom ako ng kamao ko sa sinabi ni Marty, kilala ko ang babaeng tinutukoy niya dahil girlfriend siya ni Kuya Silver at magiging ex-girlfriend na niya.
"At babalik na naman siya sa pagiging mala-anghel na babae taliwas sa totoo niyang ugali." Inis na turan ni Carry hindi naman lingid sa amin ang panloloko ng babaeng yon kay Kuya Silver ko pero ang umuwi yon dito ibang usapan na dahil nakakairita yon at lalo akong napasimangot sa isipin na makikita niya ang kuya ko.
"Sana matauhan kuya mo bessy, alam mo bang napakakati non pinsan ko siya at alam ng buong pamilya na kung anong klase siyang babae hindi lang yon mabunyag dahil good catch ang kuya mo mukha pa naman na pera ang mga tito at tita namin." Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Carry.
Kawawa naman si Kuya Silver ko linoloko lang ng babaeng yon, hindi bale kakausapin ko ito pag-uwi niya.
Pero wag na rin pala kase baka sabihin niya pinapakailaman ko siya pero pag-sobra na sasali na ako, ayaw na ayaw ko kase na paglalaruan nila damdamin ng mga kuya ko.
"Wag mo ng isipin yan bessy alam kong malapit na karma ng babaeng iyon." Nakangiting pang-aalo ni Carry sa akin kaya napakalma ko ang sarili ko kahit papaano.
"Maiba nga tayo pauwi ka na ba?" Tanong ni Marty kaya tumango ako sa kanya na nagpangiti sa kanya parang may naisip na naman na kakaiba ang wierd niya talaga.
"Mga bessy i heard na naglagay ng news sa bulletin board kanina na walang pasok bukas!" Excited na turan ni Marty kaya nagkatinginan kami ni Carry.
"Oh eh! Ano naman kung wala." Papilosopong susog ni Carry kaya pinandilatan ko ito ng mata.
"Come on mga sistah! E di Lignon Hills tayo tomorrow and after that mag-mall tayo girl bonding duh!" Heto na naman tayo kay Marty sabik na naman na gumala para hindi na lumaki ang usapan ay sumangayon na lang kami sa kanya ni Carry.
"Bakit kaya hindi tayo mag-sleep over sa bahay?" Suggest ko pa kaya napatili si Martina na yumakap sa akin napatawa na lang kami ni Carry at saka naghanda akong magligpit mayamaya lang darating na si Kuya Blue siya kase ang sundo ko ngayon.
"We should brought swimming attire to so para makaligo rin tayo sa swimming fool niyo right Carry?" Excited pang turan ni Marty at saka tumingin sa amin as i said umoo rin kami pareho ni Carry how can i resist her she's so adorable.
"Okay pupunta na lang kami sa bahay niyo magpapaalam kami and kukuha na rin ng damit para sa two days namin sa inyo." Si Carry na halata rin ang excited medyo bihira na rin namin kase itong nagagawa kaya kahit ako rin ay excited.
"Okay po sige na nadyan na sundo niyo mayamaya nandyaan na rin si Kuya Blue." Sabi ko sa kanila saka sila sabay na humalik sa pisngi ko na ikinangiti ko ang lambing talaga nila kumaway sila sa akin at ganoon rin ako.
Mayamaya pa ay nakita ko na ang kotse ni Kuya Blue kaya umabang na ako sa paghinto niya sa tapat ko.
Bumaba siya na naka jersey halatang galing school nasa huling sem na siya sa college medyo nahuli siya kay Kuya Red na last year lang rin grumaduate.
Yong ibang student ay kinikilig na nakatingin sa kanya.
"Hi Baby Princess shall we?" Humalik ako sa pisngi niya at kinuha sa akin yong ciello ko at ipinasok sa backseat pati bag ko at books ay nilagay rin niya doon.
At saka niya ako pinapasok na sa kotse niya.
Nakita ko na bahagya siyang kumaway sa mga studyanteng nakatingin sa kanya kaya napailing na lang ako.
Pumasok na siya at pinaandar ang kotse.
"Kuya mag-sleep over sina Carry sa bahay wala kami pasok bukas." Sabi ko sa kanya bahagya niya akong sinulyapan at napangiti may kukulitin na naman siya si Carry na hilig niyang biruin.
Napapaisip tuloy ako kung may gusto siya sa bestfriend ko.
Pero babaero si Kuya Blue kaya hindi pwede madali pa naman magkagusto sa lalake ang bestfriend ko na iyon.
"Okay no problem sina mom and dad hindi makakauwi sa sunday pa raw sika makakauwi and Kuya Silver and Kuya Grey is going home later." Okay doon sa part na hindi uuwi sina mommy ay nalungkot ako medyo.
Pero dahil uuwi sina Kuya Silver at Kuya Grey ay natuwa ako dahil makakabonding namin sila.
Hindi ko alam pero kinakabahan na naman ako dahil makikita ko na naman ulit si Kuya Silver.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa isipin na makikita ko si Kuya Silver at nakakabaliw ang mga tumatakbo sa isip ko.