Habang nag-da drive si kuya ay napatingin ako sa cellphone ko at nag-check ng emails ko.
"Gusto mo mag-drive tru?" Tanong ni kuya kaya napangiti ako at tumango gutom na ako kaya napangiti rin si kuya.
Nang makuha namin ang order namin ay dumaan kami sa park at nag-park si kuya at lumabas kami saka namin kinain ang binili niya.
Napapikit ako dahil wala pa rin pinagbago ang sarap ng spaghetti at burger na paborito ko.
Kinuha ko ang fries at binuksan ko ang ice-cream at sinawsaw ko ito dito kaya parang gusto kong mapakanta.
Kaya natawa si kuya habang pinapanood ako na kumain.
"Hindi ka pa rin nagbabago para ka paring bata kapag kumakain ka nito." Sabi ni kuya kaya napangiti lang ako at sinubuan ko siya kaya napatawa ito at nagpasubo naman.
Nang matapos kaming kumain ay umuwi na kami, at busog na busog ako dahil kapag si Kuya Blue ang kasama ko ay pinapakain niya talaga ako ng marami.
Pagkarating namin sa bahay ay agad na akong bumaba ng sasakyan at hindi ko na hinintay si kuya na buksan ako ng pinto.
"Hindi ka pa bababa kuya?" Tanong ko sa kanya na hawak na ang cellphone niya kaya napatingin siya sa akin.
"Mauna ka na may kakausapin lang ako ako na ang magbababa ng ceilo mo at gamit." Sabi niya kaya napangiti na lang ako at tumango.
Napakunot ako ng noo dahil nandito na ang sasakyan ni Kuya Silver kaya nagtaka ako, ang alam ko ay mamaya pa ito uuwi.
Pagkapasok ko ay sumama ang mukha ko at nakaramdam ako ng galit dahil nakita ko agad ang babaeng malandi! Prente itong nakaupo sa sofa namin.
Napasimangot ako lalo dahil may germs at virus na rin malamang ang sofa namin, nagbabasa ito ng magazine at may juice pa sa harap ng mesita.
"What are you doing here!" Inis kong tanong sa kanya na nagpaangat ng tingin niya at ngumisi siya at tumayo.
"Nandito ako dahil hinihintay ko si Silver." Nakangiti niya na sagot kaya inirapan ko siya at umatras ng akma siyang lalapit sa akin kaya nakita ko kung paano tumalim ang tingin niya, alam niya na may galit ako sa kanya at ayaw ko sa kanya kaya ganyan nalang inis niya sa akin hindi niya ako maloloko sa kaplastikan niya.
Tinalikuran ko siya nang magsasalita pa sana siya at tumuloy ako sa kusina para kumuha ng gatas sa ref at lumabas ulit para umakyat naman sa hagdan namin.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng masalubong ko ang isa sa mga maid namin nginitian ko ito at ganun rin siya.
"Senyorita hinihingi po ni Ma'am Almira yong susi sa kwarto ni Senyorito Silver pinahahanap po niya kase wala po sa key basket." Sabi nito kaya nawala ang ngiti ko, simnasabi ko na nga ba buti nalang nasa akin yon kaya hindi niya mabubuksan kwarto ni kuya.
"Sabihin mo ayokong ibigay dahil nasa akin wag siyang feelinggera na makakapasok siya sa kwarto ni kuya." Sabi ko na lang sa kanya kaya natawa siya ng mahina sa sinabi ko at saka siya tuluyang bumaba.
Lahat ng katulong dito ay kasundo ko at alam nila na ayaw ko sa babaeng iyon.
Tumuloy ako sa silid ko at naghot bath shower, mayamaya lang ay darating na sina Carry at Marty kaya bababa na rin ako.
Sakto pagbaba ko ay dumating sina Marty at Carry na may kanya kanyang dalang gamit ang ingay nilang pumasok kasunod si Kuya Blue na ngayon lang pala pumasok ng bahay malamang may ginawa pa ito sa labas.
"Bessy where here na." Napangiti ako ng makita ko si Carry na papunta sa akin, not until she saw her cousin whos seating in our sofa.
"Caroline i didn't know you are here?" Tumayo ito at akmang pupunta sa kinarorooan ni Carry ng magtago siya sa likod ni Kuya Blue na ikinatawa namin ni Martina.
"Oo bakit masama? Oo nga pala wala kang pakialam!" Nasa likod pa rin siya ni kuya habang nagsasalita kita ko ang inis sa mukha ng bruha sa ginawa ni Carry.
"Hey! Don't treat your cousin like that." Saway ni Kuya Blue kay Carry na iniharap sa amin dahil ayaw niyang magpahawak sa bruha, i know kung ano pinahihiwatig niya ayaw niyang magkaroon ng germs.
"Mabuti pa punta na muna kayo sa dining area at mag-meryenda nagluto si manang ng carbonara kanina." Turan ni Kuya Blue ramdam niya ang bigat ng atmosphere kaya siya na ang nagpahiwalay sa amin.
Baka mamaya may sumanib na kung ano kay Carry galit na galit kase siya sa pinsan niya at ramdam ko iyon.
Sabay-sabay na lang kami na pumunta sa dining area kaysa makipagaway sa babaeng yon narinig pa naming humingi ng pasensya si Kuya Blue sa kanya kaya nainis lalo itong si Carry.
"Ang kapal ng mukha ng bruhang iyon akala mo kung sino." Inis na turan ni Carry hinainan kami ni manang ng carbonara favorite kase namin ito.
"Kanina pa po siya dito Manang Leticia?" Tanong ni Marty.
"Oo medyo nagtagal na rin magaspang pa rin ugali niya kase tinarayan kanina si Miles eh hinihingi yong susi ng kwarto ni Silver buti na lang at natakot sa sinabi kong hindi pwedeng umakyat sa taas lalo na at wala ang pamilya dahil isang protokol iyon sa pamilya." Mahabang paliwanag ni manang alam ko iyon dahil si daddy ang nagbigay ng rules noon, na no woman allowed in his own house and thats because my siblings are all boys kaya may rules na ganun bawal pumasok ang babae nila sa kwarto at hanggang sa sala lamang sila ng bahay.
Perks of having handsome and gorgeous brothers, natawa na lang ako sa naisip ko.
"Hay naku ang mabuti pa kumain na lang tayo nitong carbonara ni manang super sarap kaya." Natawa kami kay Marty na ubos agad yong nasa plato niya at nanghingi pa ng isa pa na slice.
Masaya kaming nagkukwentuhan ng marinig namin ng may bumusina at napangiti ako dahil sina Kuya Silver na iyon malamang.
"Tara bessy nandyaan na sina Kuya Silver." Wala akong nagawa ng akayin ako ng dalawa kong kaibigan.
"Silver i miss you." Ito agad ang bumungad sa amin nakayakap ang malanding babae kay kuya kaya napaiwas ako ng tingin.
Hindi ko alam kung bakit may kurot sa dibdib ko knowing na may yumakap sa kanya gusto ko ako lang ang gagawa noon hindi ang ibang babae.
Nang muli akong tumingin sa kanila ay nasalubong ko ang tingin ni kuya na parang may gustong ipahiwatig doon, sobrang lakas tuloy ng t***k ng puso ko rinig na rinig ko iyon kaya bago pa may makahalata ay tumalikod na ako at bumalik sa dining area para ipagpatuloy ang pagkain ko.
Ano ba itong damdamin na ito bakit ko nararamdaman ito kay Kuya Silver?
Ito ang lagi kong tanong sa sarili ko kaya napahawak ako sa dibdib ko at napahinga na lang ng malalim.
"Nagulat ako ng may umakbay sa akin at nakita ko na si Kuya Gray pala ito.
"Hindi mo ako sinalubong." Sabi niya at kinuha ang tinidor ko at kumain ito mula sa plato ko.
"Ayaw ko makita ang babae ni Kuya Silver." Huli na ng mapagtanto ko ang sinabi ko kaya tumawa ng malakas si kuya.
"Hindi ka pa rin nagbabago my sweet little princess." Natatawa pa rin nitong turan kaya napangiti na lang ako.
"Oo nga pala dito ba matutulog ang mga kaibigan mo?" Tanong ni kuya kaya napatingin ako sa kanya at tumango.
"Kuya Gray ko alam mo ba kung ano ang totoong ugali ng girlfriend ni Kuya Silver?" Bigla kong tanong sa kanya kaya napangiti ito at timignan ako ng seryoso.
"Oo nasa state pa lang kami." Sabi nito kaya nakahinga ako ng maluwag.
Knowing my brother walang bagay na hindi nila nalalaman kahit pa maliit na detalye lang.
"That woman has two faced, Silver know it. Don't worry about him he can handle it." Sabi niya kaya sumubo ulit ito at uminom ng juice.
Tumayo na ito kaya tinignan ko lang siya.
"Aakyat na muna ako my princess." Paalam ni kuya na hinalikan ako sa pisngi kaya napatingin na lang ako sa likod nito at lumabas na ng hapag-kainan
Napangiti ako at kumain na lang at ninamnam ang napakasarap na carbonara ni manang.
Sana nga ay ipakita ni Kuya Silver sa babaeng yon ang nalaman niya dito, para mawala na ito sa landas ko.
Sa totoo lang ay isa sa mga kinatatakutan ko ang magkaroon ng girlfriend sa buhay ng mga kuya ko, dahil hindi ako sanay may binibigyan sila ng oras bukod sa akin.
Nong mga bata pa kami ay lagi kong inaaway ang bawat babae na nagpapansin sa mga kuya ko, lalo ns kay Kuya Silver at Kuya Red dahil sila talaga ang madalas na magustuhan ng mga kaklase ko.
Kaya mula noon ay takot na sila na lumapit kina kuya dahil sa akin, sinasabunutan ko talaga sila kapag pinagpapantasyahan nila ang mga kuya ko.
Pero dahil nag-binata na sila at may mga kanya-kanya nang mga ginagawa ay hindi ko na rin sila napigilan sa gusto nila kaya nasanay na rin ako.
At ang pinaka worst nga ay si Almira na naging girlfriend ni Kuya Silver at hindi ako makapaniwala na nagustuhan ito ng kuya ko.
Pero ngayon na nalaman na nito ang totoo nitong kulay ay gusto kong matawa ng malakas, napatigil ako dahil para akong mangkukulam na nagtagumpay sa ginawa kong magic poison.
Hindi ko hahayaan na may isa na naman na babae ang lalapit sa kuya ko dahil akin lang ito, at bigla akong natigilan dahil sa naisip ko kaya napailing ako at sunod-sunod na sumubo ng carbonara ko at uminom agad ako ng juice dahil para akong mahihirinan.