Saka pinagmamalaki kong mahirap lang ako. Dahil ayaw kong matulad sa 'yo na walang galang sa nakakatanda. Siguro nga'y mayaman ka, Zia? Pero ang tanong ko sa 'yo. At sanay sagutin mo. Iyan bang tinatamasa mong kayaman ay hindi galing sa masama?" tanong ko na mariin na may kasamang pang-uuyam Nakita kong namutla ang babae. Ngunit nakabawi naman agad siya pagkagulat. Baka hindi mo kayang panindigan ang iyong sinasabi. Huwag kang magmagaling babaeng hampaslupa. Baka sa kulungang ang bagsak mo," nakangising wika ni Zia. Nakita ko ring kinuha nito ang baso na may lamang tubig at sinaboy iyon sa akin. "Ayyy! Ano ka ba naman, Zia!" sigaw ni Tita Vera. "Nararapat lang iyan sa kanya dahil hindi siya marunong gumalang sa tulad ko. Ang lakas ng loob na sabihan ako na galing sa masama ang aming ka

