"Wow, Wow, Wow...paano ba iyan mga hampas-lupa dahil hawak namin kayo walang nakakaalam kung nasaan kayo ngayon kawawa naman kayo. Kung ako sa inyo ay magdasal na kayo kung gusto pa ninyong mabuhay. Hanga na talaga ako sayo griend Zia. Akalain mong nakuha mo ang babaeng ito. Alam mo bang matagal ko na siyang pinaliligpit at hanggang-ngayon ay buhay pa rin may sa pusa siguro ang babaeng ito," mahabang litanya ni Selena Mendoza. Lumapat pa sa akin si Eelena. "Nasaan ang tapang mo ngayon Ledesma at mukhang nanginginig ka na sa takot?" tanong ni Selena. "Bakit, naman ako matatakot sayo Mendoza? Sino ka ba?" tanong ko. "Oohh...matapang ka pa rin ha. Pero kahit anong tapang mo hindi ka pa rin maililigtas dahil naghuhukay na nang libingan ninyo ang mga tauhan namin," sambit ni Selena. "Ok

