"HOY! ANONG nangyare sa 'yo?" tanong ni Mich pagkapasok niya rito sa room. "Oo nga, kanina pa 'yan tulala at mukhang panda.." anang naman ni Lexis na nasa tabi ko. "Tsk. Napuyat siguro 'to kakanood ng korean drama.." saad naman ni Dianne. Napabuntong hininga ako. Kung sana ay dahil doon ako napuyat— pero hindi! Sa ibang bagay ako napuyat. No'ng sabado matapos kong makatulog dahil sa pagod ay hindi na ako lumabas ng kwarto. Mabuti nalang ang alam nilang dahilan ng hindi ko paglabas ay 'yong sugat ko sa parehong tuhod. Kinagabihan ay pinag-ayos na ako ni Dada dahil uuwi na kami sa bahay. Kinakabahan pa nga ako dahil baka makita ko si Ninong Stephen pero hindi ko siya nakita nang makababa na kami ni Dada na sakay ako sa likod niya. "Nauna na si Ninong mo kanina pang hapon, may emergency

