HINIHINGAL AKO NANG MAKABALIK ako sa classroom namin. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang sarili kung tumigil na ba ang pag huhurmintado ng puso ko. "Hoy! Saan ka galing?" Naglakad ang lima papunta dito sa pinto kung saan ako nakatayo. "D-Diyan lang.." sagot ko. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at simunod lang din sila sa 'kin. Napangiti ako ng makita 'yong pinabalot nilang fries at burger ko. "D'yan lang daw.. sows! kasama mo lang ninong Stephen mo, eh!" Mich said kaya gulat akong napatingin sa kanila. P-Paano nila nalaman? "'Yong mga buang lumabas pala tapos nakita ka nila sa tapsihan d'yan sa gilid then pinicturan ka nila at pinakita sa 'min.." sagot ni Lexis, "Akala nga nila ay boyfriend mo kasi lumong-lumo sila no'ng pinuntahan nila kami dito pero no'ng nakurpir

