PINANLAKIHAN KO ng mata ang mga kaibigan ko. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. At paano nila nalaman na nandito ako? Wala naman akong nilagay do'n sa caption ko kung saan ako pupunta. "Pinuntahan ka." sagot ni Mich pero bumaling na kay ninong ko na kanina pa nakatingin sa'min. "Paano niyo nalaman na nandito ako?" bugnot kong tanong. "Tinawagan namin si Kuya Kris." sagot naman ni Lexis at kagaya ni Mich nakatingin din sa ninong ko. Actually lahat silang mga kaibigan ko nakangangang nakatingin sa ninong kong gwapo. Kulang na nga lang ay maglaway sila. tss! "Pakilala mo naman kami sa ninong mo.." Dianne said while blushing. Psh! I rolled my eyes, "Ninong, mga kaibigan ko po pala—" tinuro ko sila isa-isa, "Ito si Mich, Dianne, Lexis, Mika and ito si Miyuki." sabi ko, tapos si nino

