HINATI SA DALAWA ni daddy ang fish braid ko. Naiingit na nga ako kay Daddy sa galing niya sa ganito. 'Yong simpleng braid lang kasi ang alam ko tapos si Daddy lahat ng braid alam niya! "Dapat, bro, pag-aralan mo na magterintas.." sabi ni daddy kay ninong na kanina pa kami pinapanood. "Masyado pang maaga para matuto ako ng ganyan tsaka baka lalaki maging anak ko sayang lang.." pagkikibit balikat ni ninong. Ngumuso ako. Magkaka-baby ba sila no'ng ninang ko? Mukhang 'di na papakawalan no'n si ninong—gwapo tapos ang bait pa! "Tara na.." Napaangat ako ng tingin sa kamay ni ninong na nakalahad sa 'kin. Napakurap ako bago tanggapin 'yon. Akala ko ay bibitawan niya ang kamay ko pero hindi pala, hinawakan niya lang 'yon. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang pag-iinit ng mukha

