Chapter Four

2410 Words
* "MAG-INUMAN tayo!" Napasimangot ako habang nakaupo sa sofa ng sala nila Lola. Ano ba 'yan, wala pala akong makakausap dito bukod kay Lola. Mag-iinuman 'yong mga lalaki eh! "Dad, may work ka bukas, 'di ba?" tanong ko sakanya. "Oo." sagot ni Daddy. Ngumuso ako, "Eh, bakit ka iinom?" Tumikhim si 'yong Ninong ko, "Pagbigyan mo na Daddy mo and besides, para makapag relax na rin siya and your Lolo.." aniya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Mas lalong humaba ang nguso ko. Kokontra pa ba ako kung ang pagiging relax ni Daddy ang pinag-uusapan? tsaka.. si ninong na nagsabi eh! hihihi! "Pwedeng tambay ako sa inyo, Dad?" Tumango si daddy bago uminom ng beer. Ako naman ay uminom ng gatas ko na nasa malaking mug na hawak. Nag-usap sila una sa negosyo nila na hindi ko naintindihan basta ang alam ko ay may-ari ng negosyo 'tong si ninong. Maya-maya ay napunta sa love life nila. Syempre naging malakas pandinig ko dahil kay ninong Stephen ang pinag-uusapan. "Tagal niyo na pala.." si tito East habang tinutungga ang alak. Tipid na ngumiti lang si ninong Steph bago uminom ng beer niya. "Hindi ba nakakasakal? 'Di ba gano'n kapag matatagal na ang relasyon?" tanong ni tito West. "Minsan. Clingy siya simula palang no'ng naging kami until now. Kung saan ako magpunta dapat updated siya.." ngumiwi si ninong. Nakakasakal siguro 'yong gano'n, 'no? Hindi kaya nagsasawa si Ninong? Hindi ko maiwasang sumingit, "Nong, first love mo ba siya?" tanong ko. "Hmm.. Maybe?" aniya parang 'di sigurado. Eh? Tagal na nila hindi pa niya alam kung firstlove niya? O baka naman.. True love?! "True love?" tanong ko uli. Umiling siya, "I don't know either.." aniya bago sumimsim sa baso niya na may beer. Eh? "Bakit hindi niyo po alam? Ang tagal niyo na po tapos hindi niyo alam kung first o true love niyo siya.." Tumingin sa 'kin si Ninong Stephen at nagbigay ng nakapanindig balahibong ngisi sa 'kin. What.. "Maybe she's my first love but true love? I don't think so.." aniya habang deretsong nakatingin sa 'kin. Napakurap ako at umiwas ng tingin. Nakakailang 'yong paninitig niya. "Why not true love, bro? Hindi naman kayo magtatagal kung hindi gano'n, 'di ba?" ngayon si Daddy na ang nagtanong. Bumuntong hininga si ninong, "Do I have a choice?" Nangunot ang noo ni Daddy maging kami nila lolo at lola. "What? Ano bang nangyari?" "She's f**king—" "Watch your word, bro.." putol ni Dad kay Ninong no'ng may sasabihing badwords. Bumaling sa 'kin si ninong, "Oh! Sorry.." aniya bago tinuloy ang sinasabi. "She is suicidal.." umiling si ninong, "Hihiwalayan ko sana siya noon kaso nagbanta siya na magpapakamatay siya akala ko nagbibiro lang siya knowing her, palabiro siya.. pero no'ng gabing nasa condo na ako tumawag sa 'kin ang parents niya at sinabi nila na naglaslas si Kyra.." "So dahil do'n hindi mo na siya hiniwalayan?" tanong muli ni Daddy. Umiling si ninong, "Hindi lang 'yon, 'yong unang beses kong hiwalayan siya.. kinausap ko siya uli sa pangalawang beses, lagi naman na kasi kaming nag-aaway, hindi kami magkaintindihan na and I fell out of love.. she said she understand kaya akala ko okay na hiwalayan ko siya but kagaya ng nauna ay sinubukan niya uling magsuicide, naglaslas siya at nagbikti, mabuti nalang at bago tumagal ang pagkakabitin niya ay napuntahan siya nila Tita para i-check nga ang kalagayan niya.." Kitang-kita ko na hirap na hirap si ninong sa sitwasyon niya ngayon at ng girlfriend niya. Lumagok uli siya ng alak niya. "She beg. Ayaw niya na iwan ko siya.. mamamatay daw siya kapag ginawa ko uli 'yon. Simula no'n kapag ino-open ko na maghihiwalay kami ay nagwawala siya at kung ano-anong suicidal thoughts ang sinasabi niya.." anang ni Ninong, "Pinacheck-up ko siya buti na nga lang at pumayag siya, do'n ko nalaman na may depression, anxiety and may suicidal thoughts din siya.." "Kaya hindi ko na sinubukan pang hiwalayan siya pero.. mas lumala siya eh.. nakakasakal na.." Nakatitig ako kay ninong nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin at ngumiti. "So.. You can't like other girls?" tanong ni tito West Ngumisi si ninong sa 'kin, "Pwede.. pero dapat hindi niya malaman.." umiwas ng tingin sa 'kin si ninong. Ako naman hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko. He can like other girls. Tuwa ba? But.. he can't like you.. Napanguso ako sa isiping iyon. Haaays! Kakakilala ko palang naman kay ninong tsaka.. gusto ko na ba siya? Oo! Nagwapuhan lang siguro ako sa kanya tsaka ang manly kasi ng itsura niya kagaya ni dad at nila tito East and West. Humikab ako ng maramdaman kong inaantok na ako. Humilig ako kay Daddy. "Sleepy?" tanong ni Dad kaya tumango ako. "Matulog ka na kung gano'n.. bawal magpuyat ang mga bata.." Napaangat ako kay Ninong nang sinabi niya 'yon. Mapupungay ang matang nakatingin sa 'kin. Bakit parang mas lalong gumwapo si ninong sa ganyang mata? Tinaasan niya ako ng kilay at muling ngumisi dahil siguro natagalan ang paninitig ko sa kanya. Umayos ako ng upo at umunat, "Alright, dad.." sabi ko. "Goodnight baby.." hinalikan ako ni dad sa noo. "Goodnight, dad.." hinalikan ko naman si dad sa pisngi niya. Tumayo na ako para halikan din sa pisngi si lolo at sina tito East and tito West. "Sleeptight our princess.." anila ng sabay. Napatingin ako kay ninong Stephen na parang nag-aabang kung gagawin ko rin ba sa kanya 'yon. Nag-aalinlangan man ay lumapit din ako sa pwesto ni ninong at hinalikan din siya sa pisngi. Tatayo ng tuwid na sana ako ng pigilan niya ako at halikan sa pisngi, "Goodnight.. love.." bulong niya sa tenga ko bago humiwalay sa 'kin. Napanganga naman ako dahil sa tinawag niya sa 'kin. Love.. No'ng makabawi sa pagkagulat at tumuwid na ako ng tayo at tinalikuran sila at dumeretso sa kwarto ko dito sa bahay nila Lolo. Pagkapasok ay hinawakan ko agad ang pisngi ko dahil ramdam ko ang pag-init no'n feeling ko nga ay pulang-pula na ako! "B-Bakit tinawag niya akong love?" tanong ko sa sarili ko. Napangiti ako dahil do'n. Kinikilig ba ako? Kinikilig ako dahil sa ninong ko? Dumapa ako sa higaan ko at isinubsub ang mukha ko sa unan at dun tumili. "IIIIIHHHHHHHHH.." tili ko. Tumihaya ako at napahawak sa dibdib kong ramdam ko ang bilis ng t***k ng aking puso. Pero biglang pumasok sa 'kin 'yong mga magkakabarkadang bwiset. Minsan Love tawag nila sa 'kin kasi shortcut ng Lovely. Napasimangot naman ako bigla. "Pangalan ko lang pala 'yon kaya Love tawag sa 'kin.." bumuntong hininga ako. Tsaka.. napaisip din ako kung bakit niya ako tatawaging Love na hindi ko pangalan, 'di ba? Sure akong sa pangalan ko talaga niya kinuha 'yon.. "At least tinawag niya akong Love.. sweet pa rin." sabi ko at hindi maiwasang lumawak uli ang pag-ngiti ko. Muli kong ibinaon ang mukha ko sa unan at tumili uli. Sure akong crush ko na ang ninong ko! Sa gabing 'yon ay maayos akong nakatulog. Hindi man nanaginip ay okay lang dahil masarap pa rin ang tulog ko. Alas otso nang magising ako ng may ngiti sa labi. "Rise and shine.." sabi ko at umunat. Nilingon ko ang side table ko na may baso ng tubig. Si Daddy naglagay nito kagabi. Pagka-inom ko ay dumeretso ako sa banyo para gawin ang aking morning routine ko. Naligo na rin at pagkatapos ay nagbihis lang ako ng pangbahay. Habang pababa ang rinig ko na ang mga boses mula sa dining room nila lola. I'm sure gising na ang kambal kong tito. "GOOD MORNING, MY FAMILYYYYY!" bati ko sa kanila pagkapasok ko sa dining room. Nakangiti akong nilingon nina tito at lolo at lola. Nagulat pa ako dahil gising na rin si ninong Stephen at nagkakape na. "Good morning our princess.." bati nina lolo sa'kin. Ngumiti ako at umupo na sa pagitan ng upuan nila tito bal. "Milk?" alok ni tito West na ikinatango ko. "Opo!" masiglang sagot ko. Natatawang ginulo niya ang buhok ko, "Wait for me here.." aniya at tumayo para ipagtimpla ako. Nilingon ko si tito East na nilalagyan ang plato ko ng fried rise, ham, hotdog at itlog, "Ketchup?" tanong niya. Ngumuso ako, "Anong ketchup yan?" tanong ko. Ayoko kasi yung ketchup no'!g mga kinu-commercial sa t.v dahil mas gusto ko 'yong ketchup ng Jollibee at Mcdo. Pinakita sa 'kin ni tito East yung malaking bote ng isang sikat na pangalan. Lumawak ang ngiti ko. "Gusto mo 'yong ganyang ketchup?" kapagkuwan ay tanong ni ninong Stephen habang sumisimsim ng kape. Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Magulo ang buhok niya na bagay naman sa kanya at mas lalong kumwapo— Gwapo talaga siya. Mukhang kakagising lang din. "O-Opo.." sagot ko na nautal pa. He chuckle at muling sumimsim sa kape niya. "Kuya Stephen dapat talaga may stock kami dito nito at dapat 'yong pinaka malaking bote dapat.." anang ni tito East na hinahalo ngayon sa kanin ko yung ketchup na favorite ko. "Alam mo ba kapag nagfafast food kami niya? Maraming humingi ng sachet ng ketchup 'yan tapos babaunin niya siya sa scho—mmmmm!" tinakpan ko ang bibig ni tito West dahil sa pagdaldal niya. "Binabaon niya sa school.." pagpapatuloy ni tito East at natatawa pa. "TITO!" suway ko sa kanilang dalawa pero tinawanan lang nila ako. "Tapos do'n niya papapakin!" dagdag pa ni tito West. Nilingon ko si ninong Stephen na mahinang tumatawa habang nakatingin sa 'kin. Aish! Ano ba kasi 'tong sila tito Bal!! Feeling ko ang pula-pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan! Ano nalang iisipin ni ninong sa 'kin? Dalaga na ako pero I act like a kid! Sana maalala kong hampasin ng unan sa ulo sina tito mamayang gabi! Nakasimangot ako habang kumakain habang 'yong kambal kong tiyo ay natatawa pa rin hanggang ngayon. "Hala! Nagtatampo si Princess natin oh!" ani ni tito East at dinungaw ako kaya inirapan ko siya pero tinawanan lang ako. "Nahihiya kasi sa ninong niya oh! Binuking natin eh!" si tito West at sabay pa silang humalakhak. "Epal kayo!" sabi ko sa kanila. "Bakit ka nahihiya?" tanong ni ninong Stephen kapagkuwan, "Bata ka pa naman kaya okay lang na gawin mo pa 'yon.." aniya at nagkibit balikat. Bata.. Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy nalang ang kinakain pero dahil makulit sina tito Bal at tinusok-tusok ako sa tagiliran habang kumakain ng almusal kaya naging makalat ang lamesa dahil sa 'kin. May subo-subo kasi akong pagkain tapos kikilitiin ako kaya kapag natatawa ako ay nabubuga ko 'yong laman ng bibig ko. "Aysh! Kayong dalawa d'yan, pakainin niyo muna pamangkin niyo!" suway ni lola at pinupunasan ang lamesang may mga kalat. "Mamaya ka sa 'min!" anila pero binelatan ko lang ang dalawa. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng may maalala ako kaya nilingon ko si ninong. Nagulat pa ako dahil naabutan kong nakatingin siya sa 'kin habang nakangiti. Mukhang napansin niyang nakatingin na ako sa kanya kaya tumukhim siya at umayos ng upo. "A-Anong oras po tayo aalis?" tanong ko. "After lunch.. kaya huwag ka ng kumain ng lunch o kumain ka pero kaonti lang.." ngumiti siya. Tumango ako at muling itinuloy ang pagkain ko. "G-Good morning.." Nag-angat ako ng tingin kay Daddy na bagong gising at gulo-gulo pa ang buhok. "Good morning, dad!" bati ko. Lumapit sa 'kin si Daddy at hinalikan ang ulo ko, "Morning, baby.." aniya. Napatakip ako ng ilong ko dahil amoy alak ang hininga ni Dad, "Toothbrush ka muna, Dad!" sabi ko. Pero imbis na lumayo si Daddy ay lumapit siya sa mukha ko at hiningahan niya ako. "DAAAAD!" "HAHAHAHAHAHA" tumawa silang lahat kaya ako napasimangot nalang. Tinadtad nalang ako ng halik ni dad sa pisngi ko kahit nakangiwi na ako dahil amoy ko pa rin ang alak sa hininga niya. Nagkulitan nalang kami ng almusal. Si ninong nakikisali rin minsan pero madalas ay tawa lang siya nang tawa kapag pinagtitripan ako ni Dad at nina tito Bal. Umalis din sina tito East and tito West no'ng umaga ding 'yon dahil sa trabaho nila. Si Dad ay hindi pumasok dahil masakit ang ulo niya. Nang magtanghalian ay sinunod ko si ninong na kumain lang ng kaonti para hindi agad ako mabusog mamaya sa pagkain ko ng sweets. Naligo muli ako at pagkatapos ay nagbihis ako. Jeans at over-sized shirt a kulay yellow ang suot ko na tinuck-in ko. Dala ang tali at suklay ay bumaba ako para puntahan si Daddy sa sala, magpapabraid ako ng buhok. hehe. "Dada~" tawag ko sa ama kong nanonood ng basketball sa living room. Nilingon ako ni Dad kaya pinakita ko sa kanya yung suklay at tali na dala ko. Ngumiti si Dad, "Come here.." Umupo ako sa pagitan ng legs ni Daddy at tsaka niya inumpisahan ang pagtitirintas ng buhok ko. Hindi ko talaga maiwasan talagang maging masaya dahil napakaswerte ko sa tatay ko. Para na rin kasi siyang nanay dahil sa kaya niyang gawin ang pag-aayos sa 'kin. Pinag-aralan pa nga niya ang iba't-ibang klaseng braid pati na rin 'yong usong damit sa mga kabataang babae ay pinag-aralan din ng tatay ko para naman daw kahit paano ay may maggabay sa 'kin in terms of fashion. "Nice." ani ni Ninong nang dumating siya sa sala. Nag-angat ako ng tingin at hindi maiwasang malaglag ang panga ko dahil sa angkin niyang kakisigan dumagdag pa yung suot niya hawaiian shirt at itim na shorts, naka itim na sneakers din siya. Mellenial na Mellenial ang datingan. "Oh bro.. parang teen-ager lang ang datingan ah?" ani ni Daddy. "Yeah.. teen ager ang kasama ko kaya dapat hindi ako mag-mukhang matanda.." natatawang sagot ni ninong. "Baka naman pagkamalan kang kuya ng anak ko n'yan.." "Kuya talaga? Hindi ba pwedeng boyfriend?" si ninong Steph. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. A-Ano daw?! Natawa si Daddy, "Sira.." "Okay lang 'yon at least para walang umaligid na lalaki d'yan sa inaanak ko.." ani ni Ninong habang nakatingin sa 'kin na nakangisi. Nag-iwas ako nang tingin sa ninong ko. Bakit ba ang weird ng mga sinasabi nitong ninong ko? o Sakin lang talaga weird 'yon at normal lang naman 'yon sa kanya? "Magaling ka pala d'yan?" tanong ni ninong kay Daddy. "Kailangan kasi wala naman gagawa sa kanya nito.." sagot ni Dad. Nag-usap lang sila habang bine-braid ni daddy ang buhok ko. Si Ninong naman ay mataman lang pinapanood ang pagbraid ni daddy sa buhok ko At mataman niya rin pinagmamasdan ang mukha ko kaya hindi ko maiwasang pamulahanan ako. Bakit kasi ang gwapo ng ninong ko? *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD