Chapter Three

2264 Words
* "Lj!" rinig kong sigaw nila nang mahimatay ako. Ilang minuto rin iyon bago ako bumalik sa ulirat at tumambad sa 'kin ang nagaalala nilang mukha. Bumangon ako at naglinga-linga baka kasi panaginip ko lang iyon pero nanlumo ako ng makita ang gwapong tumulong at nanlibre ng pamasahe ko sa bus na nagngangalang Stephen a.k.a Ninong ko na bestfriend ng tatay ko!! Katabi niya si Daddy na parehong nakatayo at nakatingin sa 'kin. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin at ang gwapo niya! "Okay ka lang ba, Baby?" Tanong sa 'kin ni Daddy at nilapitan ako. Kinapa niya ang noo ko at leeg tinitignan kung mainit na iyon. "Ayos lang ako, Dad." sagot ko, Tinignan ko naman 'yong gwapong lalaki na hindi ko pa rin matanggap na ninong ko, "Ninong ba talaga kita?" tanong ko. Nagbabakasakaling mali lang ang narinig ko kanina bago ako himatayin. "Oo." simpleng sagot nito. "So.. no'ng nasa bus palang ay kilala mo na ako?" tanong ko uli. "Pamilyar lang.. Pinakita ka kasi dati sa 'kin ni Kris, 'yong picture mo.." sagot nito uli. Bumuntong hininga ako. Tumayo ako at lumapit sa kanya, naglahad ako ng kamay at medyo yumuko, "Mano po, 'nong.." sabi ko. Isang minuto na at hindi niya pa rin binibigay ang kamay niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya, "Bakit?" Takang tanong ko. Nangunot ang noo niya at hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin, "Mukha na ba akong matanda para magmano ka? I'm just 33 years old for pete's sake." sabi niya tsaka nginiwian ako. Binaba ko ang kamay ko, "Tito East and Tito West are just 27 years old pero nagmamano ako sa kanila." sabi ko. "Ibahin mo ako sa mga tito mo." He rolled his eyes. "Okay." pagkikibit balikat ko at tatalikuran ko na sana pero napatigil ng magsalita siya.. "Kiss will do.." Nilingon ko siya. Nakangisi siya, "Masyado akong bata para magmano ka sa 'kin. You see, I'm look younger than your tito's-" "Oy, Kuya Steph! Sobra ka naman. Dapat 'Look younger than Simon Kris', Gano'n!" si Tito East iyon. Natawa naman silang lahat maging si Daddy. "So.." nilingon ko siya ng magsalita siya uli, "Will you give your ninong a kiss?" Nagtaas baba pa ang kilay niya. Napalunok ako.. First encounter, mahahalikan ko agad pisngi niya!! Lumapit ako at hinalikan ang pisngi niya. Hihiwalay na sana ako pero napahinto ng bumulong siya, "Your cute to be may Inaanak, Lj.." Napangaga akong napatingin sa kanya habang siya naman ay nakangiti ng ubod ng tamis. Anong ibigsabihin niya doon? "Naku, Stephen, Bumawi ka diyan sa inaanak mo!" Daddy said. Tumango siya habang nakatingin pa din sakin, "Sure." ngumisi siya uli. Nag-iwas ako ng tingin sakanya. Bumalik na ako sa sofa at umupo sa pagitan nila Tito West and East. *** Dumating na 'yong inorder namin kaya nagsipagkainan na kami. Kapag talaga favorite ko ang kinakain ko ay wala akong pakialam sa paligid basta kain lang ako ng kain. "Doddo!" tawag ko kay Daddy habang ngumuya. Nasa kabilang sofa sila ni Ninong Stephen na kumakain din ng manok ko. Hmmp! "Ano 'yon?" Tanong niya na dinugtungan din,"'Di ba, sinabi ko sa 'yo na huwag magsasalita kapag.. ?" "Pono ong bobog po!" sagot ko habang may laman pa rin ang bibig, "Chocko ko doddo!" "Ano?" Linunok ko muna 'yong kinakain ko bago ko sagutin si Daddy, "Chuckie ko po." Nag-angat ng tingin si Ninong Stephen at nagtatakang tumingin kay Daddy, "Chuckie? Seriously, bro? Dalaga na 'yang inaanak ko." sabi nito. Inaanak.. Nakakainis naman! Hindi ako sanay na inaanak ang tawag sa 'kin! Oo nga't kakakilala palang namin at syempre hindi ako sanay pero.. Hindi talaga bagay, eh! "Favorite ko kasi iyon, Ninong.." sagot ko sakanya. Tumayo si Daddy at siya ang kumuha ng malaking chuckie ko na nasa mini ref niya dito sa office. "You like chocolate drink?" tanong niya. Tumango ako, "And sweets po." sagot ko. "Gusto mo dalhin kita sa kainan na puro sweets? Tsaka may chocolate drinks doon na mas masarap pa sa chuckie." ngumiti siya. Ang gwapo shems. Nanlalaki ang matang napatango ako. Chocolates! "Tamang-tama at sembreak na nila, Steph, you can treat her." singit ni Daddy na umupo na sa sofa dala ang chuckie ko. "Tommorrow then.." sagot niya kaya nakaramdam ako ng excitement. A Day with my Ninong.. "Paano mo pala alam 'yong gano'ng lugar?" Kuryosong tanong ni Daddy, "You hate sweets, right?" Ngumisi siya, "Dinadala ko do'n si Kyra. She loves sweets.." Kyra? Sino 'yon? Napakunot ang noo ko at napanguso. Girlfriend ba niya 'yon? Nakakainis naman! Binuksan ko 'yong chuckie ko at tinungga iyon at tuloy-tuloy na ininom iyon. Gano'n ako kapag badtrip. Badtrip ako dahil nalaman kong may dinadala na pala siya doon sa pagdadalhan niya sa 'kin bukas! Hmmp! "Dahan-dahan lang, Apo." Paalala ni Lola sa'kin. Ngumiti ako kay lola at medyo kumendeng habang nakaupo at ininjoy ang pagkain. Napaangat ako ng tingin sa Ninong ko na natatawa habang pinagmamasdan ako. "You're really cute, baby.." Nakangisi niya sabi sa 'kin. Bigla akong naubo dahil sa tinawag niya sa 'kin. "Sabi naman kasi ni Lola mo ay dahan-dahan lang 'nak!" taranta ni Daddy at pumunta sa tabi ko. Inbutan niya ako ng tubig, "Oh, inumin mo." Agad ko namang ininom ang tubig na nasa bote na binigay ni daddy. Pagkatapos kong uminom ay pinunasan ni Daddy ang bibig ko gamit ang panyong hawak niya. Ngumuso ako, "Daddy, para naman akong bata nito!" sabi ko. Narinig ko ang pagtawa ni Ninong. He crosses his arms, "You are really a kid." tapos ngumiti siya. Kid? Me? I'm teen now!! Argh. "No. I'm old enough!" Sumimangot si Daddy, "So.. ayaw mo na na bini-baby kita? Okay." tapos lalong sumimangot si Daddy. Nakaramdam naman ako ng guilty dahil sa sinabi ko. Ever since na naging teenager ako ay hindi nag bago si Daddy sa pakikitungo niya sa 'kin. Bini-baby pa rin niya ako and natutuwa ako at least hindi ako pinapabayaan ni Daddy, right? But ngayon.. nang makita ang gwapong ninong ko ang pagbe-baby sa 'kin ni Daddy bigla akong nahiya. "Eh Daddy, Gusto ko 'yong pagbe-baby mo sa 'kin." sabi ko sakanya. "Eh bakit sabi mo para kang bata sa ginagawa ko? I'm always doing that to you, right-" "Oh, bro, I think she's embarassed.. I witnessed how you treat her.." putol ni Ninong Stephen sa sinasabi ni Daddy at nagkibit balikat siya. Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nilingon ko si Daddy at lalo siyang sumimangot, "Totoo ba 'yon? Nahihiya kang may makakita na bine-baby pa rin kita?" Umiling ako. Ofcourse not. Sa iba ay hindi ako nahihiya pero.. dito sa bestfriend ni Daddy ako nahihiya. "Ofcourse not, Daddy!" sabi ko sabay yakad sakanya. "Ikaw baby ko kaya ibe-baby kita kahit kailan gusto ko.." nakanguso pa din si Daddy. Bumuntong hininga ako. Naguilty tuloy ako sa sinabi ko kanina. Nakakainis! "Okay po! Kahit may apo ka na at apo sa tuhod then talampakan ay baby mo pa rin ako, Daddy!" nakangiting sabi ko. Umaliwalas ang mukha ni Daddy pero agad nangunot ang noo dahil siguro na-realize niya yung sinabi ko, "Apo at apo sa tuhod agad? Bakit ganyan na iniisip mo, Anak?" "E-Eh.. Daddy ano lang naman 'yon.. Example ko lang!" kinamot ko ang ulo ko. Nangunot lalo ang noo ni Daddy, "Bata ka pa 'nak, bakit ganyan agad iniisip mo? iiwan mo na ba si Daddy?" ngumuso si Daddy pagkasabi niya no'n. Napangiti ako dahil sa kadramahan ng tatay ko. Yinakap at kiniss ko si Daddy sa pisngi, "No, Daddy! Kahit magkafamily ako nasa tabi mo pa rin ako and besides.. matagal pa iyon, dad, huwag mo munang isipin iyon at gano'n din ako!" sabi ko. Daddy hugged me back, "I love you baby ko!" "I love you too, dad!" Napabaling ako kay Ninong Stephen na nakamasid sa 'min ni daddy. Ngumuso ako, ngumisi naman siya. "Dapat ikaw, Steph, mag-asawa at anak ka na para may kinakapatid na 'tong inaanak mo." saad ni Lolo kay Ninong Pogi. Bumaling siya kay Lolo at ngumisi, "Soon, Tito." sagot niya. "Kyra ba ang pangalan ng kasintahan mo?" Tanong naman ni Lola. Napabaling ako sakanya. So.. 'yon pala 'yong dinadala niya sa sweet house na tinutukoy niya?! gigil. "Yes, Tita." Nakangisi niyang sagot tsaka bumaling sa 'kin saglit at binalik kay Lola ang mga mata. "Tagal niyo na, ah? Ilang years na nga kayo?" "Eighteen years na po." Sagot niya. Nanlalaking matang napabaling ako sakan'ya. 18 years? Baby pa ako no'n ah? "Naku, Ma, High school palang kami no'n sila na." singit ni Daddy. "Ang tagal niyo na pala, bakit hindi mo pa ayain magpakasal?" Tanong uli ni Lola. Ngumiti siya, "Engaged na po kami." sagot ni Ninong Pogi na kitang-kita sa mukha ang kasiyahan. Taken na pala. Magpapakasal na rin. hmp Hindi na ako pwede sakanya- Tinabingi ko ang ulo ko para mawala ang sinasabi ko sa isip ko. "Actually, she's excited to meet Lj, sabi ko kasi sa kanya dalaga na 'yong anak ni Simon Kris at inaanak ko pa." aniya kaya napabaling ako sakanya. Nanlalaki pa ang mata ko. Really? Magiging karibal ko ang magiging Ninang ko- Napaayos ako ng upo dahil na naman sa naisip ko. "Kasama po siya bukas?" tanong ko bigla. Ngumisi at tumango siya, "Yes.. and I think magkakasundo kayo. You both like sweets so.." I think so.. "Okay 'yan ng may makasama naman 'yang apo ko na nakakatandang babae bukod sa 'kin." Lola said. Napatango silang lahat dahil sa sinabi ni Lola. Ayoko. 5 pm ng pagdisisyonan nila na kela Lolo sila magsisipag-inuman at matutulog except kay Ninong Pogi. Pinauna na ni Daddy sila Tito West and Tito East kasama sila Lolo at Lola pauwi sa bahay nila. Habang kami naman kasama si Ninong Pogi ay pupunta sa bahay muna para kumuha ng damit namin pang palit. Nakaupo ako sa backseat ng kotse ni Dad habang nagkukwentuhan silang dalawa. "Masyado talaga tayong naging busy.. akalain mo 'yon? ten years tayo hindi nagkita." saad ni Daddy habang nagmamaneho. "Alam mo namang ako lang ang inaasahan kaya sa'kin lahat iniatang ang mga company ni Dad at iba pang negosyo, alam mo naman ang kapatid ko.." sagot naman niya. Wow, May kapatid pala si Ninong? Habang nasa backseat ay pinagmasdan ko si Ninong. Ang gwapo niya kahit nakataliko. Pinagmasdan ko ang braso niya- Napakurap ako ng makita kong nakalingon na siya sakin. "Etong inaanak ko may boyfriend na?" Tanong niya kay Daddy habang nakatingin sakin. "Wala pa, bro." "Suitors?" Tanong niya uli habang nakatingin sakin. "Wala pero maraming nagkakagusto." Batid ko ang ibang tono ng boses ni Daddy, "May mga grupo pa ng magkakaibigan doon na inaasar siya pero halata namang may gusto sa anak ko." Alam kong nakasimangot si Daddy. Bumaling siya kay Daddy at natawa, "What the f*ck, bro? Bakit ganyan itsura mo?" "Ayoko kasi ng gano'n!" sabi ni Daddy. "Normal naman iyon sa age niya, dalaga na siya.." "Alam mo naman ang nangyari sa 'kin no'ng ka-edadan ko 'yang anak ko, 'di ba?" pabulong na sabi ni dad na hindi ko maintindihan. Nagkwentuhan nalang uli sila ng kung ano-ano at nagtawanan habang ako ay nakatingin lang sa bintana at pinapanood ang nadadaanan naming building kaya naaliw ako. I like buildings, lalo na kapag gabi at nasa over-looking ka. I love city lights kaya kahit sa rooftop ako kumain o tumambay ay okay lang basta makakita lang ng buildings. "You like buildings?" Nilingon ko si Ninong Pogi na nakatingin sa 'kin. Si Daddy ang sumagot, "She loves city lights." Tumango-tango siya tsaka binalik sa harap ang paningin niya. Dumating na agad kami sa bahay kaya agad akong bumaba ng kotse. "Kunin mo mga kailangan mo at tsaka panglakad mo bukas." bilin ni Daddy nang paakyat ako ng hagdan ng bahay. Si Ninong naman ay nililibot ang mata sa bahay namin, "Nice house." tumango-tango pa siya. Iniwan ko na sila doon at nagpunta na ng kwarto para kumuha ng damit ko na gagamitin kong pangtulog at pang-alis bukas para sa lakad namin ni Ninong Pogi ko hihi.. "Akala ko kulay pink ang kwarto mo kagaya ng mga batang babae ngayon." Naglalagay ako ng damit sa kama ko nang mapatalon ako dahil sa biglang nagsalita. Nilingon ko si Ninong na nililibot ang paningin sa kwarto ko, "You like blue?" He asked. "O-Opo.. pero mas gusto ko po ang Black." sagot sakanya. Lumapit siya sa pwesto ko at tinignan ang mga gamit ko, "Good. Kala ko nasukaan ni Hello kity ang kuwarto mo." bahagya pa siyang natawa. "Masyadong girly po kasi ang pink." sabi ko sakanya. Tumango siya uli at biglang patalong umupo sa kama ko kaya nagbounce ang kama pati ang mga gamit ko. "Mahilig ka sa jeans?" tanong niya uli. Knowing each other ba ito? "O-Opo, N-Ninong.." sagot ko. Napangiwi siya, "Hindi talaga bagay sa 'kin na tawaging ninong lalo na't dalaga na inaanak ko." tinignan niya ako, "So.. You like shirt over dresses?" tanong niya uli. "O-Opo." Nauutal kong sagot dahil sa paninitig niya. Shit! Ang gwapo niya! "Boyish type ka pala kung gano'n." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Nilagay ko na ang mga gamit ko sa backpack ko. Pumasok ako sa banyo para kunin ang toothbrush ko. "Blue din banyo mo ah, Nice." Nagitla na naman ako dahil sa nagsalita bigla sa likod ko. Nilingon ko si Ninong na nasa hamba ng pintuan ng banyo ko. Ngumiti siya sa 'kin at tinalikuran na ako, "Baba na daw tayo." sabi niya at nauna nang lumabas ng kwarto ko. Doon ko lang pakawalan ang hininga kong kanina ko pa pinipigilan ibuga. Masyadong malakas ang dating sa 'kin ng Ninong ko.****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD