Chapter Two

2420 Words
* "You sure you don't want me to fetch you?" Umiling ako sa tanong ng tatay ko. Busy ako sa pakikipag text sa mga kaibigan ko na kanina pa nasa school. Sem break namin pero may kailangan pa kaming tapusin sa school. "Marunong ka bang sumakay ng Jeep o bus man lang? 'Di ba ayaw mo nga magcommute?" Napatingin na ako kay Daddy at ngumuso, "Eh, kailangan ko ng matuto, Dad. Paano kapag busy'ng busy ka? Kaya kailangan ko ng matuto." "Alam mo na ang sasakyan mo?" "Opo! Tinuruan ako ni Mich hehe" Tumango nalang tatay ko at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Hindi ka naman siguro tatanghaliin d'yan sa gagawin niyo sa school?" tanong ni Daddy uli. "Hindi po! Tsaka Dad, konti nalang 'yong gagawin namin tapos maaga pa kami pumunta, E 'di madali talaga namin matatapos 'yon." ngumiti ako. Syempre pagkadating namin sa school nakaabang uli mga kaibigan ko sa 'kin— kay Daddy. "Bye, Dad!" paalam ko tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. "Take care, Baby.." sabay halik sa noo ko. Lumabas na ako at kumaway na kay Daddy para makaalis na sila. Sinalubong na naman ako nang papuri nila kay Daddy. "Nakakasawa na 'yang pagpapantasya niyo sa Tatay ko. Nakakadiri kayo!" Naiirita kong sabi sa kanila. Proud ako kasi ang gwapo ng tatay ko at batang-bata pa pero 'yang pagpapantasya nilang magiging kanila tatay ko? Yak! "Hoy! Nakakadiri ka d'yan! Ang gwapo nang tatay mo kasi, girl! Tsaka fifteen years lang tanda niya samin kaya pwede pa!" Sabi Lexis isa sa mga kaibigan ko. I rolled my eyes. Dumertso na kami sa gagawin namin. Gusto ko agad matapos iyon dahil excited akong makita lolo at lola ko and syempre tumambay sa office ni Daddy! Tinapos na namin ang dapat naming tapusin. Mag aalas dose kami natapos sa aming ginagawa. Nagkatinginan kami nang mga kaibigan ko sabay sigaw, "BAKASYON NAAA!!" "Ohow! Nandito pala ang prinsesa!" Sumama ang mood ko ng marinig ang boses ng mga lalaking kinaiinisan ko. "Ayan na naman ang mga buang!" Naiiritang sabi ni Mika nang mamataan ang grupo ni Garret. "Hi Lj!" Bati sakin ni Curby.. Para namang masusuka si Mich dahil sa kay Curby. Nginiwian ko sila, "Ano na naman ba problema niyo?" "Wala lang. Bakit kapag lalapit ba kami may problem agad? Hindi ba pwedeng gusto lang kita makita, huh?" ngumiti si Lance sa 'kin. Naghagikgikan naman mga kaibigan niya pati na din mga kaibiga ko. Mga baliw! Gwapo naman talaga silang magkakaibigan. Hindi pang teen ager ang kagwapuhan nila pero mahahalata mong teen ager. Ang gulo noh? Pero syempre hindi tumatalab sa 'kin o sa 'min magkakaibigan kag'wapuhan nila— ang pangit ng mga ugali, eh! Naga-g'wapuhun naman ako sa kanila kaso inuuna kasi nila ang pagiging maangas, malakas mang bully at mangasar kaya minus gwapo points sila sa 'kin. "Oo. Gusto niyo akong makita kasi gusto niyo akong asarin!" sinumangutan ko siya. "Ay! Ang judgemental mo naman, Lj.." anang ni Miggy. "Hindi naman gano'n gagawin namin sa 'yo.. gusto ka lang talaga namin makita.." seryosong sabi ni Elie. "Alam na namin 'yang mga galawan niyo! Aasarin niyo lang si Lovely, eh!" umirap si Lexis. "Hindi ba pwedeng nagbago na kami? Gusto lang naman talaga namin makita ka hindi dahil gusto ka naming asarin." anang ni Thurs. Pinakatitigan ko sila, isa-isa. Nakangiti sila pero hindi yung laging ngiti nila na mapang-asar. Baka nagpapanggap lang mga 'yan! "Alam mo Lj, Kaming mga gwapo pwede rin magbago.. Oo inaasar ka namin pero hindi ibig sabihin no'n ay lagi na kami sa'yo gano'n." Saad naman ni Julius. Isa rin ito si Julius, kaparehas niyang gwapo pero mga gago! Magbestfriend nga! GRABE NA ANG PURI KO SA KANILA AH?! I mentally scolded myself. "Tsaka.." sumingit si Elie, "Sayo lang kami nagkakaganito." "Mapangasar,Makulit at bully man kami sayo, Malay mo nagpapapansin lang kami sa crush namin at ikaw iyon!" Said Miggy. "BOOOOM!" sigaw nilang apat. Mga timang amp. "Ayown! Bumabanat ang mga gago!" Sabi ni Miyuki. Halata sa mukha nila na nandidiri sila. "Pake mo ba? Kay Lj babes naman kami bumabanat hindi sa inyo!" sagot ni Thurs sakanya. "May pake kami kasi kaibigan namin siya tsaka ang lakas niyo mang buyo sakanya noon bakit kami magtitiwala sa inyo?" si Mich naman ngayon. "Oo gwapo kami na malakas mangbuyo pero hindi ba pwedeng magbago kami dahil kay Babes namin, huh?" sagot naman ni Curby. Gwapo na gago din kaya mga magkakasama nga sa isang grupo! Pinuri ko na naman! Nagbangayan na silang lahat. Inirapan ko nalang sila at walang paa-paalam ay nilayasan ko silang lahat doon. Lumabas na ako sa school at nag-abang na nang masasakyan. Puno ang mga jeep na dumadaan. Ilang beses palang ako nag komyut kaya medyo sanay na rin ako. "San Joaquin road! Lower Condura!" sigaw nang kondoktor nang dumaan na bus. Sa San Joaquin road ang business city at doon nakatayo ang company nila lolo. Hindi pa ako nakakasakay ng bus. Huminto iyon sa sakayan. Nagtingin pa ako nang mga jeep pero punuan iyon kaya pumunta na ako sa hintayin at sumakay ng bus. Naka aircon ang bus kaya okay lang. Pagpasok ko ay puno na rin iyon. May mga nakatayo na rin. Umandar na ang bus kaya napakapit nalang ako sa upuan na palapit sa 'kin. Mabilis magpatakbo ang bus kaya todo kapit ako sa sandalan nang upuan na malapit sa'kin. Tumingin ako sa taas at may hawakan iyon. Kung matangkad lang sana ako, eh. Nagsimula nang maglakad ang kondoktor para kumuha nang bayad sa pamasahe. Hindi ko pa naman alam kung magkano. "Magkano po kapag hanggang San Joaquin po and if student po?" Tanong ko no'ng nasa harap ko na siya. "Twenty-five." sagot niya. Tumango ako. Bumitaw muna ako sa pagkakahawak para makakuha nang pang bayad na nasa backpack ko nang biglang prumeno ang bus kaya napaabante ako.. "Ahhh!" Tili ko nang matutumba ako. Pumikit ako at hinintay tumama sa sahig ng bus ng maramdaman na may humatak sa suot kong backpack at nahatak din ako patayo. Dumilat ako at napansin kong nakatingin sila sa likod ko. Nilingon ko 'yong humatak sa bag ko at magpapasalamat sana nang mapanganga ako nang mapatingala ako sa humatak sa bag ko. Oh shems.. Hindi ako marunong magdescribe nang itsura pero isa lang masasabi ko— He's like a Greek God. Nakagrey v-neck shirt siya na humapit sa katawan niya at maputok-putok na braso. Kahit na na naka t-shirt ay mahahalata mong maganda ang pangangatawan niya at yummy— Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko. "Are you okay?" Nakakunot ang noong tanong niya sa 'kin. Ang gwapo niya. Nakanganga lang ako at tinititigan lang siya. Kulay kalangitan na medyo may pagka kulay karagatan ang kanyang mata, nakikita iyon kahit hindi nasisinagan ng liwanag ang kanyang mata. Makapal ang kanyang nga kilay pero hindi sabog, Mahaba ang kanyang pilikmata. Matangos ang kanyang ilong, ang kanyang labi na parang nakapout at ang pula-pula nun. At ang kanyang panga na para siyang nakatiim bagang. May facial hair din siya pero hindi iyon makapal at higit sa lahat ay ang kinis at parang malambot ang kanyang mukha in short GWAPO talaga! Hindi ko alam kung minuto na ba ako nakatingin sakanya pero natauhan ako nang magsalita uli ang kondoktor na kakabalik lang galing sa paniningil sa iba. "Miss, bayad mo?" Nilingon ko siya, "A-Ahh.. O-Opo!" sabi ko ata agad na iniharap ang backpack ko para kumuha sana ng pangbayad pero pinigilan ako ng gwapong kuya. "No need.. Ako na magbabayad." Ngumiti siya sa 'kin and Shookt and Shems! Ang gwapo niya lalo. Itinikom ko ang bibig ko para hindi na uli ako mapanganga dahil sa pagkamangha sa kanyang itsura. "Eto po, Manong." Inabot niya ang bayad sa kondoktor. Napakagat ako ng labi nang pagmasdan ko ang braso niyang maugat. Asdfghjklkjhgdyhbzjw— "San Joaquin road, right?" Tanong niya kaya tumango ako. Binigyan siya no'ng manong ng apat na maliit na parang tikit at inabot niya naman sa 'kin. "U-Uh.. S-Salamat po." sabi ko at humarap na ako sa dating pwesto ko. Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa at gusto kong tumili dahil ang manly-manly no'n— "Cute.." bulong niya sa likod ko. Nanlalaking matang nilingon ko siya na ngayon nakangiti showing his perfectly white teeth. "Falcon! May baba ba ng falcon?" sigaw ng kondoktor. "I have to go." sabi niya at walang lingon-lingon ay umalis siya para bumaba sa bus. Ngayon ko lang napansin na naka black jeans siya at nakatop sider na sapatos. Umandar na uli ang bus at ako naman ay naupo na sa bakanteng upuan malapit sa pintuan ng bus. 10 minutes ang nakalipas ay nakadating na rin ako sa tapat ng building nila Lolo. Ngumiti ako kay Manong Reymundo at Manong Trick, mga gwardya sa company nila Lolo. "Hello po!" Bati ko at nagmano sa kanila. "Kaawaan ka ng dios, 'nak.." "Godbless you!" "Salamat po hehe.." Sinabi kong aakyat na ako at tumango naman sila. Kinakawayan ko ang mga empleyado na bumabati sa 'kin. Kahit papa'no ay friendly naman ako kaya hindi ko sila snob. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan nago-office si Daddy and Lolo. Sabi ni Daddy nando'n na daw si Lola at 'yong kambal na nakakabatang kapatid ni Daddy na si Tito East and Tito West. May dala daw silang paborito kong ulam at meryenda kaya na-excite ako lalo. "Lolo,Lola!" Tawag ko sakanila pagkapasok ko sa opisina. Nakaupo sila sa sofa sa mini salas nang office ni Daddy. Lumawak ngiti ko lalo nang makita sila Tito, "Tito East and Tito West!" Tumakbo ako papalapit sakanila at yinakap silang dalawa. Hinalikan naman nila ang buhok ko. "Kumusta ang maganda naming pamangkin?" Tanong ni Tito East. Napahigikgik naman ako. Eversince bata pa ako no'n ay ganyan na ang tawag nila sa 'kin. "Okay lang po, 'to! Maganda pa rin hehe" sagot ko. Si Tito East at Tito West ay kambal. 27 years old sila. Magkamukhang-magkamukha talaga sila pero may pagkakaiba sila na hindi mo ma-explain kung ano 'yon dahil parehong-pareho. Samin naman ay alam namin nila Lolo kung sino si East at si West. "Balita ko sembreak mo na raw?" Tito West asked while smiling. "Opo kaya tambay ako dito hehe" sagot ko. Bumaling ako kela Lolo at Lola na pinapanood kaming magtitiyuhin. Ngumiti ako at nilapitan sila. "Namiss ko kayo!" Tumawa sila at yinakap ako, "Na miss ka rin namin, Apo." Lola Rosinda said. "Dalawang linggo kang walang pasok kaya sulitin natin ang pagbobonding!" Lolo Geoff said. "Buti na nga lang Lj wala na kaming masyadong gagawin ni East, eh." Sabi ni Tito West no'ng makalapit sa 'min sila at umupo sa sofa. "Buti kamo hindi ka na naman umabsent, West kung hindi ay hindi pa rin tayo tapos do'n sa mga papeles." Saad naman ni Tito East. May sariling company sila Tito East and Tito West. Sabi kasi nila gusto nila mag-umpisa sa mababa, ayaw naman daw nila dito kaya pinayagan sila nila Lolo at Lola sa desisyon nila at sinoportahan pa. "Talaga po? E 'di ipapasyal niyo na ako uli?" "Oo naman!" sagot nilang sabay. Natawa ako. Nakakatuwa rin kapag kambal minsan ay nagkakasabay sa pagsagot. Inilibot ko ang paningin ko sa office at napakunot nang hindi makita si Daddy. "Nasaan si Dad, Tito?" Tanong ko sa dalawa kong kambal na tiyuhin. "Sinundo si Kuya Stephen." Tito West answered. Napakunot naman ang noo ko, "Sino 'yon?" Takang tanong ko. "Your Daddy's bestfriend in short ninong mo." sagot naman ni Tito East. Tumango sa sinagot nila Tito. Kaya habang wala pa si Daddy ay nag-order naman sila Tito ng gusto kong kainin. "What do you want to eat, Lj?" Napangiti ako nang tanungin ako ni Tito West, "Pizza po!" sagot ko. "Okay!" Ngumiti si Tito sa'kin. "Ano pa? Treat ko naman—" Tanong ni Tito East sakin. "Chicken Joy, Tito!" putol ko sa sasabihin ni Tito East. Natawa naman silang apat sakin. Tumango si Tito at may tinawagan na silang dalawa para sa kanilang order. Hiniram ko muna ang tablet ni Lola para maglaro doon ng Candy Crush. Siguro ganoon talaga kapag matatanda, noh? Hindi nag sasawa sa dating usong laro. Si Lolo naman ay busy sa panonood nang t.v doon sa office. Isa rin sa pinalagay ni Daddy iyon para kung tatambay man ako dito uli ay hindi ako maburyo kasi may t.v na may cable siyang pinalagay. Habang naglalaro ay narinig ko naman ang pagbukas nang pinto at ang tawa ni Daddy ang aking narinig. "Talaga, Bro?" At humalakhak uli siya. "Oo! Gano'n pa rin ang king ina!" at tumawa rin 'yong isang nagsalita. Hindi pa rin ako nag-angat nangtingin dahil tutok ako sa paglalaro. Malapit ko na kasi matapos 'yong level dito. "Kuya Stephen!" Tito West and Tito east said in unison. "Woah! Laki niyo na, ah? Dati ay payatot pa kayo!" "Syempre, nagbinata kaya kailangan magpamacho." Hindi ko alam kung sinong Tito ko ang sumagot. "YES! NAPA-LEVEL KO NA RIN! YES YES!" Sigaw ko at nagtatatalon pa ako matapos kong matapos ang level na hindi malagpasan ni Lola Rosinda. "Lovely Joice?" Tawag sa 'kin ni Daddy. Nakangiti akong tumingin sa dereksyon niya pero nawala rin iyon at napalitan ng pagkakagulat nang makita ko 'yong katabi niyang lalaki. "Ikaw?!" Gulat kong tanong at tinuro pa siya. 'Y-Yong lalaking gwapo kanina sa Bus. 'Yong pumigil para hindi ako masubsob! Bakit siya nandito? "Oh, Hi there!" Kumaway pa siya at ngumiti. Gusto kong himatayin.. "Oh? Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Daddy sakanya. Umiling siya, "Not exactly but.. I saw her in the bus kung saan ako nakasakay. Kamuntik na nga siya masubsob no'ng huminto bigla 'yong bus buti nalang nahawakan ko bag niya." sagot niya tapos bumaling uli siya kay Daddy, "So.. She is your daughter?" "Yes." nakangiting sagot ni Daddy. "She looks like you, bro." sabi niya habang nakatingin sa 'kin. Nakaramdam tuloy ako nang pagkakailang dahil sa paninitig niya. "Oo naman! Nagmana yata sa 'kin 'yang inaanak mo, Stephen!" proud na sabi ni Daddy. Inaanak mo..Inaanak mo..Inaanak mo.. Namilog ang mata ko dahil sa sinabi ni Daddy. Tinuro ko uli 'yong lalaki na kasama niya na ang pangalan ay Stephen. "S-Siya Ninong ko, Dad?" Gulantang kong tanong. Tumingin silang lahat sa 'kin sabay tango. "Siya 'yong sinabi namin ni Tito West mo na sinundo ni Kuya Kris na bestfriend niya s***h ninong mo." Tito East said. Binaling ko ang paningin ko sa lalaki— or should I say.. Ninong Stephen. Nakangiti siya sa 'kin. "Hi, Inaanak! I'm your Ninong Stephen!" pakilala niya and.. Everything went black..*****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD