ANG NAKAKUNOT-NOONG si Miss Lazerna ang bumungad sa 'kin. Halatang nagtataka. Umusbong ang kaba ko sa dibdib. Hindi kaya nakita niya 'yong ginawa ni ninong sa'kin? "Is that your boyfriend? Mukhang mas matanda siya sa'yo.." aniya. Umiling ako, "N-Ninong ko po siya.. He's my Dad's bestfriend." sagot ko. Dahan-dahan naman s'yang tumango at nawalan ng emosyon ang mukha niya. Ang sumunod niyang sinabi ang nagpanginig ng buo kong katawan sa kaba. "Hindi ko alam na pwede palang halikan ng ninong ang dalagang inaanak sa ilong?" saad niya mababakas ang pagtataka sa tono. Huminga ako ng malalim bago siya sagutin, "G-Gano'n po talaga si Ninong.." sagot ko at nag-iwas nang tingin. Bakit nga nagpapaliwanag ako dito? "Hmm.." aniya, "Anyway, kumustahin mo ako sa Dad mo.." aniya bago umalis sa har

