Chapter 1 Mortal World

2492 Words
Stella's POV Nasaan ako? Luminga-linga ako sa paligid, hindi ko alam kung nasaan ako. Nasa isang gubat ako at madilim na. Tumingala ako at nakita ko ang bilog na bilog na buwan. “Hello!” sigaw ko at nag echoed yun sa buong paligid. Naglakad na ako. “Stella.” lumingon ako dahil may narinig akong tumawag sakin. Isang malumanay na boses ng babae, pero wala namang tao. “Stella.” nakarinig nanaman ako ng tumawag sakin. Pero ibang boses naman, boses ng lalaki. “Stella!” tinakpan ko na ang tenga ko dahil palakas na ito nang palakas, iba-iba na din ang boses na tumatawag sakin. “Stella!” tumakbo ako dahil hindi ko na kaya. Ang sakit na ng tenga, gusto ko na makaalis dito. Palakas na nang palakas ang boses at nag eechoe yun sa tenga ko. “Stop!” sigaw ko habang tumatakbo. Napaluhod ako habang tinatakpan ang tenga ko at mariing pumikit. “STELLA?” sigaw ng boses. “Aahh!” sigaw ko at bumangon. Habol ko ang hininga ko at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Panaginip lang pala. Napa buntong hininga ako. Bumangon ako at inayos ang sarili. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko, lagi ko nalang napapanaginipan yon. Hindi na naaalis sa isip ko ang ganong pangyayare. Bumuntong hininga ako, simula ng nawala ang mga magulang ko may mga napapanaginipan nakong mga boses. Hinawakan ko ang kwintas na binigay sakin nila Papa, eto nalang ang tanging naiwang alaala nila sakin. Tumayo nako at nag-ayos na para pumasok. Napatitig ako sa salamin, ako si Stella Mayumi Montella. Mapait akong ngumiti sa aking sarili. Nang pumanaw ang mga magulang ko, ako nalang bumubuhay sa sarili ko. I become a scholar and a working student, lahat ng mga ari-arian nila Papa kinuha ng mga kamaganak kuna nila. Pero ang alam ko wala silang kahit na sinong kamaganak dito. Pinabayaan ko nalang dahil wala akong laban sa kanila. Ano naman magagawa ng isang katulad ko na musmos pa lamang? Napailing ako, ang tanging natira sakin ay ang bahay, kwintas na ginto na may key pendant at star na design. Kakaiba sya, ewan ko kung bakit ganito itsura nito. Huling habilin nila Papa ay ingatan ko to. They even said that "This is the key to your world and the weapon to your battle" kahit di ko sila maintindihan pinanghawakan ko padin ang sinabi nila. Nang natapos nako ay lumabas nako para pumuntang school. Nakasuot ako ng school uniform na medyo maluwag sakin, hanggang siko ko ang buhok ko at may bangs na natatakpan ang mata ko. Naka suot din ako ng salamin, ayoko makakuha ng atensyon kaya di nako nag aayos ng sarili ko. Mapait akong ngumiti. No one cares anyway. Habang nag lalakad ako hindi ko maiwasang balikan ang nangyare sa mga magulang ko. FLASHBACK “Papa, Mama!” takbo ko kay Papa at Mama. “Hey! Princess.” yumakap sakin si mama. Nginitian ko si mama nang bumitaw na sya ng yakap. “How's are Princess doing?” tanong ni Papa sabay gulo ng buhok ko. I giggled. “I'm doing good papa, how's work?” tanong ko. Ngumiti si papa sakin. “Just fine Princess, lets eat now.” sabi ni papa at pumunta na kami sa sala. Hinanda na ni mama ang pagkain sa lamesa. Masaya akong kumakain pero sila Papa ay tahimik lang. Kunot noo akong napatingin sakanila. “Papa, Mama is there something wrong?” Tanong ko. Tinignan nila ako at ngumiti sabay iling. “Nothing Princess we just feel strange.” sabi ni Papa. Akala ko ay ako lang, sila din pala. Kanina pako may nararamdamang kakaiba. hindi ko lang malaman kung ano. Binaliwala ko nalang yun at kumain na. Hmm! Sarap talaga magluto ni Mama. BOGSH Biglang napatayo sila Papa dahil sa pag sabog ng front door namin. Natulala nalang ako nang may mga pumasok na mga taong nakaitim. Mga apat sila. “Karen take Stella away from here!” Biglang sigaw ni papa sumugod ang mga taong nakaitim at kinalaban si Papa. Naramdaman ko namang binuhat ako ni Mama, tatakbo sana sya pero may sumulpot na kalaban sa harapan namin. Isang malakas na hampas ang ginawa nya kay mama at tumilapon kami. Napapikit ako dahil sa takot na tumama sa matigas na sahig, pero hindi ako nakaramdam ng sakit. Pagdilat ko ay nakayakap ng mahigpit sakin si Mama. Prinotektahan nya ako. “Karen, Stella!” sigaw ni papa at malakas na sinuntok ang kalaban nya pagtapos ay tumakbo sa direksyon namin, pero marami ang humarang sakanya. Tumutulo na ang luha ko dahil hindi ko na alam ang gagawin. “Papa, Mama!” humihikbing sabi ko. “Sshh Princess.” pagtahan ni Mama, pero hindi ko mapigilan ang mga mata ko sa pagluha. Biglang tumakbo sya sa isang gilid na may cabinet at dun ako nilagay. “You'll be safe, they can't touch you. No one will see you, Not even with their naked eyes.” nalito ako sa sinabi ni Mama. “Invisible Barrier.” bulong ni Mama at nagulat ako ng may umilaw sa kamay nya at parang nilagyan ako ng harang. “Stay here, whatever happens don't come out.” seryosong sabi ni Mama, pero kita ko ang pag alala nya. Tumango nalang ako habang humihikbi. Hinalikan nya ang noo ko bago tumakbo kay Papa. Sumilip ako sa siwang ng cabinet, nakita kong napasubsob si Papa sa sahig. “Ronald!” sigaw ni Mama. Nakarating na sya sa pwesto ni Papa. Napakabilis ng nangyare bigla nalang may sumaksak kay mama. “Mama.” mahinang bigkas ko sabay na sunod sunod ng pag tulo ng luha ko. “Ka-karen.” sinalo ni Papa si Mama. “Karen wa-wake u-up.” tapik ni Papa sa pisngi ni Mama. Napatakip nalang ako ng bibig para pigilin ang hikbi ko. Tinignan nya ng masama ang mga nasa harapan nya, tatayo sana sya pero di nya nagawa. Tinignan ko ang paa ni Papa may kulay itim na umiilaw don yun ata ang dahilan kung bakit di sya makatayo. “Where's the Star Key?” tanong ng isang naka itim na may hood. HIndi ko makita ang mukha nya. “Somewhere you'll never find.” sabi ni Papa, pero nagulat nalang ako ng walang sabi sabing sinaksak din sya. Napatakip ako ng mukha at tahimik na humagulgul. “Find the Star Key.” narinig ko ang pag halughog nila sa buong bahay. “There's no sign of the Star Key here.” sabi ng kasama nya. Tumingin tingin ang lalaking naka hood at nagulat ako nang huminto yun sa gawi ko. Sumiksik ako sa cabinet, narinig ko ang pag lakad nya papunta sa dito. Napatakip nalang ako ng bibig para di marinig ang pag hikbi ko. Nagulat ako nang bigla nyang binuksan ang cabinet na kinalalagyan ko, pero nagtaka ako bigla nang parang hindi man lang nya ko nakikita. “Tsk! There's nothing here let's go.” Umalis na sila at naiwan akong tulala. Nang matauhan ako naisipan ko nang lumabas. Lalabas na sana ko pero bigla nalang akong nauntog. Hinawakan ko yung parang nasa harapan ko. Nakalimutan kong may nilagay pala si Mama. Tinignan ko ang gawi nila. “MAMA, PAPA!” malakas kong sigaw. Nakita kong tumaas ang kamay ni Mama kasabay non ang pag wala ng harang. Mabilis akong tumakbo papunta sa pwesto nila. “Ma-mama, Pa-papa.” nauutal kong tawag sakanila. Nagmulat sila at tinignan ako. Humagulgul nanaman ako dahil sa kalagayan nila. “Sshh pri-princess do-dont c-ry.” sabi ni Papa at tinaas ang kamay nya para abutin ang pisngi ko. Pumunta naman ang kamay ni Mama sa leeg ko at nilabas ang kwintas na nakatago sa loob ng damit ko. “Dont lose this Stella.” sabi ni Mama habang nakatingin sa kwintas ko. Ginto at hugis susi ang pendant nya na may mga naka ukit na bitwin. Hinawakan din yun ni Papa. “Bu-but why?” tanong ko. Ngumiti sila sakin. “You will find out soon Stella.” sabi ni Mama. “This is the key to your world and the weapon to your battle.” sabay nilang sabi habang nakangiti. Napangiti din ako, pero nawala yun ng unti-unti nilang sinara ang mga mata nila. “Papa, Mama don't leave me please.” Pakiusap ko pero wala akong nakuhang sagot. Iyak ako ng iyak hanggang sa wala na akong maiyak pa. END OF FLASHBACK BBEEEPPP Nagulat ako nang may bumusina sa likod ko. “Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” bulyaw sakin ng babae sa loob ng kotse nya. Muntik na pala ako mabangga. “Pasensya na.” yumoko ako at tumabi sa gilid. “Tsk! sagabal sa daan.” sabi nya at umalis na. Napa buntong hininga ako. Masyado ata akong nadala sa pag da-day dream ko. Pumasok nako sa school. BLAG “A-aray!” napaupo ako sa sahig dahil may bumangga sakin. “Ayy! Akala ko walang tao, hahahaha!” sabay takbo ng lalaking bumangga sakin. Tatayo na sana ako pero binangga din ako ng mga kasama nyang nakasunod pala sakanya. “Loser.” sabi pa nila. Bumuntong hininga nalang ako at tumayo na ulit. Nag lakad nako, at dahil wala pang klase pumunta muna ako sa terrace ng school. Tinungkod ko ang kamay ko sa railings at lumanghap ako ng sariwang hangin. Napatitig ako sa langit at napangiti sabay napatingin ako sa baba kung saan pumapasok ang mga estudyante. Nakita kong may mga nag tatawanan at nag kukulitan, unti unting nawala ang ngiti ko. Alam nyo ba yung feeling na parang hindi ka belong? Yung tipong parang ikaw lang ang naiiba sa kanila? Kasi ako yun ang nararamdaman ko. I don't know why but I been known as many names. Loser, geek, nerd, trash, witch, monster I've even called a b***h even know I'm not. May mga oras na gusto kong lumaban, but what for? Uulit at uulit lang sila. At mag isa lang ako marami sila. They think I'm weird. Many students bully me, especially the girls and I don't know why. “Hey! Geek.” aalis na sana ako pero hinawakan ako ng mahigpit sa braso ni Joanna. Ang pinaka b***h sa school namin. Ano nanaman kailangan nito? Kasama nya ang dalawang aliparos nya. “Bakit?” mahina kong tanong, Tinaasan nya ako ng kilay. “Here, buy us some foods.” sabi nya sabay bato sakin ng wallet nya na tumama sa mukha ko. Napayuko ako. Masakit ang ginawa nya lalo na't mahaba at makapal ang wallet nya. Mapait akong ngumiti at inabot ko pabalik sakanya ang wallet nya. “What are you doing?” tanong nya. Mukang nagulat pa sya dahil binabalik ko ang wallet nya. “Go buy your own food.” mahinahong sabi ko. Sinamaan nya ko ng tingin. “Abat! Are you disobeying me?” gulat nyang sabi. Hindi ko sya inimikan. Lumapit sakin ang isang kasama nya at mahinang tinapik-tapik ako sa pisngi. Sa bawat tapik nya ay may halong pang gigigil, na parang gusto nakong sampalin. “Lakas naman ng loob mo. Sumagot ka pag kinakausap ka.” mahina pero may diin nitong sabi. Yumoko lang ako, pagod nako sa mga utos nya. Well maybe its time to fight for myself. Kahit ngayon lang tatanggihan ko sya, kasi may klase pa ako. Lumakad nako palabas ng terrace at tahimik silang iniwan, pero diko akalaing susunod sya. “You trash!” bulyaw nya sakin sabay hila ng buhok ko. “Wala kang karapatang tanggihan ako! Yan na nga lang ang magiging silbi mo sa pagiging scholar mo. Dahil sa Tito ko na may ari ng school, kaya ka nandito ha! Tandaan mo isa kalang mahirap na nilalang. Wag kang feeling mataas!” hila-hila nya padin ang buhok ko. Oo! dahil sa Tito nya kaya ako nakapasok sa school nato. Mabait ang Tito nya, ewan ko lang kung bakit sya hindi. Dahil napakasakit na ng ulo ko. Sinabunutan ko na din sya, nag sabunutan kami, hidni ko na namalayang madami na pala ang nanonood samin. “Wala kang silbe kaya ka siguro iniwan ng mga magulang mo dahil ganyan ka! Di siguro nila nakayanan ang maging anak ka nila. Matalino nga pero wala namang kwenta, salot kalang dito sa mundong ito. Isa kang basura!” sigaw nya na nakapag patigil sakin. Hi-hindi to-totoo y-yan. Sinasabunutan padin nya ako, naririnig ko din ang mga tao na nasa paligid ko. Kinukutya, inaapi at nilalait din nila ako. Tumulo ang luha ko. Bakit ko ba nararasan to? May ginawa bakong masama? Napapikit ulit ako sa sigawan nila. “Salot!” “Walang kwenta!” “Basura!” “Hahahahahaha!” “Dapat lang yan sayo.” Lahat ng sinasabi nila ay nag eechoe sa utak ko. Tinakpan ko ang tenga ko, nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam, pero parang may gustong sumabog sakin. “Halimaw ka, ang pangit mo!” “Mas mabuting mawala ka nalang din, katulad ng mga magulang mo!” Hanggang sa hindi ko na nakayanan. “AAAHHH!” malakas kong sigaw at nagulat ako ng biglang umilaw ang kwintas ko, may lumiwanag at nag karoon ng impact. Tumilapon silang lahat. Tinignan ko ang paligid ko. Lahat sila walang malay at yung iba sugatan. Napanganga ako sa sobrang gulat, hindi ko alam ang gagawin ko sa nakita ko. “Anong nangyare dito?” sigaw ng isang teacher habang tumatakbo sa direksyon ko at may mga kasama pang ibang staffs na nag tratrabaho dito. Dahil diko alam ang gagawin ko, rumayo ako at tumakbo papalayo. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyare. Wala akong kasalanan. Hindi ako ang gawa non diba? “Habulin sya!” sigaw ng teacher may nakita nakong mga pulis na humahabol sakin. Mayaman ang school nato Kaya may mga pulis ding nag babantay. Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa nakalayo ako, tumigil ako at hinabol ko ang hininga ko. Tumingin ako sa paligid nagulat nalang ako, sa layo ng tinakbo ko ay nasa Giaca Forest nako. Ang forest na malapit sa school namin at sa pag kakaalam ko ay bawal pumunta dito. BRROOMM Narinig ko na ang pagdating ng police car. Tumakbo ulit ako nakakita ako ng isang malaking puno at dun ako nag tago. Nakita kong sa ibang direksyon dumaan ang mga police car kaya nakahinga ako ng maluwag. “Wala na sila.” pag papakalma ko sa sarili ko. “Meoooww~” pag harap ko nagulat nalang ako ng pagsulpot ng pusa. Muntik ko na syang matapakan. Umiwas ako pero dahil doon na out of balance ako, tatama na sana ko sa puno nang biglang umilaw nanaman ang kwintas ko at nag karoon ng butas sa puno. Lumusot ako dun at nagpagulong-gulong. “Aaahhhh!” sigaw ko. Nahihilo nako, maya-maya naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa lupa. “Argg!” daing ko. Tumayo nako at pinagpagan ang sarili ko. Tumingin ako sa paligid at nagulat ako sa nakikita ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD