Prologue

238 Words
“Fairy Tale? Hahahaha!” tumawa ang Ale. May Batang babaeng bumibili ng candy sa tindahan nya at nag kwento tungkol sa Fairy Tale na nabasa nito. “Hindi totoo yan Iha.” iling ng Ale. Nag simulang malungkot ang Bata. Nanatili akong nakaupo habang nakatingin sakanila. “Sa mundong to walang magic, walang happy ever after at lalong walang fairy tale. Yan ang tandaan mo, nasa reyalidad ka Iha wala ka sa pantasya.” hindi man lang nito inalala ang nararamdaman ng bata. Nag bayad ang bata at umalis na habang naka simangot. Sinundan ko ang bata, kumakain sya ng lollipop. Hindi nya napansin ang batong maaaring maka patid sakanya, sa inaasahan napatid nga sya. Pero hindi sya bumagsak dahil pinalutang ko sya, nagulat ang Bata at napatingin ito sakin. “Pano nyo po yun nagawa?” tanong nya nang maibaba ko sya. Pinaupo ko sya para matignan kung nasaktan ba sya, nang masiguradong hindi ay nag salita ako. “Gusto mo bang makarinig ng kwento?” sabi ko. Ngumiti ang Bata. “Opo gusto ko.” tuwang sabi nya. “Pero hindi ito isang Fairy Tale.” sabi ko. Napatigil at muli syang nalungkot. Napa yuko at tinitigan nya ang lollipop na hawak nya, parang biglang nawalan ng gana. I giggled and continued. “Isa itong Wizard Tale.” sabi ko. Agad umangat ang ulo nya at naka awang ang bibig na tumingin sakin. Ngumiti ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD