"Why would I marry such a guy like that!" Halos galit na sigaw ni Melissa ng sabihin ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan ang isang lalaki na hindi naman niya kilala at higit sa lahat isang lalaki na may taning na ang buhay.
"Anak, sila ang pinakamayaman at may pinaka malaking investment company sa buong asia. Hindi biro ang net worth ni Jared La Huerta Sr. 3 buwan lang naman ang titiisin mo na pakisamahan siya after that mag hihiwalay na kayo at makakabangon na ang company natin." paliwanag ni Amadeo Enriquez ang ama niya na isang land developer pero nalulugi na ang company nila at kailangan daw nito ang mga La Huerta para makabangon.
"Please anak!"
"Bakit kasi ako Dad, bakit hindi na lang si Lyza."
"Anak, 19 palang ang kapatid mo at nag-aaral pa."
"And so what?" mataray na tanong ni Melissa.
"Ikaw na lang since 3 buwan lang naman." giit ng ama.
"Bakit ba pinipilit mo si Melissa? Bakit hindi yan anak ng kabit mo ng may pakinabang naman silang mag-ina." wika naman ni Melinda ng pumasok sa loob ng library at naupo sa couch sa tabi ng anak.
"Simple dahil mas matanda si Melissa kay Lyza?"
"Ang usapan lang naman hindi ba anak mo ang gusto nilang kapalit sa perang hinihiram mo?"
"Oo pero hindi naman nila alam na dalawa ang anak ko?"
"Exactly my point!" wika pa ni Melinda.
"Wala silang alam kaya okay na si Lyza ang ipakasal mo kay Mr. La Huerta."
"Okay fine!" galit na wika ni Amadeo.
"Oras na si Lyza ang pakasalan ni Mr. La Huerta, wag kayong magagalit sa akin kung si Lyza ang mag mana ng lahat ng kayamanan ng mga La Huerta. Tandaan n'yo Villaflor pa rin ang apelidong gamit ni Lyza hindi Enriquez kaya mag-isip kayong dalawa. 3 buwan lang ang hinihingi kong paki-usap sa inyo na pakisamahan n'yo ang matanda. Ang hirap n'yong paliwanagan tapos magagalit nanaman kayo kay Lyza oras na siya nanaman ang suwertehin." mahabang lintanya ni Amadeo habang masama ang tingin sa dalawa. Napabuga naman ng hangin si Melinda, na hinawakan ang kamay ng anak at hinaplos ang pisngi ng anak saka ngumiti.
"Mabuti pa pag-isipan mo muna anak, tama ang papa mo! mabilis lang naman ang 3 months, after that magiging bilyonaryo ka na din."
"Pero ma! Paano si Cixto?" tukoy nito sa nobyo na isa din milyonaryo at mayaman na may sinabi din sa industriya.
"3 months lang anak, tutal lagi naman busy si Cixto, i-sekreto na lang natin." wika pa ni Melinda na ikinabuga ng hangin ni Melissa.
"Puwede bang pag-isipan ko muna Pa, please!"
"2 weeks lang ang binigay na palugid sa akin ng mga La Huerta bago ang itinakdang araw ng kasal." wika pa ni Amadeo.
"Masyado naman silang nag mamadali, don't tell me hindi din engrande ang magiging kasal ng anak ko." galit na tanong ni Melinda.
"3 buwan lang ang itatagal ng buhay ng matanda, tingin mo magbibigay pa siya ng engrandeng kasal? I was just a simple church wedding, walang maraming bisita tanging tayo-tayo lang."
"My God! Hindi ganun ang klase ng kasal na pinangarap ko Dad."
"Saka ka na lang ulit mag pakasal ng engrande after 3 months mas maganda na din yun para hindi malaman nila Cixto ang tungkol sa magiging kasal mo." wika pa ni Amadeo sa anak na halatang na iirita pa din pero mukhang papayag naman.
-
-
-
-
-
-
-
-
"Kumusta ang papa?"
"Hindi na po mabuti ang pakiramdam niya." sagot ni Jerry.
"Asan ang lolo?"
"Kasama po ni Sir sa mansion." napabuga naman ng hangin si Jared.
"Nasa bahay na din ba ang bago niyang asawa?"
"Na move po ang kasal ni Sir dahil hindi siya pinayagan ng doktor na bumangon at naki-usap din po ang mga Enriquez na i-move sa susunod na linggo ang kasal nila." napailing naman si Jared habang nasa backseat sakay ng isang Land rover, pang ilang kasal na ba dapat ito ng ama niya pang 7 na ba pero laging hindi na tutuloy dahil pag hindi nag kakasakit ito, tinatakasan ng bride kapag na kikita ang ama. Technically masamang lalaki ang ama niya but not biologically, ang totoo na aksidente ito sa isang planta na pinuntahan nito noon para sa isang malaking investment sa China pero bigla isang machine sa planta ang sumabog habang dumadaan ang grupo ng ama niya noon na nag tutour. Sumaboy sa mga ito ang acido na laman ng machine, hindi lang ang ama niya ang apektado maging ang kasamahan ng mga ito 4 ang namatay at 5 ang nabuhay pero pawang mga sira na ang mukha at katawan na kahit plastic surgery hindi kakayanin.
Mula nun hindi na lumabas ng bahay ang ama niya, habang siya naman ang sinisisi ng Lolo niya kung bakit nangyari yun sa anak nito na ama naman niya. Ang totoo kasi siya dapat ang pupunta ng plantang iyon pero hindi siya natuloy ng umaga na umalis dahil hindi naka pasok ang isang proffesor ng university kung saan siya nag tuturo bilang isang Business Management professor. He's a professor by profession pero nag tatatrabaho din siya bilang company president ng iba nilang company abroad kaya sa US siya nakatira habang nasa Pilipinas naman ang ama.
Ang ama naman ang nag volunteer na ito na ang pupunta sa company since nasa China din ito ng araw na yun kaya hindi na siya tumuloy ng alis papuntang China from LA then nalaman na lang niya ang malaking aksidente na kumitil sa buhay ng ina niya at muntik ng ikamatay ng Papa niya. Yes, namatay ang mama niya na kasama ng papa niya ng pumunta ng company kasama ito sa 4 na namatay. Mula noon pinag bawalan na siya ng Lolo niya na umuwi ng Pilipinas at ayaw nitong makita ang pag mumukha niya, pinag bawal na din nitong gamitin niya ang apelidong La Huerta dahil sa nangyari sa Papa niya.
Walang ginawa ang Lolo niya kundi ihanap ng bagong asawa ang ama niya kasehoda pa na gumamit ito ng pera para lang makakuha ng babae. Ngunit mataas ang standard ng lolo niya hindi basta puwedeng babae lang na makukuha sa tabi-tabi lang. Dumadaan sa masusing imbestigasyon ang bawat babae dahil isang La Huerta daw ang dadahil nito kaya kailangan pasado sa standard ng lolo niya ang mag dadala ng bago nitong apo since ayaw na nito sa kanya.
Ngunit kahit gaano kalaki ang i-offer na halaga ng pera ng lolo niya oras na makita ng babae ang papa niya ora-mismo tumatakbo ang bride. Ngayon ikakasal nanaman ito sa pang 8 nitong bride ano nanaman kayang disaster ang mangyayari,
"Matutuloy ba ang kasal o tumakbo na talaga ang bride kaya na move?" tanong ni Jared.
"Hindi po, tuloy po."
"Talaga ba? Bakit parang ang hirap paniwalaan." ani Jared habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan tanaw niya ang maganda at malawak na kaparangan na maraming baka na nanginginain at mga kambing na nag kalat sa paligid. Meron din mga kabayo na pakawala din sa kalawakan ng lupain ng Lolo niya dito sa Batangas. Mula sa arko kanina at mataas na pader sa tabing kalsada pinasok na nila ang hacienda La Huerta. Masarap tumira sa hacienda dahil sa magandang tanawin at hindi pa polluted na kapaligiran at hangin. Ngunit isa siyang City man, tulad ng ama ngunit napilitan na itong dun manirahan sa hacienda sapol ng maakdisente ito at mag tago sa buong mundo.
Kahit ata utuin siya ng Lolo niya na sa kanya ipapamana ang lahat ng kayamanan ng La Huerta basta dun lang siya titira sa La Huerta Mansion hindi siya titira doon. Hindi sa ayaw niya pero titira lang siya dun kapag tipong mga bakasyon lang ng mga ilang buwan pero yung sasabihin na dun na titira na for life no thank you, ang layo ng biyahe nila mula sa main road ng SLEX papunta sa bayan ng lolo niya na isang buong brgy na yata ang sakop ng lupain nito.
-
-
-
-
-
-
"What!" bulalas ni Jared habang kausap ang ama na nakaratay sa higaan nito habang sa tabi nito ang lolo niyang matalim ang tingin sa kanya.
"Please anak gawin mo ito para sa akin, my last dying wish!"
"No!" matigas na sagot ni Jared, gusto ng ama niya na pakasalan niya ang bride nito dahil hindi na nito kayang mag pakasal pa ulit dala ng sobrang kahinaan.
"Sabi ko sa'yo walang kuwenta ang anak mo bakit mo pa pinauwi dito yan." galit na wika ng lolo niya.
"Papa!" saway ng ama niya sa ama nito.
"Please Jared! 3 months lang naman ang agreement namin kapag hindi mo siya na gustuhan sa loob ng 3 months puwede ka ng mag file ng annulement at ang abogado na natin ang bahala sa lahat ng proseso." paki-usap pa rin ng ama na meron ng kidney failure at heart failure na hindi na kakayanin pa ng gamot o kahit ano daw opera.
"Tingin n'yo ba gagawin kong biro ang magiging unang kasal ko just to be your replacement."
"Then don't, umalis ka na dito? Kelan ka ba napaki-usapan ng ama mo ha! Ni minsan hindi kami naki-usap sa'yo. Ginagawa mo lahat ng gusto mo at wala kang narinig sa amin kaya tama lang na umali_____." bigla nadakot ng lolo niya ang dibdib at na balik sa upuan nito ng biglang napatayo sa galit. Pinilit naman ng papa niya na bumangon kahit pinipigilan ng nurse. Napa pikit naman si Jared saka napa buga ng hangin ng makita ang dalawang lalaki na natitira niyang pamilya.
Tama naman ang lolo niya, never siyang pinigilan noon ng parents niya kung ano ang gusto niyang gawin, nabuhay siya ng malaya na nagagawa lahat ng gusto niya na walang nag didikta ng gagawin niya. Ito ang unang pagkakataon na naki-usap ang ama pero dahil sa matigas niyang pag tanggi mukhang ang dalawang ito pa ang sabay na mawawala sa kanya.
"Fine! Payag na ako in 3 months only." tugon ni Jared.
--
-
-
-
-
-
-
-
-
Panay ang iyak ni Lyza habang nakatingin sa wedding gown na nakasuot sa isang manequin na kailangan niyang suotin bukas para sa kasal. 9am ang kasal sana bukas ng Ate Melissa niya pero bigla itong lumayas, kaya naman mula sa kabilang bahay pinatawag siya ng ama at na alala pa niya ang naging pag-uusap nila kasama ng asawa nito.
"You have no choice Lyza, kung gusto mong ipagamot ko ang mama mo sige, mag bibigay ako ng pera para sa pang pa chemo ng mama mo pero kailangan mong palitan ang kapatid mo para sa kasal niya bukas. Ikaw ang pupunta para maging si Melissa Enriquez,"
"Po?"
"Tama ang nadinig mo Lyza, hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal ng Ate mo bukas, ipapakulong nila ako at kukunin nila ang lahat ng ari-arian natin na pinag hirapan kong mapundar. Kaya sana maunawaan mo ang sitwasyon natin." wika pa ng ama niya.
"Pero papa, 19 pa lang ako at gusto ko pa pong makatapos ng pag-aaral."
"Walang pipigil sa'yo at pag-aaralin ka pa rin namin pero temporarily kailangan mong huminto para magpakasal." wika pa ni Melinda.
"Pero asan po ba si Ate? Bakit siya umalis bakit niya iniwan ang kasal niya."
"Dahil diyan?" inihagis naman ni Melinda ang isang folder sa harapan ni Lyza. Kinuha iyon ng dalaga at sinilip pero agad niyang nabitawan ng folder ng makita ang unang larawan.
"Siya ang magiging groom at anytime soon mamatay na siya o baka nga mas maaga pa sa 3 buwan. After 3 months instant billionaire ka na kapag namatay siya kaya wag ka ng mag-inarte diyan. Ikaw na ang umattend ng kasal ng ate mo bilang proxy at wala naman nakakikilala sa inyo bilang magkapatid." giit pa ni Melinda.
"Paki-usap Lyza, pumayag ka na! Wala na akong choice ikaw na lang ang pag-asa ko paki-usap anak. Para din sa mommy mo? Ipapagamot ko siya pangako." wika ni Amadeo na hinawakan ang kamay ng anak.
"Sabi nila, maysakit siya, pangit, at hindi na aabot ng tatlong buwan. Isipin ko na lang daw na parang pagtulong yon." usal ni Lyza habang nakatingin sa wedding gown na pilit na ipinasusuot sa kanya ng ama at asawa nito. Natitiyak niya na iisa ang built ng katawan nila ng Ate Melissa niya kaya tiyak na kasya iyon sa kanya. Malaki din ang hawig nila ng kapatid at ang utos ng asawa ng ama. Kapag nag tanong daw kung bakit parang nag iba ang mukha niya sa picture sabihin na lang daw niya na hindi lang nabigyan ng justify ang picture or hindi lang siya photogenic. Bahala na daw siyang mag-alibi since hindi pa naman daw nakikita ng groom to be ang Ate niya.
"Ma, gagawin ko ito para sa'yo hindi para kay Papa. Kailangan ko ng pera para iligtas ka, gagawin ko ang lahat para mabuhay ka pa at samahan mo ako sa stage pag graduate ko." hikbi pa ni Lyza saka napapikit na lang na umiyak at pilit na isiniksik sa isipan na 3 buwan lang naman daw sila mag sasama bilang mag-asawa. Ano pang sabi ng asawa ng ama niya.
"Isipin mo na lang ikaw si Belle at siya si Beast! O diba para kayong isang fairytale come true."
"Oo at siya ang evil witch ni snow white." bulong na lang ni Lyza ng maalala ang sinabi ng tita Melinda niya.
"Panginoon please! Hindi pa po ba ako kota sa mga problema, sabi hindi n'yo kami bibigyan ng problema na hindi namin kayang lampasan, pero wag naman sabay-sabay. Patapusin n'yo muna ang isa bago n'yo ulit ako bagsakan ng panibago. Para naman kasi kayong bibiyahe ng malayo o natatae at sinabay-sabay n'yo na po ng bigay ng problema sa akin. Please isa-isa lang po mahina ang kalaban." wika ni Lyza sa pagitan ng pag-iyak na dinadaan na lang sa biro kahit deep inside stress na stress na siya sa mangyayaring kasalan bukas.