"HINDI! GUSTO KO NGYON NA! SHE DON'T DESERVE YOU!" namanhid ako sa narinig
Pinilit kong hindi maiyak ulit "P-pagbigyan nyo na po ako d-dad promise--- promise pagkatapos ng b-burol ni m-mommy hindi nyo na ako makikita" pakiusap ko pero tinignan nya ako ng masama
"Pag sinabi ni daddy na umalis ka na. Umalis ka na, hindi ka namin kailangan dito" sabat ni Kelsey, isa sa mga kapatid ko
"Pagkatapos ng ginawa mo may gana ka pa talagang maki ramay" dagdag ni Shariya habang naka krus ang braso, isa din sa mga kapatid ko
Tumingin ako kay Chelsea, si Chelsea ang isa ko pang kapatid na medyo malapit sakin pero ni tapunan ng tingin ay di nya ginawa. Napayuko ako. Ang bigat bigat ng aking loob
"Magpapa alam lang ako kay lolo----"
"Hindi! Umalis ka na! Kami ng bahalang mag paliwanag sa Lolo mo! GET OUT!" napalunok ako. Mabigat ang mga paa kong naglakad papunta sa main door. Gusto kong humingi ng tulong kay Lolo pero nasa malayo sya, alam kong maiintindihan nya ako
"Have a happy life" huling sabi ko sa kanila saka mabilis na naglakad palabas
I was 10 yrs old when I left my home
--------------PRESENT-------------
Humahangos akong napa balikwas ng bangon dahil sa masamang panaginip. 8 yrs na ang naka lipas pero eto pa din, gabi gabi kong napapanaginipan
Tumingin ako sa orasan
3:00
Tumunog ang phone ko
'May nang hamon sayo ng racing. 8:00 sharp!' basa ko sa text ni Syrah
At sino na naman tong makapal na mukhang nang hamon ng gyera sakin
'Hintayin nyo ako dyan' reply ko saka dumeretso sa banyo
-----------
I'll con. later