“Were you trying to call me?” biglang may nagsalita sa gilid nila kaya agad na napatingin sila ni Daniella doon. Nanlaki ang mga mata n’ya nang mamukhaan si Llewyn na hinahawi pataas ang buhok matapos alisin ang suot na helmet. Nalaglag ang panga n’ya habang salitang tinitingnan ito at ang motor na nakaparada sa di kalayuan. Agad na ibinaba ni Paprika ang phone na kanina pa tunog ng tunog pero hindi nito sinasagot ang tawag n’ya. Nakangiting lumapit ito sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata n’ya. Sunod-sunod na napalunok s’ya nang mapagtuunan ng pansin ang porma nito. Llewyn looked really expensive just wearing that plaid flannel long sleeve with white shirt underneath and a faded maong shorts! “I left my phone at home. Did you just get out of the office?” tanong nit

