bc

YOUNG INTRUDER 1: LLEWYN RUSSEL

book_age18+
7.7K
FOLLOW
34.8K
READ
billionaire
possessive
sex
age gap
independent
confident
CEO
sweet
bxg
office lady
like
intro-logo
Blurb

[SPG/R18]

“You need to clean all the mess that bastard had left in your body,” sabi ni Llewyn at ipinagpatuloy ang ginagawang paghuhubad sa blazer na suot n'ya. Nahulog iyon sa sahig pagkatapos ay agad nitong sinunod na hubarin ang black tube na suot n’ya sa ilalim ng blazer na hinubad nito.

Hindi umiimik si Paprika habang unti-unting hinuhubaran s’ya nito. Nakatitig lang s’ya sa mukha nito na hindi n’ya alam kung iritado pa rin dahil nakakunot pa rin ang noo. He skillfully unhooked her bra and threw it on the floor kaya lumantad sa harapan nito ang kahubdan n’ya. Umangat ang mga kamay n’ya para ipwesto iyon sa leeg nito. Hindi naman ito nagreklamo at ipinagpatuloy lang ang paghuhubad sa kanya. Nang mahubad nito ang skirt n’ya at tanging pang huling saplot na lang ang natitira ay umayos ito ng tayo at hinarap s’ya. She immediately tilted her head to give him a kiss pero umiling ito.

“Erase all his marks on you,” utos nito at pinakatitigan ang mga labi n’ya. Napalunok s’ya at humigpit ang kapit sa batok nito. “You have to do that if you wanna kiss me, Paprika...” mariing at pasupladong sabi nito at saka nag-bend para pangkuin s’ya.

Napalunok s’ya ng sunod-sunod nang walang kahirap hirap na buhatin s’ya nito at nagsimulang humakbang papunta sa direksyon ng banyo.

***

Paprika was never interested in younger men. Kahit isa o dalawang taon lang ang bata sa kanya ay agad s'yang nawawalan ng gana. Buong buhay n'ya ay natuto s'yang tumayo sa sariling mga paa. She doesn't need someone who is dependent. She needs someone she can depend on in life, na alam n’yang hindi n’ya kailanman matatagpuan sa lalaking mas bata sa kanya. Until a certain LLEWYN RUSSEL came into the picture. He was her younger brother's friend who once intruded her room. Isang gabi ay nadatnan n'ya na lang itong nakahiga sa kama n'ya na lasing na lasing at walang suot na kahit na ano!

Nang minsang hiningan nito ng tulong ang kanyang kapatid na makitira sa unit nila ay walang nagawa si Paprika kung hindi ang tumira sa iisang bubong kasama si Llewyn. Pero paano n’yang maiiwasan ang mga panunukso nito kung tahasan nitong ipinapakita ang pagkagusto sa kanya? And to think that Llewyn was ten freaking years younger than her!

chap-preview
Free preview
SIMULA
Halos tumilapon na ang sandals na suot ni Paprika matapos n'ya iyong hubarin para ilagay sa shoe rack sa gilid ng pinto ng unit nila ng nakababatang kapatid na si Pete.   Pagod na pagod kasi s'ya dahil halos mag-uumaga na nang matapos ang pinakahuling round ng team dinner nila. Ewan ba n'ya sa mga kasama n'ya kung bakit nauso pa ang ganoong routine tuwing may team dinner sila. Dati rati naman ay kakain lang sila sa isang mamahaling restaurant o kaya naman ay magrerenta sila ng isang private room at doon magkakainan at mag-iinuman pagkatapos. Ngayon ay mayroon pang 1st round, kung saan kakain sila sa isang fancy restaurant. Pagkatapos nilang kumain ay ang 2nd round kung saan mag-iinuman sila sa isang bar at ang pinakahuli ay magkakayayaang kumain ng mainit na lugaw o kaya naman ay lomi sa mga karinderya sa di kalayuan sa opisina. Halos puro kabataan kasi ang natira sa team n'ya ngayon kaya sanay ang mga ito sa halos magdamagang party. Sa edad n'yang trenta ay hindi naman kasi s'ya nasanay sa ganoong lifestyle. Puro trabaho ang inatupag n'ya mula nang maka-graduate sa kursong Business Administration major in Human Resource.   Nahahapong nilapitan at pinulot n'ya ang sandals at saka ishinoot iyon sa shoe rack bago pumasok sa loob. Napailing s'ya nang magmistulang umaga ang loob ng unit nila dahil sa sobrang liwanag. Mukhang nakaligtaan na namang magpatay ng ilaw ng magaling n'yang kapatid!   “Pasalamat ka't pagod ako. Ligtas ang buhay mo ngayong gabi—madaling araw na pala,” nanliliit ang mga matang sambit pa n'ya habang tinuturo ang pintuan ng kwarto ng kapatid na malamang ay naghihilik pa sa ngayon.   Halos pikit na ang mga mata n'ya nang makapasok sa sariling kwarto. Ni hindi s'ya nag-abalang buksan ang ilaw dahil sa sobrang pagod. Hilong-hilo rin s'ya kahit hindi naman s'ya gaanong nakainom ng alak. Ayaw na ayaw kasi n'ya ang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo at halos lahat ng mga kasamahan n'ya sa trabaho ay smokers, mapababae man o lalake.   Binitawan lang n'ya ang bag kung saan at saka pikit pa rin ang mga matang naghubad ng damit na tanging undies lang ang natira. Mas komportable s'ya sa ganoon. She's used to sleeping almost naked at wala namang kaso iyon sa kanya dahil solong-solo n'ya ang kanyang kwarto.   Nakaramdam s'ya ng sobrang init dala marahil ng nainom na alak. Sanay naman s'yang uminom, occasionally nga lang. At nakaramdam s'ya nang ginhawa nang mahubad n'ya ang kanyang brassiere.   Pa-dive at pikit matang humiga s'ya sa kama na agad ding napadilat nang imbes na malambot na kama ay sa matigas na dibdib at mga bisig nag-landing ang katawan n'ya.   Ungol ng kung sinong lapastangang lalaki ang narinig n'ya bago s'ya nagkukumahog na bumangon mula sa ibabaw nito.   Halos tumalon s'ya papunta sa tabi ng pinto ng kwarto n'ya kung saan naroon ang switch ng ilaw.   Automatic na napatili s'ya nang pagbukas ng ilaw ay mabungaran n'ya ang isang lalakeng hubo't hubad na nakahilata sa kama n'ya!   Kitang-kita n'ya ang pagkunot ng noo nito dahil sa biglaang pagsindi n'ya ng ilaw.   “Turn the lights off, damn it,” rinig n'ya pang usal nito bago tumagilid ng higa na paharap pa sa gawi n'ya. Namilog ang mga mata ni Paprika at halos liparin ang lahat ng pagod n'ya dahil sa nakahaing hubo't hubad na katawan nito sa harapan n'ya.   Hindi s'ya makapaniwalang sumayad ang halos hubo't hubad na katawan n'ya sa kahubdan ng estrangherong lalake!   Mabilis at isa-isa n'yang pinulot ang mga damit n'ya at nagmamadaling isinuot ang mga iyon habang sinisigaw ang pangalan ng kapatid.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook