SIMULA

599 Words
Halos tumilapon na ang sandals na suot ni Paprika matapos n'ya iyong hubarin para ilagay sa shoe rack sa gilid ng pinto ng unit nila ng nakababatang kapatid na si Pete.   Pagod na pagod kasi s'ya dahil halos mag-uumaga na nang matapos ang pinakahuling round ng team dinner nila. Ewan ba n'ya sa mga kasama n'ya kung bakit nauso pa ang ganoong routine tuwing may team dinner sila. Dati rati naman ay kakain lang sila sa isang mamahaling restaurant o kaya naman ay magrerenta sila ng isang private room at doon magkakainan at mag-iinuman pagkatapos. Ngayon ay mayroon pang 1st round, kung saan kakain sila sa isang fancy restaurant. Pagkatapos nilang kumain ay ang 2nd round kung saan mag-iinuman sila sa isang bar at ang pinakahuli ay magkakayayaang kumain ng mainit na lugaw o kaya naman ay lomi sa mga karinderya sa di kalayuan sa opisina. Halos puro kabataan kasi ang natira sa team n'ya ngayon kaya sanay ang mga ito sa halos magdamagang party. Sa edad n'yang trenta ay hindi naman kasi s'ya nasanay sa ganoong lifestyle. Puro trabaho ang inatupag n'ya mula nang maka-graduate sa kursong Business Administration major in Human Resource.   Nahahapong nilapitan at pinulot n'ya ang sandals at saka ishinoot iyon sa shoe rack bago pumasok sa loob. Napailing s'ya nang magmistulang umaga ang loob ng unit nila dahil sa sobrang liwanag. Mukhang nakaligtaan na namang magpatay ng ilaw ng magaling n'yang kapatid!   “Pasalamat ka't pagod ako. Ligtas ang buhay mo ngayong gabi—madaling araw na pala,” nanliliit ang mga matang sambit pa n'ya habang tinuturo ang pintuan ng kwarto ng kapatid na malamang ay naghihilik pa sa ngayon.   Halos pikit na ang mga mata n'ya nang makapasok sa sariling kwarto. Ni hindi s'ya nag-abalang buksan ang ilaw dahil sa sobrang pagod. Hilong-hilo rin s'ya kahit hindi naman s'ya gaanong nakainom ng alak. Ayaw na ayaw kasi n'ya ang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo at halos lahat ng mga kasamahan n'ya sa trabaho ay smokers, mapababae man o lalake.   Binitawan lang n'ya ang bag kung saan at saka pikit pa rin ang mga matang naghubad ng damit na tanging undies lang ang natira. Mas komportable s'ya sa ganoon. She's used to sleeping almost naked at wala namang kaso iyon sa kanya dahil solong-solo n'ya ang kanyang kwarto.   Nakaramdam s'ya ng sobrang init dala marahil ng nainom na alak. Sanay naman s'yang uminom, occasionally nga lang. At nakaramdam s'ya nang ginhawa nang mahubad n'ya ang kanyang brassiere.   Pa-dive at pikit matang humiga s'ya sa kama na agad ding napadilat nang imbes na malambot na kama ay sa matigas na dibdib at mga bisig nag-landing ang katawan n'ya.   Ungol ng kung sinong lapastangang lalaki ang narinig n'ya bago s'ya nagkukumahog na bumangon mula sa ibabaw nito.   Halos tumalon s'ya papunta sa tabi ng pinto ng kwarto n'ya kung saan naroon ang switch ng ilaw.   Automatic na napatili s'ya nang pagbukas ng ilaw ay mabungaran n'ya ang isang lalakeng hubo't hubad na nakahilata sa kama n'ya!   Kitang-kita n'ya ang pagkunot ng noo nito dahil sa biglaang pagsindi n'ya ng ilaw.   “Turn the lights off, damn it,” rinig n'ya pang usal nito bago tumagilid ng higa na paharap pa sa gawi n'ya. Namilog ang mga mata ni Paprika at halos liparin ang lahat ng pagod n'ya dahil sa nakahaing hubo't hubad na katawan nito sa harapan n'ya.   Hindi s'ya makapaniwalang sumayad ang halos hubo't hubad na katawan n'ya sa kahubdan ng estrangherong lalake!   Mabilis at isa-isa n'yang pinulot ang mga damit n'ya at nagmamadaling isinuot ang mga iyon habang sinisigaw ang pangalan ng kapatid.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD