LLEWYN

1418 Words
Nagtatakang napatingin si Paprika sa mga nakahaing pagkain sa hapag isang umaga bago s'ya pumasok sa opisina. Nakatalikod ang kapatid n'yang si Pete na mukhang busy sa kung anong ginagawa nito sa sink. Wala itong damit pang-itaas at tanging apron lang ang nakasabit sa katawan ngunit napansin n'yang nakasuot na ito ng slacks na itim na s'yang uniporme nito sa eskwelahan. Pete is graduating this year and taking up Information Technology. Bente anyos na ito na halos sampung taon ang bata sa kanya.   At sa benteng taon na nabubuhay ito ay ngayon lang n'ya ito nakitang nagluto ng kahit na ano. Sa pagluluto lang naman dahil halos lahat ng gawain sa bahay ay naasahan n'ya ito. Ulila na silang lubos mula nang mamatay sa isang plane crash ang kanilang mga magulang. She was nineteen back then and Pete just turned nine. Mula noon ay wala na s'yang inintindi na kahit na ano, kahit pansarili n'yang kagustuhan ay naisantabi n'ya para lang maka-survived silang magkapatid. Malalayo ang loob ng mga kamag anak nila sa kanila dahil bukod sa kinakainggitan ng mga ito ang pamilya nila ay kung ano-ano pang mga hinanakit ang mayroon ang mga ito sa kanyang ama na kesyo ito lang daw ang pinag-aral dahil ito lang daw ang matalino. Ang Mommy n'ya ay lumaki sa ampunan at nagsariling sikap lang din sa buhay bago nito nakilala ang kanyang Daddy.   Nang mamatay ang mga magulang n'ya ay halos buligligin sila ng mga kapatid ng Daddy n'ya. Ang ilang properties nito ay kinuha ng mga ito at ibinenta. Ultimo bahay nila ay isinanla ng mga ito ng walang paalam. Nalaman na lang nilang magkapatid na nakasanla na ang titulo ng bahay sa bangko nang isang araw ay mayroong pumunta doon na mga tauhan ng bangko at kuhanin ang ilan sa mga kagamitan nila.   Halos wala silang nahita sa mga properties ng Daddy n'ya at tanging pension lamang nito ang nakukuha nila kada buwan. Ang perang naiwan ng Mommy n'ya ang ginamit nilang magkapatid para makabili ng unit na s'yang tinitirhan nila ngayon. Laking pasalamat na lang n'ya dahil isang taon na lang noon ay makakagraduate na s'ya ng college. Ginugol n'ya ang natirang pera ng Mommy n'ya sa pag-aaral nilang magkapatid at sa pang-araw araw na gastusin. Swerte pa s'yang matatawag dahil nang magkaroon ng job fair ang Russel-Davis Pharmaceutical sa school nila ay swerteng natanggap kaagad s'ya doon at nakapagsimulang magtrabaho agad pagkatapos magkaroon ng diploma. Ngayon ay magsasampung taon na s'ya sa kompanyang iyon bilang isang Head ng Human Resource.   “Magugunaw na ba ang mundo, Pete?” nakataas ang kilay na bulalas n'ya. Agad namang humarap si Pete sa kanya na may hawak-hawak pang mansanas sa kamay na s'yang kasalukuyang binabalatan nito. Lalong umarko ang kilay n'ya nang ngumiti ito ng sobrang tamis pagkakita sa kanya.   “Gising na pala ang napakaganda kong Ate!” halata ang pambobola sa boses nito nang ibaba nito ang hinihiwang mansanas at lumapit sa kanya at yumakap. Halos umikot ang mga mata n'ya. Alam na n'ya ang dahilan kung bakit nagsisipag ang kapatid.   “Don't tell me, magpapabili ka ng bagong laptop? Aba, Pete, alalahanin mo—”   “Hep!” pigil agad nito sa sinasabi n'ya na halos takpan pa ang bibig n'ya. “Bagong bago pa ang laptop ko. At ilang taon pa ang aabutin dahil pinili mo ang pinakamatibay na brand dahil sa kakuriputan mo. Ayaw mo kasi ng gamit na sirain kasi magagastusan ka kapag nagpagawa—” tumigil ito nang nakitang nanliit ang mga mata n'ya.   “What is it, then?” nakahalukipkip na tanong ko at namilog ang mata nang may maisip. “Don't tell me sasakyan ang gusto mong ipabili?! Naku naman, Pete, ilang beses ko ng sinabi sa'yo—”   Natigil s'ya sa litanya nang makita n'ya ang pag-iling nito habang nakasimangot. Nanliit ang mga mata n'ya at inabot ang ulo nito at pinalo.   “Ate naman, e! Isang oras kong inayos 'tong buhok ko,” reklamo nito. Tumaas ang kilay n'ya.   “Eh ano nga kasi'ng kailangan mo, aber? Ang hilig mong mambitin, gusto mo pang nasasaktan bago ka magsalita!” nakairap na sabi n'ya. Hinilot nito ang ulo na binatukan n'ya bago ito dumukot sa bulsa at atubiling iniabot iyon sa kanya.   Nakaismid na kinuha n'ya ang inabot nitong mga class cards at halos mapabilis ang pagbuklat n'ya nang makitang wala manlang sa average ang mga grades nito sa unang semester. Takang taka s'ya nang muling mag-angat ng tingin sa kapatid na ngayon ay nakayuko at mukhang inaabangan ang sermon n'ya. Pero imbes na galit ay mas lumamang ang pag-aalala n'ya para rito.   Alam n'yang hindi ganoon katalino ang kapatid pero hindi rin naman ito mahina sa eskwelahan lalo na at masikap ito sa pagpasok sa araw-araw. Labis n'yang ipinagtaka ang kababaan ng mga marka nito dahil masyado na yatang mababa iyon kumpara sa mga nagdaang taon nito sa kolehiyo.   “Ano'ng klaseng marka ang mga ito, Pete? Pumapasok ka ba talaga o kung saan saan ka lang nagbubulakbol?” may pagtitimpi pa rin sa boses na tanong n'ya. Hindi n'ya na naman maiwasang mainis nang maalala ang isang taong posibleng dahilan ng pagbagsak ng grado ng kanyang kapatid.   “S-sorry, Ate. Nahirapan lang kasi akong mag-focus sa mga subjects ko ngayon—”   “Ang sabihin mo, puro barkada kasi ang inaatupag mo!” gigil na sermon n'ya.   “Ayan ka na naman, Ate. Sabi ko na ngang walang kinalaman si Llewyn sa pagbagsak ng mga grades ko. In fact—”   Ikinumpas n'ya ang kamay sa hangin para patigilin ito sa pagpapaliwanag. Malinaw na malinaw pa rin sa isip n'ya ang nangyari nang una n'yang makilala ang Llewyn na 'yon. That very night, she knew right away that he won't be a good acquaintance to Pete. Noong gabi na sa sobrang kalasingan nito ay doon na ito nakatulog sa kama n'ya at hindi lang basta natulog, kundi hubo't hubad na natulog sa kama n'ya! Ipinilig n'ya ang ulo nang maalala n'ya ang eksaktong itsura nito noong gabing iyon. Hindi n'ya hahayaang magkaroon ng ganoong klaseng kaibigan ng kapatid n'ya. Mga walang disiplinang mga kabataan!   “Will you stop defending that guy, Pete? Kahit anong sabihin mo ay ayaw ko pa rin na nakikipaglapit ka sa lalakeng 'yon. Naiitindihan mo?” pinal at ma-awtoridad na sabi n'ya. Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa kanya. Nanliit ang mga mata n'ya at na-meywang sa harapa nito.   “You'll avoid him or else, I'll cut your allowance!” sabi n'ya at sinulyapan ang pagkaing hinanda nito. “Ikaw na lang ang kumain n'yan. I lost my appetite,” parinig n'ya at saka tuluyan nang lumabas ng kanilang unit para pumasok sa opisina.   Nagngingitngit pa rin ang loob n'ya sa tuwing maaalala ang kaibigang iyon ng kapatid n'ya. Nag-aaral pa lang ito ay sa ibang bahay na naaabutan ng kalasingan. Nakaramdam s'ya ng inis sa magulang nito na posibleng walang pakialam sa ginagawa ng anak. Weren't they aware that their son is already sleeping in someone else's room at such a young age? Muli ay hindi n'ya maiwasang makita sa balintataw ang itsura ng Llewyn na 'yon. He was about an inch taller than Pete. Matangkad nang hamak ang kapatid n'ya sa kanya. She was 5 feet and four inches tall and Pete was 5 feet and 9 inches. Sa unang tingin ay hindi ito mapagkakamalang ka-edad ng kapatid n'ya. Kaya gulat na gulat s'ya nang sabihin ng kapatid n'ya na nasa parehong year ang mga ito. His foreign features was also very evident in his creamy white complexion and a pair of deepset brown eyes. Halos wala ngang ipinagkaiba ang itsura nito sa mga Boss n'ya sa opisina na karamihan ay mga British.   “RD Pharma lang, Manong,” sabi n'ya sa driver ng taxi na pinara n'ya para sakyan papasok sa opisina. Medyo late na kasi s'yang nagising at napahaba pa ang sermon kay Pete kaya imbes na sa subway ay magta-taxi na s'ya pagpasok ngayon.   Hindi pa nakakalayo ang taxi'ng sinasakyan n'ya ay namataan n'ya sa di kalayuan sa building ng unit nila ang lalakeng laman lang ng isip n'ya kani-kanina lang!   Kitang-kita n'ya ang pagsampal dito ng isang babaeng kapareho nito ng uniporme.   Aba't mukhang hindi lang pala basagulero kundi ay babaero rin! Sigaw ng isip n'ya habang nanggigigil na nag-type ng mensahe para i-send iyon kay Pete.   Subukan lang talaga n'yang bumarkada pa sa Llewyn na 'yon at hindi ko na s'ya pag-aaralin! Anang isip n'ya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD