BATA

1769 Words
“What do you think of this new Marketing plan, Rika?”   Hindi nakatingin at walang kangiti-ngiting tanong kay Paprika ng isa sa mga Directors ng RD Pharma matapos n'yang iabot dito ang portfolio ng bagong Marketing plan para sa kaka-launched lang na produkto nila. Unfortunately, the current marketing plan of the product wasn't doing good. Mas mababa pa sa average expected sales para sa bagong launched na product ang nakuha nila sa pangalawang buwan nito sa market.   Kakapasok n'ya lang sa opisina nang umagang iyon nang sabihan s'ya ni Monette, isang clerk sa department n'ya, na tumuloy kaagad sa opisina nito. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang paalala nito na mukhang wala daw sa mood ang Boss nila. Dr. Jarvis Russel was the current chief director of HR team. He was the youngest son of Mr. Lawrence Russel, na s'yang co-founder ng RD Pharmaceutical. Technically, isa ito sa mga pagpipilian para pumalit sa posisyon ng ama balang araw.   Jarvis was considered as one of the youngest and one of the most sought-after bachelor in his generation. At the age of thirty-five, marami na itong naging achievements sa original field nito which is Medicine. Jarvis is a neurologist by profession and an artist by heart. He was also a painter at karamihan sa mga pinipinta nito ay nagkalat sa mga exhibits hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa Germany kung saan ito ipinanganak. He was an achiever at such a young age kaya hindi rin malayo na kahit saan ito mapunta ay pinagpapantasyahan ito ng mga kababaihan at kinaiinggitan ng mga kabaro nito. Aminado si Paprika na kahit s'ya ay isa rin sa mga nahuhumaling dito. Hindi lang dahil likas na mahilig s'ya sa mga matured na lalake kundi ay malakas talaga ang karisma nito lalo na kapag ngumingiti.   “Mukhang mas concrete po ang proposal na 'yan kumpara doon sa nauna. And I like that they used a fresh strategy to highlight the product. Recommended din po `yan ng head ng Marketing team. So, there's a high possibility of success in this project,”   Nakita n'yang tumango-tango ito at napahilot sa mga pinong balbas nito at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin n'ya ang paghagod nito ng tingin sa kabuuan n'ya. Muntik na s'yang panginigan ng tuhod dahil sa simpleng gawi nito!   “Alright,” sabi nito at pinirmahan ang proposal at saka iniabot iyon sa kanya. “You may go now. And please tell Frezel to come here,” tukoy nito sa sekretarya. Tumango lang s'ya at napaalam na rito pero bago s'ya makalabas ng opisina nito ay tinawag ulit s'ya ni Jarvis.   “Sir?” gulat na tanong n'ya nang tanungin s'ya nito kung may lakad s'ya mamayang gabi. Ilang beses s'yang lumunok dahil sa pagkabigla.   “If you are free tonight, I would like to invite you to my bestfriend's art gallery. Opening din iyon ng coffeehouse n'ya and I have given him one of my precious works. Kung gusto mo lang naman makita,” paliwanag nito. Kung hindi lang siguro pormal na pormal ang itsura nito habang sinasabi iyon ay baka kinilig na s'ya dahil sa sudden invitation nito. Sasagot na sana s'ya pero biglang may idinagdag pa ito na lalong nagpalipad sa kilig na nararamdaman n'ya.   “You can invite your team or if you have close friends, pwede mo rin silang isama. Don't worry about the food coz that's on the house,” pormal pa rin na sabi nito. Ngumiti s'ya at hindi n'ya alam kung nagmukhang ngiti ba `yon. Kulang na lang ay tanungin s'ya nito kung open minded ba s'ya. Halos batukan n'ya ang sarili dahil sa kalokohang naisip.   “Sige, Sir. Saan po ba 'yang coffeehouse ng bestfriend n'yo? I'll try to invite as many as I can,” labas sa ilong na sabi n'ya. Ngumuso ito at nangislap ang mga mata nang muling tiningnan s'ya. At parang naging abnormal ang t***k ng puso n'ya nang muling magsalita ito.   “Next time, I'll invite you alone,” hindi gaanong malakas na sabi nito at nag-iwas ng tingin sa kanya. Para s'yang mahihibang nang makita n'ya itong kinagat ang ibabang labi na para bang isang teenager na nag-yayang makipag-date sa unang pagkakataon! Halos mabali ang leeg n'ya sa sunod-sunod na pagtango bago tuluyang lumabas ng opisina nito.   Halos magtitili s'ya sa kilig nang nasa labas na s'ya ng opisina nito. Napasandal pa s'ya sa pinto at ngiting-ngiti na pumikit na tila nagde-daydream. Natigil lang s'ya nang may tumikhim sa harapan n'ya. Magkasalubong na kilay ni Frezel, ang sekretarya nito, ang nabungaran n'ya. Umayos kaagad s'ya ng tayo at sinabi ang bilin ni Jarvis dito at parang walang nangyaring nilampasan agad ito. Narinig pa n'ya ang pigil na bungisngis ni Frezel na paniguradong nakita ang kagagahan n'ya sa harapan ng opisina ng Boss nila. Isa rin kasi ito sa mga tahasang pumapantasya kay Jarvis at maraming kababaihan ang gustong pumalit sa pwesto nito. Kung ganito ba naman ka-gwapo at ka-hot ang mabubungaran n'ya araw-araw, hindi ba't instant inspirasyon na iyon para bumangon s'ya araw-araw?   “Art exhibit? Hindi ba boring `yon?” lukot ang ilong na komento ni Monette nang sabihin n'ya ang paanyaya ni Jarvis sa mga ito. “Ito nama'ng si Sir Jarvz, may restobar naman sila bakit naman sa exhibit pa naisipang magyaya!” dagdag pa nito habang tinatamad na napasandal sa swivel chair. Isa itong si Monette sa mga ka-close n'ya sa team. Bente sais pa lang ito at ang boyfriend ay anim na taon ang bata dito na nagkataong schoolmate pa ng kapatid n'yang si Pete.   “For the sake of free coffee, sasama ako,” komento naman ni Jona na naghihikab habang inaabot ang tumbler nito na paniguradong may laman na namang cappuccino na s'yang paborito nitong binibili sa cafeteria sa baba. Humarap ito sa kanya at biglang nagliwanag ang mukha. “Pwede bang isama si Albert, Madame? Malapit lang kasi ang office n'ya don sa coffeehouse. Baka naman pwede para instant date na rin,” ngiting-ngiting hirit nito. Napailing-iling s'ya. Katulad ni Monette ay mas bata rin dito ang nobyo nito. Jona was twenty nine while her boyfriend was twenty five. Hindi n'ya talaga maintindihan ang preferences ng mga ito pagdating sa mga lalake. Kahit kailan ay hindi s'ya nagkaroon ng interes sa mga lalakeng mas bata ang edad sa kanya. Lalo pang tumindi iyon nang maranasan n'yang palakihin ang nakababatang kapatid na si Pete. Oo nga at masarap sa pakiramdam ang mayroong gumagalang sa kanya at parang nakakadagdag sa self confidence n'ya kapag mayroong nagiging dependent sa kanya pero hanggang sa kapatid n'ya lang siguro magagawa `yon. Kung ang susunod na magiging nobyo n'ya ay kasing dependent at pasaway ng kapatid n'ya, parang mas gugustuhin na lamang n'yang magpakatandang dalaga at mag-alaga na lang ng aso o pusa.   Ayaw na n'ya ng dagdag na kunsomisyon at sakit ng ulo. She wanted to have someone whom she can rely with. Iyong mas matured sa kanya at hindi iyong mas bata na paniguradong hindi n'ya mapipigilang alagaan kapag nagkataon. She was emotionally tired of babysitting someone.   “Ay madaya! Magsasama ng d'yowa. Tayo-tayo na lang, ano ka ba? Baka ma-OP na naman si Madame at abandonahin pa tayo don. Baka hindi pa tayo makalibre ng foods sige!” kontra ni Monette sa sinabi ng huli.   “Sabagay may point ka rin. Pero, Madame, sigurado ka bang ayaw mo `yong ka-trabaho ni Albert? Sobrang gwapo at paniguradong matino dahil devoted sa church. Ano, Madame? Game ka na?” pangungumbinsi pa ni Jona sa kanya. Umasim ang mukha n'ya nang maalala ang pagiging clingy nito kahit sa chat pa lang sila nagkakilala. Bente singko anyos na ito pero daig pa ang kanyang kapatid kung magpa-baby! Kinikilabutan s'ya kapag naaalala ang mga chat nito.   “Pass sa bata,” nakangiwing sabi n'ya na tinawanan naman ni Monette.   “Bakit ba sobrang allergic ka sa mga bata, Madame? Baka hindi mo alam mas masarap magmahal ang baggets at masarap din sa...” sinadya nitong bitinin ang sinasabi habang kumakagat labi pa! Bumungisngis ito na sinabayan naman ni Jona. Pinanliitan lang n'ya ng mga mata ang mga ito at napaharap sa isang utility nila nang may sabihin ito.   “May kailangan ka, Bart?” tanong n'ya nang mamukhaan ito. As an HR head, parang nasanay na ang utak n'yang kumabisa ng mga mukha at pangalan ng mga empleyado nila.   “Ah, nand'yan po ang guardian ni Ma'am Daniella. May sasabihin lang daw po sa'yo, Madame,” sabi nito. Si Daniella ay isa sa mga ka-team n'ya. Matanda ito ng halos limang taon sa kanya. Tinanguan n'ya si Bart at pinasabing maghintay ito at bababa na s'ya.   Nilinga n'ya ang paligid at nakitang wala nga doon si Daniella. Chineck n'ya ang phone n'ya para makita kung may text ito pero wala. That's weird dahil hindi nakakaligtaan ng mga ka-team n'ya na magsabi sa kanya kapag aabsent ng biglaan ang mga ito. Binalik n'ya ang phone sa bulsa ng blazer na suot at saka naglakad para babain ang guardian nito. Ang alam n'ya ay single Mom si Daniella kaya malamang ay ang anak nito ang pinapunta nito para personal na sabihing hindi ito makakapasok.   Nilinga n'ya ang paligid nang sa wakas ay makarating sa lobby. Nasa pangatlo at pinakahuling palapag ang department n'ya at out of order ang elevator kay medyo natagalan s'ya sa pagbaba.   Namataan naman kaagad n'ya ang isang binata na nakaupo sa waiting area. Inayos n'ya ang sarili bago nilapitan ito.   “Hi! Ikaw ba `yong guardian ni Dani? You must be her son. I'm Paprika Ramirez, her department head,” pormal na pakilala n'ya dito. Nagtaka s'ya nang imbes na ngumiti pabalik ay kumunot ang noo nito habang nakatingin ng diretso sa kanya.   “Do I look like her son?” medyo iritadong tanong nito. Napamaang naman s'ya. Alangan namang Tatay ka n'ya? Hirit ng pilya n'yang utak. Tumaas ang kilay n'ya at tumikhim. Mukhang kaedaran pa yata ito ng kapatid n'yang si Pete. Ibubuka na sana n'ya ang bibig para magtanong kung sino ito pero nauhan na s'ya nito.   “I'm Daniella's boyfriend, if that would satisfy your curiosity,” preskong sabi nito at saka may iniabot na papel sa kamay n'ya. Nang tignan n'ya iyon nabasa n'ya ang pangalan nito sa calling card. “Please do call me if she comes here. I am not the type who would run from my responsibilities,” sabi nito at saka pormal na nagpasalamat bago tuluyang tinalikuran s'ya. Laglag ang pangang pinanood n'ya ang likod nito hanggang sa mawala na ito sa paningin n'ya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD