THE GUY

1322 Words
Pagod na pagod si Paprika nang gabing iyon matapos nilang mag-attend sa opening ng coffeehouse ng bestfriend ng Boss nila na si Jarvis Russel. Tama nga ang sinabi ni Monette na hindi ganoon kasaya ang mga ganoong events. O likas lang talaga sa kanila ng mga kaibigan n'ya ang hindi pagkahilig sa mga arts!   Sa totoo lang ay hindi n'ya nga alam kung paanong magrereact kanina nang ipakita sa kanya ni Jarvis ang sinasabi nitong precious works na niregalo nito para sa bagong coffeehouse ng bestfriend nitong si Radleigh Davis. Pagkarinig sa pangalan nito ay akala n'ya ay nakaligtaan na n'ya ang isa sa mga kamag-anak ng Presidente ng kompanya nila. Natawa si Jarvis sa gulat na reaksyon n'ya kaya agad naman nitong ipinaliwanag na bagaman Davis ang apilyido ni Radleigh ay hindi naman ito related sa mga Boss nila. Nakahinga naman s'ya ng maluwag dahil doon dahil magmumukha s'yang kahiya-hiya kung hindi n'ya ito nakilala. Pero nakaramdam s'ya ng kilig dahil ekslusibo s'ya nitong ipinakilala kay Radleigh. Bigla na lang kasi itong nagtawag kanina habang kumakain sila nina Monette at Jona at hindi nito pinasama ang dalawa. She was touched and felt special for a while. Oo, sandali lang talaga iyon dahil pagkatapos s'yang ipakilala nito ay hindi na n'ya ito nakita pa hanggang sa matapos silang mag-ikot sa katabing art gallery ng coffeehouse na iyon.   Handa na sana s'yang matulog nang maalala n'ya ang kasamahang si Daniella at ang lalaking nakausap n'ya kaninang umaga na di umano ay nobyo nito. Napakamot s'ya sa kilay nang maalala ang itsura nito. Tipikal na gwapo ang lalaki at halata sa ekspresyon nito ang pagiging arogante. Mukhang isa ang lalaking ‘yon sa iilang populasyon ng mga kalalakihan sa mundo na sobrang mahal ang ngiti. At sa tantya n'ya ay bata itong hamak sa kanya pero hindi rin n'ya itatangging na-intimidate s'ya nang nakaharap na n'ya ito kanina.   Sinubukan n'yang i-dial ang number ni Daniella pero naka-off ang phone nito. Napabangon s'ya nang maalala ang calling card ng nobyo daw nito at hindi na nagdalawang isip na tawagan ang lalaki.   Nakadalawang ring lang ay sinagot na kaagad nito ang tawag n’ya. Nagulat pa s'ya nang matapos n'yang magpakilala dito ay agad na ipinasa nito ang telepono kay Daniella. Tumaas ang kilay n’ya. Mukhang totoo ngang nobyo iyon ng kaibigan n’ya dahil gabing-gabi na ay magkasama pa rin ang mga ito.   “R-rika,” medyo mahinang tawag nito sa kabilang linya. She was older than her kaya naman kahit na head s'ya nito sa trabaho ay s'ya mismo ang nag-suggest sa first name basis na tawagan nila.   “Are you okay, Dani?” tanong kaagad n'ya dito. Natahimik ito saglit at saka bumuntonghininga.   “I-I'm fine, Rika. I'm so sorry for leaving without notice. Sa lunes ay papasok na ako. Kailangan talaga kitang makausap,” sabi nito. Gusto sana n'yang itanong kung tungkol saan pero hinayaan na lang n'ya ito dahil mukhang desidido na itong hindi pa ipaalam sa kanya ngayon ang gusto nitong sabihin.   “Good to hear that you're doing fine. I was kinda worried. See you on Monday, then?” sabi n'ya at agad din namang nagpaalam ito matapos mag-apologized ulit sa kanya.   Ibinalik n'ya ang phone sa bedside table at agad din na hinila ng antok dahil sa pagod sa buong maghapon.   Inaantok pa si Paprika nang magising kinabukasan. Sabado at plano n'ya sana talagang mag-jogging pero masyadong mataas na ang araw sa labas nang magising s'ya.   Nag-stretching s'ya habang nakapikit pa ang dalawang mata matapos bumangon sa kama. Hinihilot hilot n'ya ang medyo nananakit na batok nang nagpasyang lumabas sa kwarto. Half open pa ang kanyang mga mata at lulugo lugo pa nang may maamoy s'yang mukhang masarap sa kusina. Napapikit pa s'ya habang sinasamyo ang aroma ng kapeng mukhang kakatimpla lamang ng kanyang kapatid na si Pete.   Agad na namataan n'ya itong nakatalikod sa sink at as usual ay nakasuot na naman ito ng apron pero ngayon ay may suot na itong sandong puti sa ilalim ng apron. Napangisi s'ya at dahan dahang nag-tiptoe para lapitan ito ng di nito namamalayan at saka malambing na niyakap ito mula sa likuran. Naramdaman n'yang bahagyang natigilan ang kanyang kapatid dahil sa ginawa n’ya at bahagya pa ngang nanigas dahil sa biglaang pagyakap n'ya dito. Pero gano’n pa man ay hindi manlang ito umimik. Mukhang hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ito sa kanya dahil sa mga sinabi n’ya noong nakaraan. Nakapikit na idinikit n'ya ang pisngi sa malapad na likod nito.   “Sorry na, Pete. Wag ka ng magtampo kay Ate, ha?” malambing na sabi n'ya at hinigpitan pa ang pagkakayakap dito mula sa likuran. Hindi pa rin ito umimik kaya nagpatuloy s'ya sa pagsasalita.   Mula nang masabihan n'ya ito na layuan ang Llewyn na iyon ay halos tahimik ito buong linggo. Medyo na-guilty rin naman s'ya sa hindi pagkain sa niluto nito. Mukhang nag-effort pa naman ang kapatid n'ya para ipagluto s'ya nang umagang iyon pero imbes na kainin n'ya ang niluto nito ay sinermonan n'ya pa ito.   “You know that I care so much about you, right? Ayaw lang ni Ate na mapariwara ang buhay mo sa kakasama sa Llewyn na ‘yon. Walang mangyayaring mabuti sa iyo sa paglapit lapit mo sa lalaking ‘yon. Matututo ka lang maglasing at makitulog sa ibang bahay na errr.. hubo't hubad?” napangiwi na naman s'ya nang maalala ang gabing iyon kung saan una at huling beses n’yang nakaharap ang kaibigan nito.   Hindi pa rin nagsalita si Pete kaya nagpatuloy pa s'ya sa pagsasalita. Alam n’yang hindi rin magtatagal ay maiisip din ng kapatid n’yang para rin sa kapakanan nito ang mga babala at mga sinasabi n’ya. Kaya kahit na hindi ito nagsasalita at hindi sang-ayon sa mga sinasabi n’ya ay nagpatuloy pa rin s’ya sa pagsasalita at pagpapa intindi dito kung ano ang ipinupunto n’ya. Mukhang nakikinig naman ang kapatid n’ya sa mga sinasabi n'ya kaya okay na iyon sa kanya.   “Alam mo bang noong nakaraan ay nakita ko ang Llewyn na ‘yon na sinampal ng girlfriend n'ya d'yan sa labasan? Naku, Pete! Baka matuto ka ring mambabae dahil sa kakalapit mo doon. Gwapo ka pa naman at marami ring may crush sa iyo pero ayoko ‘yong gagamitin mong advantage ‘yang itsura mo para manloko ng mga babae ha? Alalahanin mong digital ang karma at hindi lang sa iyo ‘yon pwedeng tumama! Paano na lang kung tamaan din ako ng karma mo? Baka hindi na ako makapag-asawa—”    “Ate?” sa wakas ay nagsalita na rin ito. Napangiti s'ya habang nakapikit pa rin at nakayakap sa likuran nito.   “Hmmm? Naiintindihan mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba, Pete—”    “Ate!” muling tawag nito na medyo napalakas. Nangunot ang noo n'ya nang maulinigan ang boses nito sa likuran n'ya.   “Ate, ano'ng ginagawa mo sa kaibigan ko?!” tanong pa nito na nagpadilat ng mabilis sa mga mata n'ya.     Nabungaran kaagad n'ya sa gilid n'ya si Pete na takang taka na nakatingin sa kanya. Halos manigas s'ya sa kinatatayuan nang ma-realized na nasa harapan n'ya ang kapatid at s'ya ay nakayakap sa kung sino!   Agad na napabitaw s'ya ng yakap at saka patiling lumipat sa gawi ni Pete at agad na kumapit sa braso nito.   “Pete?! A-anong ginagawa mo dito sa gilid ko?!” tuliro n'yang tanong.    Isang buntonghininga ang narinig n'ya mula sa lalaking kanina lang ay yakap yakap n'ya ng mahigpit at pinapangaralan ng kung anu-ano!   Nang humarap ito ay tumambad sa harapan n'ya ang lalaking laman ng balintataw n'ya sa tuwing sesermonan n'ya ang kapatid!   Ang lalaking isang gabi ay nadatnan n’ya na lang sa kwarto n'ya ng lasing at hubo't hubad na nakatulog sa kama n’ya!   The guy who was basically the very first to feel and touched her whole body! Kahit na hindi s'ya sigurado kung natatandaan pa nito ‘yon!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD