HELP

2054 Words
“I-ikaw?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Paprika habang tinuturo turo si Llewyn na ngayon ay nakahalukipkip sa harapan n'ya. Sa suot nitong sandong puti ay exposed na exposed ang malalapad na balikat nito. Kitang kita rin n'ya ang matikas at halatang matigas na mga braso nito lalo na nang hubarin nito ang apron na suot. Hindi s'ya makapaniwalang niyakap yakap n'ya ang lalaking lapastangan at malakas ang loob na mahiga ng nakahubad sa kama n'ya! At kita mo nga naman! Ang lakas lang din talaga ng loob nito na magpakita pa sa kanya matapos nitong gawin ‘yon! Ha! Halos mapaismid s’ya dahil doon.   “Ate—”    “Ano'ng ginagawa mo dito?" nanliliit ang mga matang tanong n'ya kay Llewyn pagkatapos ay binalingan kaagad ang kapatid. “At ikaw! Hindi ka ba talaga makikinig sa mga pangaral ko sa'yo, Pete?! Gusto mo ba talagang tuluyang mawalan ng allowance bago ka makinig sa akin, huh?” hamon n'ya dito.   Dati rati naman ay mabilis lang na pagsabihan ito. Pero simula nang makilala nito ang Llewyn na ‘yan ay tumigas na ang ulo ng kanyang kapatid.   “Don't you think it's unreasonable to cut his allowance just because he doesn’t want to listen to your verdicts? Besides, I am just here to help him. I don’t see anything wrong with that,” preskong sagot ni Llewyn sa kanya kaya lalong umangat ang pagkadisgusto n’ya dito. Kung makapagsalita rin ito ay parang hindi sampung taon ang tanda n'ya dito. Aba't hindi lang pala bulakbol, wala rin pala itong manners! Lalong nag-init ang ulo n’ya matapos marinig ang dahilan nito.   “Hoy, bata!” nakataas ang kilay at pigil ang inis na sabi n'ya at tinuro ito. Kitang-kita n'ya ang pagsalubong ng malalagong mga kilay nito dahil sa paraan ng pagtawag n'ya dito. Maano bang magalit ito sa kanya? Eh totoo naman talagang hamak ang bata nito sa kanya. And she wanted him to see how huge their age gap for him to start being conscious with his words! “Wag mo akong kukwestyunin sa kung ano ang gusto kong gawin sa allowance ng kapatid ko dahil ako naman ang nagpapaaral d'yan!” nanggigigil n’yang bulalas dito. “At isa pa, hindi kailangan ni Pete ng kahit na anong tulong lalo na kung galing sa'yo. Kaya kung pwede lang ay makakaalis ka na!” Mahabang litanya n'ya sabay taboy dito. At ang walang galang na lalaki ay mukhang hindi man lang nasindak sa kanya! Sa halip na sundin ang sinabi n’ya ay lalo lang itong humalukipkip at itinagilid ang ulo at tiningnan s'ya ng nakakaloko. Napasinghap s'ya at agad na pinukol ito ng matatalim na tingin.   “How sure are you that your brother doesn't need my help?” puno ng kompiyansang tanong nito na hindi bumibitaw ng titig sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin n'ya ang pasimpleng paghagod nito ng tingin sa kabuuan n'ya pagkatapos ay ang pasimpleng pagdila nito sa ibabang labi. Tumaas ang kilay n'ya at tumawa ng nakakaloko habang sinasalubong ang nanunuot na titig nito sa kanya.   “Itigil mo nga ‘yang kaka-ilusyon mong kailangan ng kapatid ko ng tulong mo! Ako ang Ate n’ya at ako ang mismong gagawa ng paraan para matulungan s'ya. Basta hindi lang sa'yo manggagaling ang tulong ay papayag akong magpatulong s'ya! Inuulit ko, makakaalis ka na,” muling pagtataboy n’ya dito sabay turo sa pintuan ng unit nila.   Ni hindi man lang gumalaw si Llewyn sa kinatatayuan nito at hindi s'ya pwedeng magkamali dahil kitang kita n'ya ang ngising namutawi sa mapupulang mga labi nito. Halos mapapikit s’ya sa inis. Nagsisimula na ring kumulo ang dugo n'ya dahil sa kaarogantehan ng kaharap!   Kung makaasta talaga ito ay parang kaedaran lang nito ang kaharap. Ni gumamit ng po at opo ay hindi nito magawa sa kanya! Kulang na lang ay ipagtulakan na n’ya n’ya ito palabas sa unit nila dahil sa sobrang pagkapikon n’ya dito lalo pa nang ibuka nito ang labi at muling magsalita.   “You don't even know anything,” sarkastiko at mahinang sabi pa nito pero dinig na dinig n'ya! Tuluyan ng naputol ang pisi ng pasensya na kanina n'ya pinipigilang maputol at agad na sinugod ito.   “How dare you—” palapit na sana s'ya para bigyan ito ng matunog na sampal sa pisngi pero napigilan kaagad ni Pete ang kamay n'ya. “Bitawan mo ako, Pete!” banta n'ya dito habang pinupukol ito ng matalim na tingin.   “Tama na, Ate—”   “Bitiwan mo sabi ako! Hindi mo ba narinig ang sinabi n'yan? Ano'ng karapatan n'yang kwestyonin ako at palabasing wala akong alam tungkol sa'yo?!” halos pasigaw nang sabi n'ya. She can't control her emotions anymore. Sa dami ng hirap na pinagdaanan n'ya para mapalaki lang si Pete at mabigyan ng maayos na buhay ay mayroong isang taong pagsasabihan s'ya na parang walang pakialam sa buhay ng kapatid n'ya! Sino ba ito sa akala nito? Isa lang naman itong iresponsableng kaibigan ni Pete na dahilan ng pagiging bulakbol at iresponsable ng kapatid n’ya!   “Ate, please lang… Tama na,” halos nagmamakaawa na si Pete sa kanya habang pinipigilan ang halos pagwawala n'yang sugurin si Llewyn. Parang wala man lang itong pakialam sa pagwawala n'ya at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan. Lalo lang nag-init ang ulo ni Paprika dahil sa nakikitang pambabalewala nito sa galit n’ya.   “Paalisin mo na nga ‘yang batang ‘yan dito! Baka hinahanap na ‘yan ng mga magulang n'ya!” iritadong sabi n'ya habang patuloy sa pagpukol dito ng masamang tingin. “Yun ay kung may pakialam pa ang mga magulang n'yan sa kanya!” dagdag n'ya pa. Kitang kita n'ya ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito dahil sa huling sinabi n'ya. Napapikit pa ito na mukhang pinipigilan ang emosyon. Lalo s'yang na-trigger na magpatuloy nang makita ang epekto ng salita n'ya dito.   “Ano? Hindi ba totoo? Walang pakialam ang mga magulang mo sa'yo! Kaya ka nga nakakapaglasing at natutulog sa ibang bahay hindi ba? Kasi walang magulang na nangdidisiplina—”   “I better be going, Pete. Just call me anytime when you need my help,” malamig pero mariin na sabi nito na ang galit na mga mata ay nakatutok ng diretso sa kanya bago isa-isang pinulot ang bag at jacket na nasa sofa at walang lingon-likod na lumabas ng unit nila. Agad na hinarap n'ya ang kapatid na ngayon ay nakatiimbagang habang nakatingin sa pinto ng unit nila.   “Tingnan mo ang kabastusan ng lalakng ‘yon—”   “Will you please stop with your unreasonable judgement, Ate? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ka dahil lang sa mas matanda ka!” Halos pasigaw na sabi nito sa kanya.   Pulang-pula ang leeg nito dahil sa sobrang tindi ng emosyon. Nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa ginawang pagsigaw nito sa kanya. Kahit kailan ay hindi iyon nagawa ng kapatid. Kahit ang pagsagot ng pabalang sa kanya ay kahit kailan ay hindi nito nagawa sa kanya. Ngayon lang! Ganoon kalakas ang impluwensiya ng Llewyn na ‘yon sa kapatid n'ya. Nagiging palasagot ito dahil lang sa hindi n'ya ito hinahayaang makipaglapit sa lalaking ‘yon. At ngayon ay sinigawan pa s'ya nito dahil sa ginawa n'yang pagtataboy sa kaibigan nito. Sa tindi ng pagkadismaya dahil sa inasal ng kapatid ay hindi na n'ya napigilang umigkas ang kanang palad sa pisngi nito. Kitang-kita n'ya ang gulat sa mga mata nitong bahagyang namumula.   Kahit kailan ay hindi n'ya napagbuhatan ng kamay ang kapatid. Ito ang unang beses na nasaktan n'ya ito. At alam n'yang para pa rin iyon sa ikabubuti nito kaya wala s’yang kahit na anong pagsisisi dahil sa ginawang pananakit dito. Huminga s’ya ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili bago nagsalitang muli.   “When did you start raising your voice to me, Pete? Tingnan mo ang masamang impluwensya sa iyo ng Llewyn na ‘yan—”   “Llewyn again! Will you please stop blaming him for what is happening to me? I can't believe you would stoop this low when it comes to judging someone's character, Ate. I really can't believe it!” punong-puno ng hinanakit at galit ang mga mata nito nang sabihin iyon at bago pa s'ya makasagot ay walang paalam na tinalikuran na s'ya nito. Narinig pa n'ya ang pabalibag na pagsara nito ng pinto ng sariling kwarto. Napahilamos s'ya sa mukha at agad na nagsisi dahil sa ginawang pananakit sa kapatid. Alam n'yang mali ang ginawa nitong pagsagot sagot sa kanya pero sana ay hindi n'ya ito nagawang pagbuhatan ng kamay dahil lamang doon! Inis na naglakad s'ya para bumalik sa sariling kwarto.   Sumapit ang tanghalian at hapunan ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto nito si Pete. Sinadya n'yang mag-iwan ng pagkain sa mesa at inilagay iyon sa tupperware para madali nitong mabubuhat sa kwarto nito kung sakaling ayaw nitong makita s'ya. Sinadya rin n'yang magkulong sa kwarto maghapon kahit bagot na bagot na s'ya para malaya nitong magawa ang mga dapat gawin sa loob ng bahay. Pero mukhang hindi talaga ito lumabas ng kwarto dahil walang bakas ng kahit na anong kalat doon. Knowing her brother, hindi ito masinop na tao at sa lahat ng pupuntahan nito ay meron at meron talagang maiiwan na bakas na nanggaling ito doon.   Alas syete ng gabi nang mapagpasyahan n'yang katukin na ito sa kwarto. Halos magiba na n'ya ang pinto ng kwarto nito pero wala talagang sumasagot sa pagtawag n’ya.   “Pete, bubuksan ko na ito. Hawak ko na ang susi sa kwarto mo!” banta n'ya pa nang hindi pa rin ito magsalita sa huling mga katok n'ya. Hindi na s'ya nagdalawang isip at binuksan na ang kwarto nito.   Nanlaki ang mga mata n’ya at halos mawalan ng kulay ang buong mukha n'ya nang makita ang ayos ng kapatid!   Nakasalampak ito sa sahig at nakasandal sa kama habang bumubula ang bibig. Nagkalat din sa sahig ang ilang piraso ng tabletas na mukhang sadyang ininom nito at isang bote ng gamot na wala na halos laman.   Nanginginig ang mga tuhod na tinawid n'ya ang pagitan nila.   “P-Pete! Gising! Pete!” malakas na sigaw n’ya at niyugyog ang mga balikat nito habang nakaluhod sa harapan ng kapatid. Masyadong malakas ang t***k ng puso n’ya at ang mga kamay n’ya ay hindi n’ya mapigilan ang panlalamig dahil sa nakikitang kalagayan ng kapatid. Nabablangko na rin ang isip n’ya at kung ano ano na ang masasamang isiping pumapasok sa isip n’ya.   Namalayan na lang n'ya ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha n'ya habang pilit na pinakakalma ang sarili at dinadama ang pulso nito. Halos murahin n'ya ang sarili at sabunutan nang maramdaman n'ya pa ang pulso nito. Buhay pa ang kapatid n’ya!   Sa nanlalabong mga mata ay kinuha n'ya ang cellphone ng kapatid na nasa ibabaw ng kama nito at agad na nagpipindot doon. Muntik n’ya pang mabitawan ‘yon dahil sa patuloy na panginginig ng mga kamay.   Sa ngayon ay wala na s'yang ibang maisip kung hindi ang mailigtas ito sa kapahamakan. Nabasa n'ya sa call history nito ang pangalan ng lalaking naging dahilan ng iringan nilang magkapatid kaninang umaga. Hindi na s'ya nag-isip at agad ay idiniall na ang numero nito. Wala pang dalawang ring ay agad na inangat na ni Llewyn ang tawag n’ya.   “Pete! What happened? I can't reach you all day. May nangyari na naman ba sa'yo?” sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya pagkatapos sagutin ang tawag n'ya. “Pete! Answer me, damn it!” sabi pa nito nang hindi agad s'ya nakasagot. Sunod-sunod na napalunok s’ya para maikalma ang sarili dahil sa narinig na pag-aalala sa boses nito. Sa tono pa lang nito ay mukhang may alam na ito sa kung ano man ang pinagdadaanan ng kapatid n’ya. Suminghap s’ya bago nakahugot ng lakas ng loob na magsalita.   “A-Ate n'ya ito. P-please…  help me,” nanginginig pa rin ang mga labi na sabi n'ya.   “What the hell happened to your brother?” malakas at mariing tanong nito sa kabilang linya. Halos mapapikit s’ya sa intensidad ng pagsasalita nito.   “I… I think, he tried to k-kill himself…” naiiyak na sagot n’ya. Narinig n'ya ang malutong na mura nito sa kabilang linya pagkatapos ay sinabihan s'ya nitong maghintay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD