MILK

2143 Words
Gulong-gulo si Paprika nang sabihin sa kanya ng doktor na tumingin kay Pete na ilang tablets ng antidepressants ang ininom nito na naging dahilan para ma-overdosed ang kapatid.   “A-antidepressants, Doc? Pero bakit naman...” hindi na n'ya naituloy ang sinasabi at napasapo na lang sa noo. She really can't believe what she was hearing. Ibang-iba ang pagkakakilala n'ya sa kapatid at malayo sa isipan n'yang magagawa nito ang kitilin ang sarili nitong buhay.   “He might be experiencing some traumatic or emotional stress lately. And it looks like he was taking antidepressants for quite some time. You should try talking to him or might as well seek a professional advice for this matter,” paliwanag ng doktor.   Napatingin s'ya sa hospital bed kung saan kasalukuyang nahihimbing ang kanyang kapatid at sa gilid nito ay ang kaibigan nitong si Llewyn na s'yang tumulong sa kanya kanina na dalhin ang kapatid sa ospital.   “You can let him take a rest tonight at bukas ng umaga n'yo na lang s'ya ilabas,” dagdag pa ng doktor na tinanguan na lang n'ya. Umalis din kaagad ito matapos ang ilan pang bilin at matapos s'yang magpasalamat.   Nang muling tingnan n'ya ang kapatid ay saka lamang tuluyang nag-sink in sa utak n'ya ang nangyari dito. Hindi talaga s'ya makapaniwalang magagawa ng kapatid ang ganoon ka-delikadong bagay. Sumasakit ang dibdib n'ya sa tuwing maaalala n'yang nasa bingit na ito ng kamatayan sa mga panahong naroon s'ya sa loob ng kanyang kwarto at nagpapalipas ng oras. Na kung hindi s'ya nagpasyang katukin ito sa silid nito ay malamang ay nawalan na s'ya ng kaisa-isang katuwang sa buhay.   Masyadong mabigat ang pagkawala ng sabay ng mga magulang nila at ang tanging naging sandalan lang n'ya nang mga panahong iyon ay ang kanyang kapatid. Si Pete ang masasabi n’yang isa sa mga dahilan kung bakit hindi s’ya nagpadala sa lungkot at sa takot nang sabay na mawala ang mga magulang nila. Nakatatak sa isip n’yang mas kailangan s’ya nito noong mga panahong iyon dahil sobrang bata pa nito para maulilang lubos.   At alam n'yang hindi s'ya mapapatawad ng mga magulang n'ya kung pati s'ya ay mawawala sa tabi ni Pete kaya iyon ang nagtulak sa kanya para labanan ang lungkot at hindi magpadala sa emosyon. Tiniis n'ya ang hirap ng mag-isang pagtaguyod dito. Pinilit n'yang lakasan ang loob dahil kung hindi n'ya iyon gagawin ay pareho silang kawawa ng kapatid n'ya.   Hardships taught her to be independent and matured at such a young age. Ngayon n'ya lang napagtanto na sa sobrang pagpupursige n'yang mabuhay silang magkapatid ay nakaligtaan n'ya ang isa sa pinakaimportanteng suportang maaari n'yang maibigay dito, which is the emotional support. She couldn't believe that she wasn't aware that her brother was suffering from emotional stress. Maaaring depress na depress na ito at wala itong mapagsabihan dahil ang nag-iisa nitong katuwang sa buhay ay mas inuuna ang galit sa kaibigan nito kaysa unahing alamin ang pinagdadaanan ng sariling kapatid.   Nanlulumong napaupo s'ya sa couch sa labas ng private room kung saan naroon ang kanyang kapatid at ang kaibigan nito. Ilang sandaling nag-isip pa s'ya bago nagpasyang pumasok sa loob ng kwarto.   Nilingon kaagad s'ya ni Llewyn nang marinig nito ang pagbukas ng pinto ng silid. Nagtama kaagad ang mga paningin nila at hindi n'ya lubos na maintindihan ang iritasyon sa mga mata nito nang makita s'ya. It was like he was putting her all the blame for what happened to her brother.   Hindi rin nakaligtas sa paningin n'ya ang suot nito. Isang simpleng dry fit white shirt na may tatak ng isang sikat na brand, khaki short at baseball cap na puti. Those seemed like his usual outfit at home at mukhang hindi na nito nagawang magbihis dahil napansin n'yang naka-tsinelas lang ito. Huminga s'ya ng malalim bago nagpasyang magsalita.   “It's getting late. Bukas ko na s'ya ilalabas. Pwede ka ng umuwi at magpahinga. Ako na ang bahalang—”   “Aren't you going to ask me anything?” Mariing putol nito sa sasabihin n’ya na halata kaagad sa boses nito ang iritasyon. Halos padabog ang ginawang pagtayo nito nang hindi s’ya makasagot. “Let's get out of here and talk,” habol pa nito at saka nilampasan s'ya at lumabas ng silid. Isang sulyap ang ginawa n'ya sa kapatid bago lumabas para sundan si Llewyn.   Hindi naman kalayuan ang pwestong napili nito. Sa gilid ng private room ng kapatid n’ya ay mayroong dalawang hindi ganoon kahabang sofa at isang round table sa gitna. Salamin ang dingding sa bandang iyon kaya kitang kita ang mga bahayan sa paligid ng ospital. Nakatanaw ito doon at nakatalikod sa kanya kaya tumikhim s'ya para kuhanin ang pansin nito. Agad naman s'yang nilingon nito at umupo sa sofa sa tapat n'ya. Umupo na rin s'ya at hinintay na magsalita ito.   Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila pero ito rin ang unang bumasag doon. She doesn’t really know what to say. Sa katunayan nga ay wala s'yang masabi. Blangko ang isip n’ya at hindi pa tuluyang nagsisink-in sa kanya ang nangyari kay Pete. O sadyang hindi n’ya lang matanggap na isa s’ya sa mga dahilan kung bakit hindi na nito nakayanan ang emosyon dahil nakikisabay pa s’ya sa kung anong iniisip nito. Sobra talaga s'yang nabigla sa nangyari at hindi n'ya alam kung paano n'yang haharapin iyon. Gumalaw si Llewyn kaya napako ang tingin n’ya dito.   “Your brother was a victim of school bullying,” simula nito. Napasapo kaagad s'ya sa bibig at halos tumaas ang mga balahibo n'ya sa sobrang pagkabigla. Paano'ng hindi s'ya magugulat ay hindi ang kapatid n'ya ang tipong magiging biktima ng bullying! Maaaring ito ang mambully pero ang maging biktima ay hindi s'ya makapaniwala.   “What are you talking about? Paano'ng mangyayari iyon kay Pete? He was quite popular in school—”   “He was popular indeed,” putol kaagad nito sa sinasabi n’ya. Natahimik s’ya at pinili na lang na pakinggan pa ang mga sasabihin nito. “He’s so popular dnd that was actually the reason why he was getting bullied because someone saw his flaws and used that as an access to threaten him,” umigting ang panga nito matapos sabihin iyon. S'ya naman ay tulala at pinipilit ipasok sa utak ang mga sinasabi nito.   “F-flaws? What flaws are you taking about?” litong tanong n’ya. Hindi n’ya talaga lubos na makuha kung paanong magiging biktima ng bullying ang kapatid at kung bakit ito itatrato ng gano’n ng kung sino.   Tumitig si Llewyn sa kanya na para bang tinatantya nito kung totoo bang clueless s'ya sa mga sinasabi nito. Maya-maya ay hindi makapaniwalang umiling iling ito.   “You really don't know your brother,” akusa nitong hindi man lang inaalis ang pagkakatitig ng mariin sa kanya. Wala s'yang nagawa at sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi n'ya kinayang labanan ang titig nito. Sunod-sunod na napalunok s’ya.   Sa trabaho n'ya bilang head ng HR ay kasama ang eye to eye contact lalo na kapag nag-I interview s'ya ng mga empleyado. Ngayon lang s'ya na intimidate sa titig ng kung sino. At hindi s'ya makapaniwalang sa isang bata pa na katulad nito. Kinagat n'ya ang ibabang labi at hindi nakapagsalita. Narinig n'ya ang buntonghininga nito matapos ang medyo matagal na pananahimik n’ya.   “Pete is a bisexual and he was having a hard time dealing with it,” sabi nito na nagpaangat ulit ng tingin n'ya dito. Sinalubong s'ya ng mga mata nitong tila nangungusap. Parang agad na nanuyo ang lalamunan n’ya dahil sa narinig mula dito. HIndi agad ‘yon nakuhang tanggalin ng utak n’ya pero gusto n’yang malaman ang lahat lahat ng tungkol sa kapatid.   “P-please continue,” utos n'ya dahil wala na talaga s'yang mahipong kahit na anong salitang pwede n'yang sabihin matapos n'yang marinig ang rebelasyon nito. Tumitig sa kanya si Llewyn bago ito nagpasyang isalaysay sa kanya kung ano ang nangyari sa kapatid n’ya na naging dahilan ng pagsubok nitong bawiin ang sariling buhay. Nang magsimulang magkwento si Llewyn ay pilit n’yang ipinasok sa utak ang lahat lahat ng sinasabi nito.   “There was this popular girl in our school which she became interested with Pete. Considering the reputation that she have, she thought that she can get him, too like how she easily got all boys that she caught her interest. But Pete wasn't interested at all. He turned that girl down numerous times. Ang akala ni Pete ay tumigil na sa paghahabol `yung babae dahil nakikita daw n'yang mayroon ng bagong dine-date. By the way, Pete was friends with my cousin who was also a bisexual. And that's how I met him,” kwento nito habang patingin tingin sa kanya. Tumatango lang s’ya habang hinahayaan itong magkwento.   “That girl found out that Pete is also a bisexual because he was close to my cousin who was exposed years ago. Inutusan ng babae `yong boyfriend n'ya na sabihan si Pete na mag-apologize sa kanya. Of course, Pete declined the invitation. He didn’t owe anyone an apology, anyway so she threatened him that she was going to expose his secret. Pete didn’t want any trouble so he chose to apologize to that girl just to end everything. But that girl just couldn't stop harassing him,” tumiim ang bagang nito habang kumukuyom ang mga kamao. Napasinghap si Paprika dahil sa reaksyon nito ay mukhang nasaksihan talaga nito ang nangyari sa kapatid n’ya. She instantly felt sorry for her brother kahit na hindi pa n’ya naririnig ang buong pangyayari.   “I helped him settle his issues with the girl because my cousin told me that the girl was interested in me, too. We went into a bar and she asked me to drink everything she'd give me in exchange of her silence. I did drink everything she gave me that night. I was really drunk that I nearly passed out. So, Pete brought me in your place and I ended up sleeping in your room,” sabi nito at muling tumiim ang bagang. Napasinghap s’ya.   Walang ibang laman ang isip n'ya kundi kahihiyan matapos n'yang marinig ang kwento nito. To think that she judged him that night without even knowing the truth! Napapikit s'ya ng mariin.   When did she become too shallow when it comes to understanding things? Tama nga ang sinabi ng kapatid n'yang mali ang pagkakakilala n'ya sa kaibigan nito. Kaya naman halos hindi na n'ya matingnan si Llewyn lalo na at naaalala n'ya ang mga huling sinabi n'ya dito kaninang umaga lang.   Tumikhim ito nang hindi na s'ya makapagsalita at mukhang nahalata nito ang uneasiness n'ya sa upuan.   “So-sorry about... w-what I've said e-earlier,” utal na paumanhin n'ya dito na hindi ito tinitingnan kahit ramdam na ramdam n'ya ang nanunuot na titig nito sa kanya. Tumayo ito kaya alangang napatayo na rin s'ya para magpaalam dahil mukhang uuwi na ito.   “I'll think about it,” rinig n'yang sabi pa nito. Dahil doon ay nag-angat na s'ya ng mukha para salubungin ang tingin nito.   “You will think about what?” litong tanong n'ya nang hindi agad makuha ang sinabi nitong pag-iisipan pa nito ‘yon.   “About accepting your apology,” diretsong sagot nito. Muntik na tuloy s'yang mapanganga dahil sa ka-preskuhan ng kaharap. Inayos n'ya ang nalaglag na hibla ng buhok sa pagkakaponytail n'ya at inipit iyon sa tenga n'ya. Hindi n'ya alam ang isasagot dito kaya hihintayin na lang n'yang umalis ito. Isa pa, ano naman kaya sa kanya kung hindi s'ya patawarin nito? Sa tingin ba nito ay big deal iyon para sa kanya?   Napairap tuloy s'ya nang hindi namamalayan dahil sa naisip. Halos mapaatras pa s'ya sa kinatatayuan nang imbes na umalis ay humakbang ito palapit sa kanya. Namilog ang mga mata n'ya sa pagkabigla. Sa tangkad nito ay halos tingalain na n'ya ito.   Automatic na umangat ang dalawang braso n'ya para dumipensa sa biglaang paglapit nito at para na rin hindi ito gaanong mapadikit sa katawan n'ya.   Kumunot ang noo nito habang malayang sinusuri ang buong mukha n'ya. Halos kilabutan s'ya sa nanunuot na titig nito.   “And let me also clear one thing to you, Paprika,” maya-maya ay sabi nito matapos ang walang habas na paninitig nito sa kanya. Tumindig ang balahibo n’ya sa naging pagbanggit nito sa pangalan n’ya.   The way he uttered her name was so blunt yet left her unexplainable feelings. Dapat sana ay nagagalit s'ya dahil feeling close kaagad ito dahil first name basis na kaagad ang gustong itawag nito sa kanya! Napasinghap pa s’ya sa gulat nang dugtungan nito ang sinasabi.   “I’m twenty, Paprika. Hindi na ako bata. You can check it yourself by tasting my lips to know if there's still a milk in it,” sabi nito at dahan dahang pinasadahan ng dila ang ibabang labi habang diretso ang tingin sa mga namimilog na mga mata n'ya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD