SINGLE

2193 Words
Isang linggo ang matuling lumipas matapos ang insidente kay Pete. Kinabukasan nang magising ito sa ospital at magkamalay ay hindi kaagad ito nagsalita. Hindi man ito pinilit na kausapin ni Paprika ay halos bantay sarado naman s'ya sa kapatid. It was a very traumatic experience for her at ayaw na n'yang maulit pa iyon. Pinangako ni Paprika sa sarili na magiging emotional guide na s'ya ng kapatid simula ngayon. Hindi na n'ya hahayaang sarilinin nito ang nararamdaman. Palagi na n'ya itong kakausapin sa mga personal na bagay at gagawin n'ya ang lahat para maging open ito sa kanya.   Nag-file ito ng isang linggong leave sa school kaya halos araw-araw ay nadaratnan n'ya ang kaibigan nitong si Llewyn sa unit nila. Minsan ay kasama pa nito ang pinsan nitong si Kris katulad ngayon.   Nasa labas pa lang s'ya ng unit nila ay naririnig na n'ya ang tawa ng kanyang kapatid. Napangiti s'ya dahil malaki ang naitutulong ng pagdalaw dalaw ng mga ito kay Pete. Balik na rin sa normal ang pag-uusap nila katulad noong mga panahong hindi pa ito nagtatangkang magpakamatay. Gano’n pa man ay hindi pa rin ito tuluyang nag-oopen sa kanya tungkol sa mga ipinagtapat sa kanya ni Llewyn.   Napalingon agad ang mga ito sa kanya nang pumasok s'ya sa loob ng unit nila. Nakangiting tumayo si Pete at sinalubong s'ya ng yakap. Nakangiting pinanood sila ni Kris, ang pinsan ni Llewyn.   “Ang bango mo pa rin, Ate. You don't smell like you worked all day,” nakangising komento ng kapatid n'ya matapos itong bumitaw ng yakap sa kanya. Inirapan n'ya kaagad ito at pinanliitan ng mga mata.   “Wag mo na akong bolahin. Binili ko na ‘yong bagong release na book ng favorite author mo!” Sabi n'ya matapos iabot dito ang paper bag kung saan n'ya inilagay ang nabiling libro nang dumaan s'ya kanina sa bookstore. Tuwang-tuwang niyakap s'ya ulit nito kaya ang luwang ng ngiti n'ya habang tinatapik ang likod nito. Hindi sinasadyang nagawi ang paningin n'ya sa gawi ni Llewyn na nakaupo sa harapan ng pinsan nito. Halos mapasinghap s'ya nang makitang nakatingin na kaagad ito sa kanya. Bigla tuloy s'yang napakalas ng yakap kay Pete para mawala ang tingin dito.   “Kumain na ba kayo? Pete, pinakain mo na ba ang mga kaibigan mo?” tanong n'ya na ang mga mata ay sinadyang itutok kay Kris. Nakangiti ito sa kanya at tumango.   “Tapos na po. I'm sorry, hindi ka na po namin nahintay. Gutom na gutom na po kasi dahil kakatapos lang ng exams,” alanganing sabi nito. Kinumpas n'ya naman ang kamay sa harapan n'ya at ngumiti.   “That's okay. Sanay naman na akong kumain mag-isa dahil hindi maiwasan minsan na mag-overtime kaya sinasabihan ko itong si Pete na ‘wag na akong hihintaying mag-dinner,” paliwanag n'ya. Tumango tango naman ito. Ramdam n’ya pa rin ang paninitig ni Llewyn kaya sinasadya n’yang iiwas ang tingin n’ya dito.   “Sige, d'yan na muna kayo. Magbibihis lang ako. Continue what you're doing,” nakangiting paalam n'ya. Nang mapasulyap ulit s'ya sa gawi ni Llewyn ay nakatingin pa rin ito sa kanya at nakasunod ng tingin. Tumaas ang kilay n'ya at binilisan ang hakbang papasok sa sariling kwarto.   Nagulat pa s'ya nang paglabas n'ya ng kwarto at tumuloy sa kusina ay nakita n'ya doon si Llewyn na mukhang mayroong ginagawa sa microwave. Tumikhim s'ya at pumunta sa gawi ng refrigerator para kumuha ng tubig at para na rin tingnan kung mayroon pang natirang ulam.   “It's in the microwave. Ininit ko `yong dala naming ulam,” sabi nito agad kahit hindi pa s’ya nagtatanong. Tumango lang s'ya habang nagsasalin ng tubig sa baso.   “Okay, thank you. You may go back to them,” sabi n'ya at uminom ng tubig.   “I will eat with you,” sabi nito. Muntik na tuloy n'yang maibuga ang iniinom dahil sa pagkagulat. Pinunasan n'ya ang bibig n'ya bago hinarap ito.   “I thought you’re already done with your dinner—”   “Sila lang. I am still full when they eat. Ngayon ko pa lang naramdaman ang gutom,” sagot nito. Hindi tuloy s'ya nakaimik. At ano naman kasing sasabihin n'ya? Alangan namang sabihan n’ya itong ayaw n’ya itong makasabay kumain!   “Why? You don't want to eat with me?” tanong nito at lumapit sa harapan n'ya. Napaayos tuloy s'ya ng tayo dahil sa biglaang paglapit nito. Naalala n'ya tuloy ang sinabi nito nang nasa ospital sila. Ipinilig n'ya ang ulo at umiling.   “H-hindi naman sa ganon,” tanging nasabi n'ya dahil bigla s'yang na-intimidate sa presensya nito. Llewyn was wearing his usual school uniform pero nakabukas ang mga butones ng polo nito at tanging nakikita lang ay ang white shirt nito na may minimal print ng isang sikat na logo ng isang brand sa harapan.   “Good,” sabi nito na hindi pa rin umaalis sa harapan n'ya. Napalunok s'ya at tiningala na ito. Humakbang pa ito palapit sa kanya kaya muntik na s'yang mapapikit dahil sa pagdikit ng kamay n'ya sa matipunong dibdib nito.   “Ano'ng—”   “Aren't you going to move? I am going to get some juice,” sabi nito. Aalis na sana s'ya pero itinaas na kaagad nito ang kamay para abutin ang refrigerator at binuksan iyon. Nagmistula tuloy s'yang nakakulong sa mga bisig nito. Sunod-sunod na napalunok si Paprika lalo na nang matitigan n'ya ang mukha nito. He was wearing a specs na mukhang ginagamit lamang nito sa tuwing nagbabasa. Nadatnan n'ya kasi kanina na may hawak itong libro. He looks so good. Parang mas bumagay pa dito ang ganoong porma pero hindi ito mukhang estudyante. Nagmistula itong model ng school uniform dahil sa porma at tindig nito.   Halos manlaki ang mga mata ni Paprika nang bahagyang yumuko ito para magtingin ng kung ano sa ikalawang layer ng refrigerator.   “There's also fruits here. What do you want for dessert?” tanong nitong halos tumama na ang hininga sa mukha n'ya. Hindi alam ni Paprika kung paano s'yang kikilos dahil sa pagkakalapit nila nito. Nang hindi s'ya sumagot ay itinagilid pa nito ang ulo para silipin ang mukha n'ya. Parang kay hirap huminga nang mga oras na `yon.   “O-orange na lang,” sabi n'ya at mabilis na hinawi ang isang braso nito para makawala s'ya sa tila pagkakakulong sa mga bisig nito. She heard him chuckled but when she turned to him to check his face to confirm it, wala naman itong kangiti ngiti at nakakunot pa nga ang noo. She shook her head. Kung anu-ano na ang naririnig n'ya. Baka gutom na nga s'ya at ikakain n'ya na lang ang lahat para kumalma s'ya.   While they were eating dinner together, she took that opportunity to thank him for being there for Pete. Lalo na ngayon na crucial para rito ang maging mag-isa. He needs someone whom he can confide easily, na mukhang natagpuan ng kapatid n’ya sa katauhan ng magpinsan.   “It's okay. I didn't do much,” simpleng sagot nito at ibinaba ang phone nito sa harapan n'ya. Nagtatakang tiningnan n'ya iyon at pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Llewyn.   “Type your number,” sabi nito habang tuloy pa rin sa pagkain. Muntik na s'yang masamid dahil sa pagiging straightforward nito.   “For what? Kung may sasabihin ka ay ipasabi mo na lang kay Pete—”   “I guess, you still hate me despite of knowing the truth,” sabi nito at napailing. Tumaas ang kilay n'ya nang mahimigan ang pangongonsensya sa tono nito.   “Hindi ah,” tanggi n'ya. Tiningnan s'ya nito na parang hindi naniniwala. “Hindi nga sabi,” pagpipilit n'ya.   “Really?” tanong pa ulit nito na ganoon pa rin ang tingin sa kanya. “I guess, you still do,” dagdag pa nito. Kumunot ang noo n'ya at sinulyapan ang phone nito. Napipilitang kinuha n'ya iyon pero pinigilan nito ang kamay n'ya kaya nagkadikit ang mga kamay nila   Ramdam n'ya ang init na nagmumula sa mga palad nito. Umangat ang tingin n'ya sa mukha nito. As usual he was already looking at her na para bang palagi nitong hinihintay na mapatingin s'ya dito. She heaved a sigh and glared at him.   “Ilalagay ko na ang number ko,” sabi n’ya sabay irap dito pero hindi pa rin nito binitawan ang kamay n'yang nakahawak sa phone nito. Kunot noong tiningnan n'ya ito. “Ilalagay ko na sabi…” ulit n'ya habang tinataasan ito ng kilay. Umiling ito.   “Napilitan lang?” nakataas din ang kilay na tanong nito. Muntik na s'yang mapatawa dahil sa tila dismayadong itsura nito. He looked like he wasn't used of asking for someone's number. Sabagay ay nasa itsura naman nito iyon. Mukhang ito pa nga ang kadalasang hinihingan ng number. Umiling s'ya.   “No. Balak ko rin talagang hingin ang number mo dahil papasok na si Pete next week,” sabi n'ya at tinitigan ito. “So, humanda ka dahil ikaw ang kukulitin ko tungkol sa mga whereabouts n'ya,” babala n'ya dito habang nakangisi.   Nagpatuloy sila sa pagkain at panaka naka ay nagtatanong ito ng kung anu-ano lang. Maya-maya ay nagtanong ulit ito.   “How often do you text someone?” Tanong nito at inilapag sa harapan n'ya ang nabalatan na nitong orange. Nagkibit balikat s'ya.   “Hindi naman ako madalas na nagtetext kaya siguro kapag emergency or urgent lang. Or kapag may okasyon ay bumabati rin ako kapag naaalala ko,” sagot n'ya at sumubo sa orange na ibinigay nito.   “Occasions?” tanong nito. Tumango s'ya. “How about monthsaries or anniversaries?” hirit pa nito. Nagkandasamid samid tuloy s'ya dahil sa biglaang liko ng tanong nito. Inabutan kaagad s'ya nito ng tubig na agad naman n'yang ininuman.   “What exactly do you wanna know, Llewyn?” tanong n'ya para diretsahin na s’ya nito.   “I wanna know if you have a boyfriend,” diretsong tanong nito. Nanliit agad ang mga mata n'ya.   “That's too personal. I have the rights not to answer that, right?” nakataas ang kilay na sabi n'ya. Tiningnan din s'ya nito at nagtaas din ng kilay sa kanya.   “Fine. I also have the rights to assume things. Since, you didn't answer it?” sabi nito kaya nalaglag ang panga n'ya.   “What was your assumptions then?” curious na tanong n'ya. Llewyn just shrugged. Naging mapaglaro ang mga tingin nito sa kanya kaya kumunot ang noo n'ya.   “Ano nga?” nakairap na tanong n'ya dahil sa pambibitin nito.   “You're curious about my thoughts, huh?” tudyo nito. Napipikon na inirapan n'ya ito at saka tumayo para ligpitin na ang pinagkainan nila. Inabot din n'ya ang pinggan nito pero katulad sa ginawa nito kanina ay hinuli lang nito ang kamay n'ya at pinigilan.   “I'll wash it,” sabi nito. Nagkibit balikat s'ya at binawi ang kamay dito at saka tinalikuran na ito at lumapit sa sink para hugasan ang pinagkainan. Napahigpit ang hawak n'ya sa sponge nang maramdaman n'ya ito sa likuran n'ya.   Maluwang naman ang space sa mini kitchen nila at doon sa gawi ng sink pero parang tila sumikip iyon ngayon dahil sa tangkad at laki ni Llewyn.   Napabilis ang pagkuskos n'ya sa pinggan nang maramdaman n'yang gumalaw ito para ilagay ang pinggan nito sa sink. Dalawang kamay ang gamit nito sa paglagay doon. Sa kaliwang kamay ay ang plato nito at mga kubyertos at sa kanan naman ay ang baso na ginamit nito. Nagmistula na naman tuloy s'yang nakulong sa matipunong bisig nito. Halos mapasandal na s'ya sa dibdib nito nang bahagyang yumukod ito para maingat na maibaba ang mga pinagkainan.   “Ako na dito, bumalik ka na doon sa sala,” sabi n'yang binalewala ang discomfort na nararamdaman sa pagiging malapit ng katawan nila sa isa't-isa.   “Later,” simpleng sabi naman nito na hindi man lang nag-abalang ilayo ang katawan sa likod n'ya. “I haven't told you about my assumptions yet,” habol pa nito na ang tinutukoy ay ang nabitin na usapan nila kanina.   “Ano nga ba kasing tingin mo sa akin?” pagsakay na lang n'ya para matapos na at para makaalis na rin ito sa likuran n'ya. Kung alam lang n'yang magiging ganito sila kalapit nito ay sana ay nagsuot s'ya ng mas makapal na shorts. Akala kasi n'ya ay s'ya lang mag-isa ang kakain that's why she picked her usual tiny shorts and loose shirt na huhubarin din naman n'ya agad mamaya kapag matutulog na s'ya. She didn't even bother wearing undies, for Pete's sake!   “You seemed single for long,” prangkang sagot nito. Halos mabitawan n'ya ang mga pinggan na hawak! Maagap na tinulungan naman s'ya nito.   “You okay?” tanong nito na halatang natatawa. Tiningnan n'ya ito ng masama. Now, he didn't bother to suppress his smile. Kitang kita n'ya ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin. Hindi n'ya tuloy maiwasang mapatitig sa mukha nito. Tumikhim s'ya nang mapansing nakatitig na rin ito sa mukha n'ya. Nanliliit ang mga matang tinulak n'ya ito.   “Bumalik ka na nga do’n! Ang dami mong sinasabi d’yan!” Sabi n'ya at umirap bago tuluyang tinalikuran ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD