Dahil sa wala sa oras na pagtulog at paggising ni Paprika sa nagdaang gabi ay hindi kaagad s'ya nakabangon ng maaga kinabukasan. Kahit na ang balak n'yang pag-jojogging na s'yang routine n'ya every weekend ay hindi n'ya nagawa. Napasapo s'ya sa noo nang masilip na tirik na tirik na ang araw sa labas! Agad na kinapa n'ya ang phone sa bedside table at nakitang pasado alas onse na! Hinawi n'ya ang buhok at sinuklay suklay lang iyon gamit ang daliri habang pinupulot ang mga damit at isa-isang sinuot. Nang makapagbihis ay agad s'yang lumabas ng kwarto para tumuloy sa kusina. Ang alam n'ya ay marami pa naman silang stocks ng pagkain sa refrigerator kaya titingin na lang s'ya ng kahit na ano'ng pwedeng lutuin doon. Agad na sinalubong ang ilong n'ya ng amoy ng nilagang baka pagkalapit pa l

