Kinabukasan ay totoong nag workout si Paprika kasama si Llewyn. They spent almost two hours jogging outside. Pagdating nila sa bahay ay nagluluto na si Pete ng umagahan nila. Ilang sandali pa ay kumatok na sa unit nila si Kris na may dalang kung ano anong pasalubong para kay Pete at ibang panghimagas. Napasimangot s’ya nang makita ang mango float na dala nito. Naalala n’ya ang sinabi ni Llewyn kagabi na nag gain s’ya ng weight. Hindi n’ya tuloy alam kung bakit bigla s’yang naconscious sa figure n’ya. His words affect her that much, huh? Napairap tuloy s’ya ng di namamalayan habang nakatitig sa mango float na dala dala ni Kris. Nang mapatingin s’ya sa gawi ni Llewyn ay nakatingin na ito sa kanya. Kitang kita panigurado nito ang paninitig n’ya doon sa mango float kaya nag-init ang pisngi n’y

