Kinabukasan ay nagising si Paprika na hindi nakikita ang kahit na anino ni Llewyn sa loob ng unit nila. Mukha namang inumaga na ng uwi ang kapatid n'yang si Pete kaya halos magtatanghalian na nang bumangon ito. Naghihikab pa ito at hinihilot-hilot ang tiyan nang lumabas sa kwarto. She was cooking something for lunch at kanina pa s'ya hindi makapag-focus sa ginagawa. Lumilipad ang isip n'ya at kung ano-ano ang tumatakbo doon. Her mind has been restless since she woke up. Hindi s’ya mapakali at sa tuwing iisipin n’ya ang dahilan ay mas lalo lang s’yang natutuliro sa mga sagot na ibinibigay ng isip n’ya. “Can I have some soup, Ate? Medyo hindi maayos ang tiyan ko,” reklamo ni Pete habang umuupo sa hapag at sinasapo ang noo. “I was glad though that Llewyn made me a honey water before he le

