Umani ng papuri si Llewyn matapos matikman ng lahat ang luto nitong spaghetti. Panay na ang kwentuhan ng lahat habang sabay sabay nilang kinakain ang niluto nito. Ngunit si Paprika ay hindi makasabay sa pag-eenjoy ng mga ito. Her mind was full of thoughts about the incident happened in the kitchen just a while back. Kahit hnaggang noong nagsimula na silang mag-inuman ay hindi n'ya pa rin masundan ang pinag uusapan ng mga ito. Lalo pa at ramdam na ramdam n'ya ang madalas at pasimpleng paninitig ni Llewyn sa kanya. Sa hindi sinasadyang pagsulyap n'yang muli sa gawi nito ay nahuli n'yang nakatingin na naman ito sa kanya kahit na abala ito sa pagpapak ng nilagang mani na isa sa mga pinupulutan nila. Pabigla at mabilis tuloy ang ginawa n'yang pag-shot sa inabot ni Monette na vodka. Agad na