Hindi kaagad nakakilos ang taong kausap ni Hexur. Ang binata naman ay agad dinambahan ang lalaki kaya nagpagulong-gulong sila sa putikan. Malakas din ito ngunit ginamit ni Hexur ang lahat ng lakas niya dahil batid niyang hindi normal na tao ang nadadaganan niya. "Pare, let me go! Hindi ako kaaway, ano ba?" malakas na sabi ni Cedric. Dahan-dahan na niluwagan ni Hexur ang hawak n'ya sa kaibigan at tinulungan itong tumayo. Hanggang sa maramdaman n'ya ang labis na pananakit ng kan'yang ulo. Napaupo at kinalaunan ay napahiga si Hexur sa maputik na damuhan. Si Cedric ay ganoon din. "Yu, kahit anong mangyari ay mananatili ako sa puso mo, sa isip mo. Ikaw at ako ay iisa. Bilang tagapangalaga ng iyong kapangyarihan ay kasama mo ako palagi kahit saan ka man pumunta. Malaglag man ako, mananatili

