FEROIAN CHAPTER 46

1731 Words

Sa Ngaw ay masayang sinalubong sina Hexur, Cedric at Morie ng mga taga-roon. Kung dati ay sa malaking bahay sila tumutuloy sa tuwing pumupunta sila doon, sa pagkakataong ito ay sa isang maliit na bahay sa dulo ng isla mamamalagi ang magkasintahan. Magkahawak kamay sina Hexur at Morie habang naglalakad sila sa mga buhangin at sinasamyo ang hangin na tumatama sa kanilang mga pisngi. Si Cedric ay naiwan sa malaking bahay. Ligtas kasi ang lugar at alam ni Hexur na kayang-kaya na n'yang lumaban kaya okay lang na lumayo muna sila ni Morie sa lahat ng gulo at panganib. "I want to remember this for the rest of my life," wika ni Morie. "Huwag ka ngang masyadong nag-e-emote. Baka pati ako ay maiyak n'yan," biro ni Hexur. Inihilig ni Morie ang ulo n'ya sa braso ng kasintahan at saka nagsalita,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD