Isang malakas na pagsabog ang gumising kay Hexur. Ang buong akala n'ya ay nanaginip lamang siya ngunit pagsilip niya sa bintana ay nakita n'ya ang naglalagablab na katabing bahay. Dama niya na uminit agad ang kaniyang katawan. Ngunit hindi katulad noon, malakas siya at para siyang itinutulak ng hangin upang lumaban. Agad siyang nagdesisyon na puntahan si Morie sa silid nito. Sa pasilyo ay nakasalubong na lang ni Hexur ang kasintahan. Ang mga Haitos ay mabilis na nagtatakbuhan at kumukuha ng mga armas. Ang mga batang anak ng mga kasambahay niya ay nag-iiyakan. Ang mga ina ay pilit silang pinatatahan. "Boss, sinugod tayo ng grupo ni Karl. May taksil na tauhan natin ang nagbukas ng gate para sa kanila," ulat ng isang Haitos. Magtalaga ka ng mga tao para protektahan ang bahay na ito,"

