Pilit na inaabot ni Hexur ang mga kasama niyang mga nilalang na mukhang robot. Nasasaktan siya dahil isa-isa silang nawawasasak. Nawawala ang ilaw na bumabalot sa kanila at nalalaglag ang mga bituin na palaging nakasunod sa kanila. Ang nilalang na parang ibon ay tuwang-tuwa at panay ang pakawala ng mga liwanag na hindi niya alam kung bakit lalong pinapainit ang katawan niya. Ang mga mata nito ay lalong nagliliyab. "Yu, bakit kailangan mong galingan?" tanong ng nilalang. "Seru, bitawan mo ako kung ayaw mong putulan kita ng buntot!" galit niyang sagot. Mala demonyong humalakhak ang nilalang at saka mas lalong hinigpitan nito ang pagkakapulupot ng buntot sa kan'ya. Dahil walang pagpipilian kaya mabilis na itinarak niya ang hawak na espada sa dibdib ng tinawag n'yang Seru. "Yu! Yu!" na

