Napangisi si Hexur. Kumagat kasi sa bitag nila si Jordan. Tiyak niyang habang nakapalibot ang lahat ng miyembro ng grupo ng lider ng Vinsue sa kanila ng mga kasama n'ya ay malayang kumikilos ang grupo nina Gido na dumaan naman sa tunnel upang hanapin ang underground sa loob ng Vinsue Compound kung saan nakakulong ang mga magulang ni Cedric. Humawak si Morie sa kamay ni Hexur. Nakita ng huli ang panlilisik ng mata ni Jordan. Nangamba siya para sa kaligtasan ni Jomar. "Bitawan mo si Morie! Akin lang siya!" malakas na sigaw ni Jordan. "Bitawan mo muna si Jomar. Ibibigay ko sa iyo si Morie basta pakakawalan mo si Jomar," wika ni Hexur. "What the… Ibibigay mo talaga ako kay Jordan dahil lang kay Jomar?" galit na tanong ni Morie. Ang mga tauhan nila ay tahimik at nagtututukan lang ng b

