EARTH
Balitang-balita sa mga tv at radyo ang sinasabing pagbabago sa isang maliit na parang planeta malapit sa araw. Ang maningning kasi nitong kulay ay biglang naglaho at sa isang iglap ay naging kulay pula ito. Ngunit kalaunan ay muling nagliwanag ang nasabing maliit na parang planeta. Hindi matukoy ng mga scientist ang tunay na dahilan ng lahat.
Nangangamba ang mga magagaling na astronomers na baka magkaroon ng epekto sa Earth ang nagaganap sa mga planeta at stars sa universe. Ang lahat ay binalaan na maging mapagmatyag sa paligid habang magkakaroon ng kakaibang pagbabago sa labas ng Earth.
Samantala, hindi mapakali si Miguel habang nagpapalakad-lakad sa kanilang magarbong silid. Ang kaniyang asawa ay mahimbing nang natutulog ngunit siya ay hindi dalawin ng antok. Malaki na kasi ang nalulugi sa kan'ya dahil puro palpak ang kanilang mga operasyon.
May darating siyang mga bagong kargamento at ayaw ni Miguel na maharang itong muli sa Port ng Libana. Ang mga nakaraang transaksyon niya ay tila nasasabotahe kaya hindi niya alam kung paano mailulusot ang kargamento na parating.
Lumabas ng kan'yang silid si Miguel. Gusto niyang magpahangin sa labas. Ibinilin niya sa mga tauhan ang kan'yang natutulog na asawa bago siya umalis ng bahay.
"Boss, saan kayo pupunta? Kailangan n'yo po ba kami?" tanong ng isang tauhan na nakakita sa kay Miguel bago siya pumasok sa kan'yang bagong mamahalin na sasakyan.
"I'll just tour around the Haito Compound," sagot ni Miguel.
Yumuko ang Haitos at saka magalang na umurong. Mabilis naman na pinasibad ni Miguel ang kan'yang sasakyan. Walang destinasyon ang kan'yang pagmamaneho. Hanggang sa tumigil siya sa tapat ng malaking bahay na tinitirahan ng kan'yang kapatid.
Si Karl na noon ay masayang nakikipag-inuman sa mga Haitos ay sinalubong ang kapatid. Nagtataka ang lalaki kung bakit napadalaw ang kuya n'ya gayong hindi nito iniiwan ang kan'yang asawa lalo na at malapit na itong manganak.
Agad tumayo ang mga kainuman ni Karl at yumuko sa kanilang mafia boss. Muli silang pinaupo ni Miguel at hinarap niya ang kapatid.
"Why are you here, Kuya? Any problem?" Hinuhulaan agad ni Karl ang rason ni Miguel upang dalawin siya.
"Masama na bang dalawin ang kapatid ko. I just want to have a drink with you pero may mga kainuman ka pala," sagot ng mafia boss.
"You can join us if you want. Com'on, sit down," yaya ni Karl sa kuya n'ya.
Umupo ang mafia boss. Wala siyang kamalay-malay na ang ilan sa mga taong kahampang niya ay masama ang tingin sa kan'ya. Ang mga puso nila ay nababalot ng galit dahil sa inggit. Naghihintay lamang sila ng pagkakataon upang alisin si Miguel sa landas nila upang sila na ang maghari sa Haito Mafia Group.
"Pwede nating pag-usapan dito ang problema mo, Kuya. But if you want to talk to me in private, it's okay," ani ni Karl pagkatapos inumin ang alak sa kan'yang baso. Buong pagmamahal n'yang tinapik sa balikat ang kan'yang kapatid.
"I'm just thinking kung kaya mo bang solusyunan ang problema natin sa port," wika ni Miguel. "May parating tayong kargamento at baka maharang na naman."
Kumislap ang mga mata ng mga kainuman ng magkapatid. Isang simple at lihim na ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi.
"Unti-unti ka nang babagsak, Miguel Rendon," naglalaro sa isip ng isa sa limang lalaki na kahampang ni Miguel.
"Kuya, hindi man natin nabawi ang mga kargamento na nasamsam ng awtoridad, hayaan mong ako ang mamahala ng operasyon na ito," sabi ni Karl.
Hindi umimik si Miguel habang nakangisi naman ang isa sa mga kaharap niya. Tuwang-tuwa ito na makita na na tila nahihirapan magdesisyon ang mafia boss. Ang totoo ay naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para makuha ang trono sa lalaking sa tingin niya ay hindi naman karapat-dapat sa posisyon.
"Okay. I'll leave it up to you, Karl. I trust you, bro," wika ni Miguel.
Dahil sa trabaho na nakaatang sa kan'ya, handa si Karl na gawin ang makakaya niya. Masaya ang lalaki na siya ang mangunguna para maayos na mailabas sa port ang mga kargamento nila na naglalaman ng mga mamahaling baril. Isa iyon sa pinakamalaking shipment ng Haito Mafia Group.
Lumipas ang mga araw, naging matagumpay ang ginawang paglabas ni Karl sa kargamento mula sa port. Walang pagsidlan ng tuwa si Miguel kaya naman mula sa dating namamahala ng mga kargamento ay inilipat n'ya kay Karl ang tungkulin.
"Habang naghihintay tayo ng prinsipe ng Haito, dapat ay mas palakasin pa natin ang ating hanay," suhestiyon ni Karl sa kanilang meeting. "Dapat sa paglabas ng pamangkin ko ay mas lalo na tayong katakutan pa ng ating mga kalaban."
"Masama ang maghangad ng labis na kapangyarihan. Baka hindi natin mapanatili at bumagsak lang tayo," sagot ni Miguel.
"Bakit hindi natin mapapanatili kong buo naman ang ating grupo?" tanong ng isang lalaki na may mataas na posisyon sa grupo.
"Isa na tayo sa may pinakamalakas na grupo. Kinatatakutan na tayo ng mga kalaban kaya hindi na natin kailangan pang makipag-kompetensya sa mga kalaban," katwiran ni Miguel.
"Ngunit may mga malalakas ang loob na kalabanin pa rin tayo sa kabila ng taglay nating lakas at kapangyarihan," sabi ni Karl.
Natapos ang kanilang meeting na walang napagkasunduan ang lahat. Sino nga ba ang hindi maghahangad ng labis na kapangyarihan? Aminado si Miguel na gusto n'ya rin na sa pamamahala n'ya ay magningning ang Haito Mafia Group ngunit ayaw niyang maulit ang nakaraan kung saan sa kamatayan dinala ang mga mga magulang nila ni Karl ng masidhing pangarap ng mga ito na maabot ang tuktok ng tagumpay.
"Mukhang malalim ang iniisip ng asawa ko," puna ni Catherine kay Miguel.
"Iniisip ko lang ang magiging itsura ng anak natin kapag lumabas na siya," pagsisinungaling ng mafia boss.
"Naku, tiyak ay kamukha siya ng kan'yang daddy," nakangiting turan ni Catherine.
"Anong gusto mong pangalan n'ya?" tanong ni Miguel sa kaniyang asawa.
"Hexur," mabilis na sagot ni Catherine.
"Saan mo naman nakuha ang pangalan na iyan?"
"Naisip ko lang, mahal. Feeling ko kasi ay nangangahulugan siya ng, 'mula sa mga bituin.' Although sa Google naman ay hindi ko makita ang tunay niyang kahulugan."
Napatango-tango si Miguel. Maganda ang pangalan na gusto ng kan'yang asawa at sa tingin niya ay mahiwaga iyon. Wala pa siyang naiisip na pangalan kung siya ang tatanungin kaya ang napili ng asawa ay siyang gusto n'ya na rin na pangalan ng kaniyang tagapagmana.
Isang araw, papunta sa hospital ang mag-asawa ng biglang harangin ang sinasakyan nila ng isang grupo ng kalabang mafia organization. Ang buntis na si Catherine ay buong tapang na kinuha ang mataas na kalibre ng baril at nakipagbarilan sa mga armadong hindi nila alam kung saang grupo nagmula.
"Damn it! Magkubli ka, Catherine!" malakas na sigaw ni Miguel.
"No, mahal. Kailangan alam ng mga kalaban kung sino ang binabangga nila!" ganting sigaw ni Catherine sa pagitan ng mga putok.
Nasa Sintuan Street sila, isang mahabang kalsada ito sa gitna ng Libana. Sa kalye na iyon madalas mag pang-abot ang mga grupo ng mafia kaya madalas na may nagaganap ang labanan doon. Wala rin halos katao-tao sa lugar na iyon dahil na rin sa takot na maipit sila sa away ng mga mafia groups. Lahat ng business establishments ay sarado at walang nangangahas na magbukas.
Kilala ang Haito Group sa pagkakaroon ng magagaling na at matatapang na miyembro ngunit sila ay mas makatao kaysa sa ibang mafia group sa Libana. Hindi sila nangunguna sa labanan pero kapag sila ang kinakalaban, hindi sila uurong.
"Get in the car. Baka mapano kayo ng baby natin!" utos ulit ni Miguel sa asawa n'ya na panay ang punterya sa kalaban.
"Mahal, our son will be ashamed to call me mom kapag nalaman n'yang duwag ako. I should fight back. Makakatulong din ako sa inyo."
Isang malakas na sigaw ang biglang narinig ng mag-asawa. Tinamaan sa braso niya ang kanilang driver. Namimilipit ito ngunit patuloy na lumalaban.
"Damn it! I'm going to blow their heads!" sigaw ni Miguel.
Nagliliparan na mga bala, malalakas na putok ng baril, at mga nakakakilabot na sigaw ang maririnig sa paligid. Katanghaliang tapat, tirik ang araw at napakaalinsangan ng paligid ngunit ang labanan sa pagitan ng grupo ni Miguel at ng hindi pa matukoy na grupo ay 'sing init din ng araw.
"Boss, magkubli kayo ni madam. Kami na po ang bahala sa kanila," sigaw ng mga bagong dating na miyembro ng Haito Mafia Group.
Ang Libana ay muli na namang naging isang battle ground ng mga taong may kani-kanilang paniniwala at agenda. Nagkalat ang dugo at mga basyo ng bala ngunit walang gustong sumuko. Isang malakas na sigaw ni Catherine ang gumulantang sa lahat ng Haitos. Sugatan ang asawa ni Miguel at namimilipit ito sa sakit.
"s**t! I can't move my legs!" sigaw ni Catherine.
"Hold on, mahal. Makakalabas din tayo sa impyerno na ito!" ganting sigaw ni Miguel. Inubos niya ang laman ng kan'yang magazine sa lahat ng kalaban na nakikita niya.
Ang matapang na si Catherine ay panay pa rin ang paputok kahit na dumudugo na ang kaniyang hita. Humihiyaw siya sa kirot ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa.
Hanggang sa dumating ang mas marami pang Haitos. Sa pangunguna ni Karl ay unti-unting umurong ang mga kalaban.
"Kumusta kayo?" tanong ni Karl sa kapatid n'ya.
"Hindi maganda ang lagay ng Ate Catherine mo. Kailangan siyang madala agad sa hospital," nag-aalala na sabi ni Miguel.
Agad na isinakay sa dalang sasakyan ni Karl si Catherine at mabilis nilang nilisan ang Sintuan. Habang mabilis ang patakbo ni Karl ng kan'yang kotse ay pinapagalitan niya ang kapatid.
"Bakit kayo dumaan dito sa Sintuan? Alam n'yo naman ang lugar na ito ay mapanganib," galit na sita ni Karl sa kaniyang Kuya.
"May kasunduan na ang bawat grupo," wika ni Miguel. "Hindi ko inaasahan na may magta-traydor sa mga kausap ko. Ngayong sinaktan nila ang aking mag-ina, hindi na ako mangingiming gumamit ng lakas at dahas para mas mangibabaw tayo sa lahat. "
Sa hospital na pagmamay-ari ng Haito Mafia Group ay agad na inasikaso si Catherine. Karamihan sa mga pasyente sa hospital na iyon ay walang alam na na mafia boss ang may-ari ng hospital. Nakapangalan ang hospital sa ibang pangalan na wala ring iba kun'di si Miguel Rendon.
Ang mga doktor at nurses sa nasabing hospital ay mga miyembro din ng Haito Mafia Group. Ngunit mayroon silang sinusunod na code of conduct. Bawal silang gumawa ng ilegal habang suot nila ang kanilang uniporme upang mapangalagaan ang reputasyon ng hospital.
"Wala po kayong dapat ipag-alala sa tama ng inyong asawa. Sa laman po tumama ang bala at kailangan lang tanggalin ito. Hindi po nito maapektuhan ang baby sa sinapupunan ni Ma'am Catherine," sabi ng isa sa mga doktor.
"Ngunit may nakita po akong problema. Ang umbilical cord ng sanggol ay nakapulupot sa kan'yang leeg. Suhi din po ito kaya dapat na dumaan sa caesarian operation ang inyong asawa," ani naman ng obstetrician.
Napasabunot si Miguel sa kan'yang ulo. Dahil sa mga sinabi ng doktor ay tila siya nauupos na kandila. Alam niyang takot si Catherine sa hiwa ng kutsilyo dahil sa truma na pinagdaanan nito noong kabataan nito.
Ngiting-ngiti naman ang isa sa mga Haitos na kasama nila. Masayang-masaya ito sa nakikitang paghihirap ng kalooban ng kanilang mafia boss.
"Gan'yan nga, Miguel Rendon. Magdusa ka katulad ng pagdurusa ko. Wala kang kamalay-malay na pinaglaruan lang kita."