Walang pagsidlan ng takot si Hexur. Pangalawang beses na niyang nakita ang nagliliwanag na nilalang sa loob ng television. Bigla niyang hinila ang kan'yang braso na hawak-hawak ni Morie. Muli namang bumalik ang palabas na kanina ay pinapanood ng dalaga. Aktong hahawakan ulit ni Morie ang binata ngunit mabilis siyang lumabas sa silid ni Morie. Walang direksyon ang kaniyang mga paa. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa puntod ng mga magulang niya. "Daddy, mommy, anak n'yo ba talaga ako? Ano ang ibig sabihin ng balat kong ito sa aking kanang braso? Mababaliw na ako sa mga nakikita ko," bulong ng binata habang nakatukod ang kamay niya sa puntod ng kaniyang mga magulang. "Hexur," tawag ni Morie sa binata. "Kailangan mong maging matapang para malaman mo ang totoo." "Anong totoo? N

