Nakakabinging katahimikan sa hospital ang sumalubong sa grupo nina Hexur. Sa likod na bahagi sila dumaan para hindi makahalata ang mga tao lalo na at hindi alam ng komunidad na pagmamay-ari ng isang mafia boss ang pagamutan. Si Morie na hindi napigilan ni Hexur ay buong tapang na lumapit sa isang nurse. Hindi mahahalata ng mga pasyente na sa hita niya ay nakatago ang mga matataas na kalibre ng baril dahil nakasuot siya ng six-pocket na malambot na pantalong fatigue. Nakasuot ng boots ang dalaga, naka-sombrero siya at sexy sa suot niyang bulletproof vest na napapatungan din ng fatigue jacket na itinatago naman ang mga baril sa kaniyang likuran at braso. Ang bulsa niya ay punong-puno ng bala. "Kumalma kayo. Narito ang mafia prince ng Haito. Ilabas n'yo isa-isa ang mga pasyente," bulong n

